Kabanata 4

1 1 0
                                    

Happy reading po!













⚠ Warning ⚠
Rated SPG. This chapter is not suitable for children. Please be aware! Thank you!
-Poplarville










Suicide



“Mommmmmyyy!!!” sigaw ko habang habol hininga, agad agad akong umupo sa kama at hinawakan ang dibdib. Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

“It’s just a dream Rachael, panaginip lang yun” paulit ulit kong bulong sa aking sarili.

“Wala lang yun Rachael, panaginip lang yun” bulong ko pilit kinukumbinsi ang sarili pero kahit anong gawin ko hindi ko kayang e kalma ang sarili ko, nagsimula ng manginig ang kamay ko at unti unti na namang bumabalik ang ala ala na matagal ko ng nilimot. My tears started to fall, and I can’t control myself, hindi ko na kaya! Ayoko na!!!!!

Naglakad ako papuntang cr, lahat ng nahahawakan ko nahuhulog dahil nasasagi ko, basag ang lahat ng mga gamit sa kwarto ko. Pumasok ako sa cr at hinanap ang gamot ko, nakita ko ito sa drawer at kahit nanginginig ang mga kamay nagawa ko pa ring inumin ito.

Makalipas ang ilang segundo, medyo napakalma ko na ang sarili ko, naghilamos ako at tinignan ang mukha sa salamin kaharap ko.

Magulong magulong buhok, maiitim ang ilalim ng mga mata, namumutla. Ilang araw na akong walang ayos na tulog, ilang araw na din akong hindi pumasok sa school.

Tanging si aly lang ang pumunta sa bahay pero hindi ko rin siya pinapasok. May kumakatok ng pinto pero hindi ko rin tinignan kong sino ito. Walang nakakaalam kung anong nangyayari sa akin dito sa loob.

Naghilamos ulit ako at huminga ng malalim. Kinuha ko ang tuwalya na naka sabit sa pinto at pinahid ito sa basa kong mukha. Tumingin ulit ako sa salamin, wala ng buhay ang mga mata ko, para na akong bangkay na muling na buhay.

Lumabas ako cr at hinanap ang sigarilyo ko. Pagkakita ko dito agad agad ko itong sinindihan. Ilang sigarilyo na ang naubos ko saka lang ako tumigil.
Dumako ang tingin ko sa guitarang naka sabit sa dingding.

“kung tayo ang matanda na,

Sana’y di tayo magbago,

Kailan man, nasaan man,

Ito ang pangarap ko,

Makuha mo pa kayang

Ako’y hangkan at yakapin, ooh

Hanggang pagtanda natin

Nagtatanong lang sa ‘yo

Ako pa kaya’y iibigin mo

Kung maputi na ang buhok ko?”

Mommy sang, while me smiling and dad is just listening to her, she have a very nice voice,  she’s very beautiful and kind, but I wonder why daddy can’t love her unconditional, there is a rumor that daddy is in love with someone else but he choose to marry mommy cause mommy is pregnant that time. I wonder if that’s true.

I wiped away my tears, that’s one of the best memories that I had with her, I can’t forget her cause she’s my first love. Mommy is my first love. I sigh and brush away my tears.

The house is very quiet, tumingin ako sa mga bahagi ng bahay, tumulo na naman ang luha ko, lahat ng parte ng bahay na ito, siya lang ang naaalala ko.

Dumako ang tingin ko sa isang kwarto, ang kwarto kung saan nagawa niyang kitilin ang sarili niyang buhay, I’m holding my tears, huminga ako ng malalim saka lumapit doon at pumasok. Umupo ako sa kama at hinaplos haplos ito. After I moment, I started sobbing while hugging their blanket.

His Broken Promises (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon