12

70 2 3
                                    

"CHEERS!" sabay-sabay na sigaw namin at sabay-sabay ring binottoms up ang alak na nasa shot glass. Napakunot naman ang noo ko nang may umagaw ng shotglass ko. Dahil sa lakas ng tama nung alak ay hindi agad ako nakapag-react. 


"Last mo na yan, Natt." sabi pa ni Lance sabay layo saakin nung shot glass ko. 


"Ikaw nga dapat ang hindi uminom. Mag dadrive ka pa mamaya." nakanguso ko namang sagot sakanya at pilit na kinukuha sakanya yung shot glass. 


"Uy, away mag asawa na ba this?" rinig ko pang sabi ni Gio. 


"Infairness, ang lakas ng sigaw mo kanina Natt ah. Hinding-hindi papatalo sa ibang girls." natatawang sabi naman ni Aga. 


"Syempre, baka mamaya maagaw pa. Madami kayang nag kakagusto dyan kay Lance." sabi pa ni Rom at uminom ulit ng alak. Napairap nalang ako sa hangin at tumingin sa dance floor. Tuwing pumupunta ako dito sa Anthonys, si Lance lang ang naiisip ko at kung paano kami nag kakilala. 


"Lance! Sabing mag dadrive ka pa mamaya eh!" inis kong sabi kay Lance nang makitang uminom nanaman sya ng alak. Kinuha ko iyon at tinago rin ang shot glass nya. Napaka-kulit. Hinding-hindi papayag nang hindi nakakainom ng alak. 


"I can drive when i'm drunk, Natt." sabi pa nya at pilit na kinukuha ang shot glass saakin. 


"Sinong niloko mo?" taas-noong tanong ko naman sakanya. Sinong taong kaya mag drive ng maayos kahit lasing? Tuktukan ko kaya to para magising sa katotohanan. 


"Omg! The Titans!" pare-pareho kaming napatingin doon sa sumigaw na babae. Lahat kami ay napatigil sa ginagawa. "Sobrang galing nyo kanina! Can i have a picture with you guys?" 


Kilig na kilig si ate. Hindi ko sya masisisi. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung makita mo ang apat na to? Grabe, ang lalakas ng dating. Daig pa kamo artista. 


"Sure." nakangising sabi naman ni Gio. Sya ang unang lumapit sa girl at inakbayan pa ito. Sabi na eh, alam ko na ang pinaplano ng mga to. Cute yung girl, malamang ay naattract nanaman sila. 


"Pwede kuhanan mo kami ng picture?" tanong naman saakin nung babae. Huh? Hindi ako kasama? Ay wow, sosyal! 


"C-Cge." no choice naman ako kundi pumayag. Nakita ko pang tumatawa sila Aga sa naging reaksyon ko pero inirapan ko lang sila. Kasabay nang pag pindot ko sa button ang pag halik nung babae sa pisngi ni Lance. 


Halos mabitawan ko ang phone nya nang makita kong gawin nya iyon sa mismong harapan ko. Nagulat rin sila Rom sa ginawa nya at lalo naman si Lance. Agad syang nilapitan ni Gio at nilayo kay Lance.


"Are you out of your mind?" iritadong tanong ni Gio sakanya.


"Sorry, sobrang fan po kasi ako." sabi naman nung babae na nakapag kagat nalang ng labi ko at napairap sa inis. 


"But still, you crossed the line." sabi pa ni Aga. 


"Learn how to respect other people. Pwede kang makulong pag ginawa mo ulit to sa ibang tao without their permission." sabi naman ni Rom. Kalmado sila pero halatang nainis sila sa ginawa nung babae. 

Malay mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon