Tteokboki, Kimchi And The Guy Out Of Nowhere
MAAGANG natapos ang trabaho namin kaya maaga akong naka uwu, 7 pm palang kumpara sa usual 10 pm kung uwi minsan nga 11 pag over time. Pero ngayon ang masasabi kong swerteng mga araw ko. Sabay kami lumabas ni Jane ng building, hindi kami kapareha ng apartment malayo layo pa sakanya kaya ayun napilitan siyang bumili ng kotse.
Naghiwalay na kami nang daan, at nag iisa nalang akong maglakad pero hindi naman alarming dahil ang aga pa at napaka busy pa ng sibilisasyon, maraming pang tao ang naglalakad sa daan yung iba gumagala yung iba naman busy sa mga kaniya kaniyang negosyo nila. And speaking gala, matagal tagal narin akong hindi nakagala, nakalimutan ko nang rewardan ang sarili, pangakong pagkatapos ng pinapagawa ni Boss, mamamasyal kami ni Jane.
Parang gusto ko mag celebrate ngayong gabi nato dahil nakakapagod rin kanina kahit maagang natapos, kaya naisipan kong dumaan muna sa isang Korean restaurant, katabi lang ng apartment na tinutuluyan ko.
Pagkarating na pagkarating ko pumasok agad ako and I'm glad to see na wala masyadong tao, hindi puno yung mga table. Perfect timing to, eh kasi tuwing pumunta ako dito palaging puno pero ngayon umayon saakin ang tadhana, kumuha muna ako ng order ko.
Oorder ako ng tteokboki, kimchi at yung favorite ko ang yangnyeom-tongdak o Korean fried chicken, i tatake out ko lang yung yangnyeom pero yung tteokboki at kimchi dito ko na kakainin dahil ako mismo ang mapreprepare niyan, bibigyan lang nila ako ng mga ingredients tapos ako na ang gagawa, serve hot and delicious.
Hinalo halo ko na lahat ng ingredients at dahil gutom na ako hindi ko na idedescribe isa yung ginagawa ko at pagkaluto ng pagkaluto nito kumain agad ako kaya ayun napaso ang dila, ang takaw kasi! Hehehehe.
Makalipas ang isang oras natapos naring kumain, busog busog na ako at inaantok narin kailangan ko nang matulog. Bukas ko nalang kakainin tong fried chicken, tamang tama para hindi na ako magluluto at nakakasawa narin yung puro cereal nalang.
Malaki laki rin yung apartment ko medyo sosyal siya dahil parang hotel ito, well kadalasan kasi nakatira dito mga business man o mga taong may mga magagandang trabaho, malapit lang kasi siya sa mga kompanyang trinatrabahoan nila, katulad ko.
Nasa 4th floor yung unit ko, kailangan ko pang elevator and halos ng mga kapitbahay ko dun mga married couple na, may iba mag kasintahan lang pero hindi pa kasal, dahil wala pang budget. Charot! Kailan pa ako naging chismosa? Well anyway, ako lang yung single. Ang saya diba? Syempre masaya!
Nakapasok na ako ng unit ko, madilim kaya tinurn on ko yung switch, nagulat ako sa bumungad saakin. Parang binagyo at nilindol ang buong apartment ko, nagkalat ang mga gamit ko sa dingding, yung upuan natumba at yung mga kurtina nahulog.
Anong nangyari dito? Dahan dahan akong pumasok at sinusubukang iwasan ang mga gamit na nana sahig dahil baka may nangloob, pero nilock ko naman ito at kung may nagnakaw man hindi ito ganito kakalat dahil masyadong obvious. Hay ewan ko ba!
Pumunta ako sa kitchen magulo rin yung sitwasyon, yung mga upuan natumba buti nalang yung mga pinggan hindi, mukhang mas naniniwala pa ako na binagyo to. Okay mukhang wala namang nangyayari, aayusin ko nalang to bukas inaantok na ako, antok antok na ako.
Makapunta nga sa kwarto ko! Wait! speaking of kwarto, ang kwarto ko!
Dali dali akong pumunta ng kwarto ko dahilan upang nasagasaan ko yung mga gamit sa sahig pero na manage ko.namang hindi matumba, at walang pag aalinlangan ay akin itong binuksan, sa oras na nabuksan ko ito parang lumabas sa akin ang kaluluwa ko at umalis dahil hindi ko alam ang gagawin o sasabihin, nakatunganga lang ako.
Hindi kayo makakapaniwala sa nakita ko ngayon, May.... may..... may... TAO SA KWARTO KO! at mas nakakagulat pa isa itong lalake, katulad ng sitwasyon sa sala at kusina makalat rin yung kwarto ko, pero yung lalake natutulog sa aking pinakamamahal na kama ng mahimbing, mukhang malalim ang tulog niya. Wait! Di kaya patay na siya tapos nilagay lang siya ng killer dito? Omo!
Dahan dahan akong lumapit kung saan naroroon ang lalake, sinusubukan kong hindi makagawa ng ingay upang hindi ito magising. Kakaiba ang damit nito, parang yung sa mga prinsepe yung sinusout nila Prince William at Prince Harry o nang iba pang myembro ng royal family pero kulay navy blue. Sunod kong tiningnan ang yung mukha niya na talaga namang ikinamangha ko, kaso naka side view ito dahil tumagilid yung mukha niya sa kabilang direksyon.
Sa kagustuhan kong masilayan ang buong pagmumukha ng lalake sa aking kama, ginalaw ko ang kanyang ulo nang hindi iniisip na baka magising siya at mas lalo pa akong namangha nung nakita ko na ang buong pagmumukha niya, ang gwapo niya! Napaka putla nang kanyang mukha, ang kakapal ng kaniyang mga kilay, ganun din ang kaniyang mga pilikmata, mala rosas na mga labi, matatangos na ilong at kasing itim ng mga uling na buhok. Nakaka hypnotize ang kaniyang kagwapuhan, feeling ko nasa K-Drama ako, dahil ba to sa kinain kung tteokboki?
Mahimbing ang kaniyang tulog, gusto kong hawakan siya pero pumasok sa isipan ko na baka isa itong pang fre-frame up, pero nakakapagtaka wala siyang sugat at wala namang dugo na nakakalat sa sahig at isa pa huli narin dahil nahawakan ko na ang mukha niya, apaka tanga ko talaga. But no! this not a case of murder or pang fre-frame up, alam nang lalake to ang nangyari. Bukas ko na aalamin, ang kailangan kong gawin ngayon ay hayaan siyang matulog dito sa kwarto ko dahil pagod narin ako.
Iniwan ko siya loob at lumabas ako nang apartment ko, syempre sinuguro kong e lock ito, dun muna ako matutulog sa isang friend ko, sa kabilang kwarto lang siya nakatira at minsan wala yung husband niya may work at doon na natulog sa pinagtratrabahoan niya, minsan din pinapatulog niya ako roon dahil siya lang mag isa.
Kumatok ako at kaniya naman itong binuksan.
"Hi ate Amy! Pwede ba dito ako matulog sayo ngayong gabi? " pakiki-usap ko. Sana naman pumayag siya.
"Sure, tamang tama wala yung husband ko at alam mo ba ang lakas ng hangin dito kanina, natakot ako dahil bigla ring kumidlat pero nawala rin ito, hay nako hindi ko na talaga maintindihan ang panahon ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, pumasok sa isipan ko ang nangyari sa aking unit, pero wala akong balak na sabihin sakanya yun lalo na yung tungkol sa lalake.
"Ooh, bat gulat na gulat ka?" natatawang tanong niya.
"Huh... Eh... wala, tama ka nakakatakot nga!" pag sang ayun ko para hindi na siya mag tatatanong pa.
"Oh hali kana, pasok!" pinapasok na niya ako at sa wakas makakapagpahinga narin.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Lost His Heart
FantasyWhen a simple girl named Alice whom live a simple life wake up one day and accidentally met a guy sleeping in her bed who happens to came from an unknown world which the girl Alice had no idea about that place but one thing for sure, that day change...