Simula

1 1 5
                                    

This is ONLY work of fiction.
All Names, characters, and incidents are fictitious. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental



Plagiarism is a crime.

Warning ⚠:

I'm not a professional writer so you may encountered such grammatical errors and many more. Furthermore, the update of the story will be every Saturday and/or Sunday. Hope you understand thank you! ;-)
                        - Poplarville




Third person Point of view



BOLA

ISANG araw may isang batang babae ang umiiyak sa ilalim ng malaking puno ng balite, hawak hawak niya ang tanging bagay na iniwan ng mama niya bago ito pumanaw, puno ng luha ang kanyang mukha, sobrang sakit ang kanyang nadarama. May isang batang lalaki naman ang naglalaro ng basketball ang nakapansin sa kanya, napagdesisyunan ng batang lalaking puntahan siya, dala ang bola naglakad ito at huminto sa harap niya.

Nakatungo naman ang batang babae habang umiiyak, napansin niyang may tao sa harap niya kaya't inangat niya ang tingin. Sobrang taba nito, maitim pero bagay naman sa kanya, ngumiti ang batang Lalaki sa kanya kaya't nakita niya na kulang pala ang ngipin nito. Napangiwi siya sabay sabing pangit. Pero tumawa lang ang batang lalaki.

"Hi, bakit kaba umiiyak?" maliliit ang boses nito, tinignan niya lang ang batang lalaki.

"Leave me alone!" pagtataboy ng batang babae sa batang lalaki. Imbis na umalis, mas lumapit pa ang batang lalaki at tinanong siya.

"May masakit ba sayo?" sinsero nitong tanong.

"Ayokong makipag usap sayo, pangit na baboy!!!" sigaw ng batang babae sa batang lalaki. Pero imbes na magalit, mas lalo lamang itong lumapit sa kanya.

"Masyado kang masungit, buti nalang maganda ka, kaya bawing bawi lahat ng pangiinsulto mo sakin." saad ng bata. Nakaramdam ng pagkakonsesya ang batang babae dahil sa ginawa niya pero hindi niya kayang humingi ng tawad. Natatakot siya.

"Alam mo sabi ni mama, dapat ang babae Minamahal hindi sinasaktan" sabi nito at umupo sa isang duyan "sino ba ang pangit na nagpaiyak sayo? Sabihin mo, susuntukin ko" pursigido saad ng batang lalaki. Tumayo naman ang batang babae at lumapit sa isang duyan.

"E duyan mo ko" utos niya sa batang lalaki, agad agad naman sinunod ng batang lalaki ang sinabi niya, tinulak nito ang sinasakyan niyang duyan ng marahan. Tahimik lang sila doon pero makalipas ang ilang minuto, nagsalita ang batang babae.

"Kakalibing lang namin sa mama ko" panimula niya, nagulat naman ang batang lalaki at unti unti nakaramdam ng pagka awa sa batang babae.

"Kaya ako umiiyak kanina kasi...... Hindi ko matanggap na wala na siya." sabi ng batang babae at unti unti na namang umiiyak.

"Hindi ko kaya kong wala siya, hindi ko kaya" sabi ng batang babae at humagolgol ng iyak, agad agad naman siyang dinaluhan ng batang lalaki.

"Sige lang, iiyak mo lang yan, hangga't gusto mo, I can be your crying shoulder" Sabi ng batang lalaki. Yakap yakap ng batang lalaki ang batang babae habang umiiyak ito. Pagkatapos niyang umiyak, kumalas siya sa pagkakahayap sa batang lalaki at pinahid ang luha.

"Bakit lahat ng minahal ko, iniiwan ako?" tanong ng batang babae sa batang lalaki.

"Hindi ko alam, pero isa lang ang sigurado, mahal ka non, at lahat ng nangyayari may dahilan." sagot ng batang lalaki.

"Kung mahal niya ako, dapat di niya ako sasaktan, di niya ako iiwan," at humagolgol na naman ito ng iyak. Sa isip ng batang lalaki, gusto niyang patahanin ang batang babae pero hindi niya alam kung papaano. Sakto namang may dumaang  ice-cream, nagpaalam siyang aalis muna, akala naman ng batang babae na aalis at iiwan siya ng batang lalaki. Pero ang hindi niya alam, may binili lang ito.

Bumalik ang lalaki dala ang dalawang ice cream, nagulat ang batang babae dahil hindi niya inaasahang babalik ito. Inabot ng batang lalaki ang dala niyang ice cream, kinuha naman ito ng batang babae saka ngumiti ng kay tamis. Ngumiti din ang batang lalaki kaya't tumawa ng tumawa ang batang babae habang turo turo ang ngipin nitong kulang. Hindi nagalit ang batang lalaki, bagkus, masaya pa siya dahil napasaya niya ang batang babae, kahit papaano, nabawasan ang dala nitong sakit.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ng batang lalaki. Kinagat muna ng batang babae ang ice cream bago sumagot.

“Tawagin mo nalang ako bilang sasa" sagot ng batang babae. Tumango tango naman ang batang lalaki.

"Sasa, okay, tawagin mo na lang din ako sa pangalang Kiki" saad ng batang lalaki, tumawa naman ang batang babae.

"kiki? Ano yan? Puki?" at halos gumulong na sa damohan ang batang babae sa kakatawa.

"Hala ang bastos, shortcut yun ng pangalan ko" Inosenteng pangangatwiran naman ng batang lalaki.

"Oh sige sige, kiki" at tumawa na naman ito. Napa iling nalang siya sa ginawa ng batang babae.

Napansin niyang medyo namumula ang mukha ng batang babae, pero sa isip niya baka reaction lang yun ng balat niya lalo't mestisa ito. May tumawag sa batang lalaki, lumingon siya doon at nakita niyang sasakyan nila iyon, tiyak na sinusundo na siya ng papa niya. Tinuro ng batang lalaki ang sasakyan nila, lumingon naman doon ang batang babae.

"Aalis kana?" malungkot na tanong ng batang babae, malungkot naman siyang tumango. Tumayo ang batang babae at niyakap siya ng sobrang higpit, humakap din siya dito. Tinawag na naman siya ulit kaya kumalas siya sa pagkakayakap.

Nagbabye ang batang babae sa kanya kaya't naglakad na siya papunta sa sasakyan nila ng may nakalimutan siyang ibigay, agad agad siyang tumakbo pabalik, tinawag naman siya pero hindi siya lumingon patuloy siya sa pagtakbo papunta sa batang babae.

Nagulat ang batang babae ng makitang nasa harapan niya ang batang lalaki, agad agad inabot ng batang lalaki ang dala niyang bola, kinuha niya ito at saka tinignan ang batang lalaki na waring nagtatanong kung ano ang gagawin niya sa bola na bigay.

"Sayo nayan, yan ang tanging alala na maari kung ibigay sayo Sasa, alagaan mo yan, saka muna yan ibalik pag nagkita ulit tayo, ikaw muna ang magaalaga sa bola na yan ha? Promise mo sakin yan" paghahabilin ng lalaki, tumango naman at ngumiti ang batang babae.

"Makaka asa ka Kiki" sagot ng babae at ngumiti.

“Pangako, babalikan kita at pagnasa tamang edad na tayo, papakasalan kita, Sasa." pangako ng batang lalaki. Tumawa naman ang batang babae pero tumango rin kalaunan.

"Panghahawakan ko yan, hihintayin kita" sagot naman ng batang babae. Ngumiti ang batang lalaki at agad agad na hinalikan ang pisngi ng batang babae saka tumakbo papunta sa sasakyan nila at sumakay.

Nagulat ang batang babae sa ginawa ng batang lalaki, nagiinit ang pisngi niya, hinawakan niya ito. Tinignan niya ang bola,may pangalang naka sulat doon.

                DELA VEGA.

Hanggang sa muli kiki dela Vega maghihintay akong tuparin mo ang pangako nayan.



His Broken Promises written by: Poplarville

His Broken Promises (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon