Trigger Warning: Suicide, Rape
Four cornered walls of the house that signifies my workplace. Our home that became my prison with an open door. I can easily leave this prison but I'm scared that I might find hell if I'll leave.
"Huy uwian na" sabi sa akin ng kaklase ko na tuwang-tuwa dahil sa wakas tapos na ang klase. But unlike him I'm not happy about it.
I'm going home, what a nice word to hear after a long day in school; after a hardcore experience with my disrespectful professor. Well that's nice to hear before.
But everything changed...
I lazily stood up and fix my things, preparing to go home kahit pa ayokong umuwi. Lumabas na ako ng school at nag-antay ng trisikel. Habang nag-aabang iniisip ko kung uuwi na ba ako agad o tatambay muna ako. Alas tres pa lang naman. Nang mapagdesisyonan ko na pupunta nalang muna sa park agad akong tumakbo sa direksyon ng lugar.
Gaya ng nakasanayan, maraming estudyante ang nakatambay. Naupo ako sa isang bench at pinanood ang mga kapwa studyante na nagsasaya.
Gaya ko ayaw rin kaya nila umuwi? Marami ang rason pero ano kaya ang kanila. Yung iba siguro para makipag-date, yung iba naman gumagawa ng project or nag-aaral ng sayaw. Sa kanilang mga ngiti may sakit din kaya na nakatago.Sana ay wala dahil walang tao ang karapat-dapat na masaktan.
Unti-unting nag dilim ang kalangitan, simbolo na kailangan ko ng umuwi. Napasinghal ako at tumayo kahit na labag sa loob ko. Nakarating ako sa bahay namin at iniisip ang mga mangyayari sa oras na pumasok ako sa kahoy na pinto.
"Oh bakit ngayon ka lang? Kanina pa ang awas niyo ah" Tanong ng nanay ko pagkapasok na pagkapasok ko palang ng bahay.
"Galing lang po sa parke" mahinang paliwanag ko.
Agad niya akong sinapok sa ulo. "Ang dami daming gawain sa bahay nakuha mo pang tumabay" she scolded me. Nakatungo lang akong pinapakingan ang masasakit na salita na binibitawan niya.
Agad na akong nag bihis at ginawa lahat ng gawain na naka-atang sa akin. Tulad ng dati halos lahat ay sa akin. Si Ate Win wala ng ginagawa, nagseselpon lang sa kwarto. Ignoring her I start doing what I have to. It's 10pm when I finish all the chores. Tulog na silang lahat. Bago matulog naisipan ko munang kumain ng hapunan dahil nagugutom na ako. Hindi ako nakasabay sa kanila kanina dahil ako'y naglalaba mg aming uniform. Binuksan ko ang kaldero at nakitang wala na itong laman. Tiningnan ko rin ang ulam na may takip sa lamesa at sa di inaasahan wala na ring ulam. Tanging pinggan nalang ang nasa ilalim ng takip.
Napasinghal ako. Ano pa ba ang bago?
Dinayag ko na ang kaldero at pinggan para wala ng kalat. Uminom nalang ako ng maraming tubig upang maibsan ang gutom bago nagtungo sa kahoy na bangko upang matulog. Sa kwarto sila sama-samang natutulog ng mahimbing. Meron silang malambot na unan at makapal na kumot upang hindi sila ginawin habang ako meron lang isang maliit na unan at wala ng iba.
Maaga akong gumising para magluto at maghanda para sa eskwela. Nang matapos ay ginising ko na sila. Habang sila ay kumakain, naligo na ako at nagbihis. Sa kwarto, habang nagbibihis ako ay pumasok si tiyo. Walang locked ang pinto kaya nakapasok agad siya.
"T-tiyo" I utter as fear takes over.
"Mabilis lang ito. Naliligo pa naman ang mga kapatid mo" He whispered and remove the hairs blocking my face.
"Tiyo 'wag po" Naiiyak na saad ko.
Wala na akong nagawa ng simulan niyang halikan ang leeg ko pababa sa aking dibdib. Madali niyang nagawa ang ang mga nais niya dahil wala pa akong damit, hindi ko na natapos ang aking pag bibihis. Tuluyan ng umagos ang aking mga luha ng pinasok niya ang kanyang ari sa akin. Wala akong magawa. Kahit magsisigaw ako wala namang tutulong. Hindi ito ang una pero ang sakit pa din dahil wala akong magawa. Sinubukan kong magsabi kay nanay kaso ako pa ang pinagalitan niya.
YOU ARE READING
Home
Non-FictionHome.The place where I suppose to rest is the place where I feel exhausted. Is it ironic? The place we're assigned to rest is the place we feel exhausted. All the chores we need to do and all the homework that were tasked to us, aren't they tiring...