Chapter Three

0 0 0
                                    

Frying Pan And  The
Boy Who Lost His Heart

PAGKADILAT ng aking mga mata, tumayo agad ako sa aking kinahihigaan. Binuksan ko yung phone ko upang tingnan kung anong oras na, 6 pm palang kaya kinuha ko na yung mga gamit ko pero bago ako umalis nagpaalam muna ako kay ate, nasa kusina siya nagluluto.

"Morning ate, babalik na po ako sa unit ko!" pamamaalam ko.

"Morning din, kain ka muna." pag aya niya.

"Di wag napo!" may respeto kong pag tanggi. Aalis na sana ako nang may biglang pumasok sa aking isipan.

"Ahh.... Pwede ba akong maka hiram ng frying pan ate? " paki usap ko. Kung nagtataka kayo kung bakit ako manghihiram ng frying pan, well gagamitin ko lang naman itong armas panlaban sa lalakeng yun.

"Bakit naman, diba meron kang frying pan sainyo?" pagtataka niya having patuloy sa kanyang ginagawa.

"Eh kasi.... Nasira yung hawakan niya, bibili pa nga ako." excuse ko.

"Ah ganun ba, sure! "

Buti nalang pumayag siya, kailangan ko nang mag madali baka gising na mesteryosong lalake sa aking apartment. Pagka bigay saakin ni ate nang frying pan, umalis na ako at habang papunta sa unit ko, hindi ko maiwasang kabahan kaya idadaan ko nalang ito sa dasal, baka namalikmta lang ako kagabi, baka hindi nagulo yung apartment ko at baka wala ring lalake. Sana naman, oh Diyos ko!

Pero kahit ganun, hinanda ko parin yung armas ko para sa mga hindi kanais nais na pangyayari. Nung nasa harap na ako nang pintuan namin hindi ko maiwasang maisip na kung sakali mang papatayin ako sana may makakita saaking patay na katawan at ipalilibing ako nang maayos.

Huminga ako ng malalalim at dahang dahang binuksan ang pintuan, at least I'm prepared for the worst. Sa aking pagbukas inaakala ko talaga na hindi totoo yun kagabi pero totoo, nakakalat parin lahat ng mga gamit. Tuluyan na akong pumasok at dali daling pumunta sa aking kwarto pero pagbukas ko, wala na ang lalake sa aking kama.

Baka hindi totoo yung nakita kong lalake kagabi, baka nga dahil sa tteokboki lang yun.

Tiningnan ko yung banyo, binuksan ko yung closest ko pero wala akong nakitang lalake. Kumalma ako sandali, umupo muna ako saaking kama nang biglang may umingay sa bandang kusina. Agad ko itong inaalam at nagulat ako sa aking nakita.

Yung lalake.... TOTOO SIYA!!!

Ginawa ko nalang ang tanging pumasok sa isipan ko.

"HOY! Sino ka! Anong ginagawa mo sa apartment ko!" sigaw ko sabay tutok sa kanya ng kawaling hiniram ko kay ate. I know this is a bad idea pero masakit rin ang kawali.

Nagulat siya sa sigaw ko kaya lumingon ito saakin, at ito na nga kahinaan ng mga kababaehan, ang gwapo nga niya parang hindi ko siya kayang saktan, pero hindi... HINDI! kahit may itsura siya lalabanan ko parin siya kung susubukan niya akong saktan.

"Ika'y huminahon binibini, ako'y hindi masamang nilalang, ibaba mo ang iyong kakaibang sandata!" pag dedepensa nito sabay taas nang dalawa niyang mga kamay at kanyang boses, oh my goodness nakaka mesmerized, alam mo yung husky pero napaka cold. Pero hindi, hindi parin niya ako madadala sa mga katangian niya.

"Paano mo mapapatunayan saakin na hindi ka masama?" tanong ko rito sa mataas na boses.

"Ibaba mo muna ang iyong sandata at hayaan mo akong ipaliwanag sayo lahat." paki usap nito. Kaya dahan dahan kong binaba ito, at umupo. Sinunod niya ako at siya rin ay umupo pero sinuguro kong malayo parin yung distansya namin sa isat isa.

"Ikaw ang aking hinahanap, ngayon ay natagpuan na kita." paninimula niya, and I have no idea what he's talking about. Napakunot na  lang ako ng noo.

"Patawad at nagulat ka sa aking biglaang pagdating ngunit ika'y aking kailangan- "

"Teka teka nga, hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi mo, bakit mo ko hinahanap?, at bakit mo ko kailangan? Ipaliwanag mo nga saakin." I cut him off. Naiinis na ako sakanya, pero napansin ko lang, mas lalong nakakamangha pa ang kanyang katangian dahil sa kanyang kulay abong mga mata. Kakaiba siya, hindi siya karaniwang tao nararamdaman ko yun.

"Sisimulan ko ito sa aking pinagmulan, ako'y hindi tagarito, ako'y nagmula sa ibang demensyon ng daigdig ang tawag ng aming daigdig ay Ererthria, ako'y naririto dahil nawawala ang aking puso..."

"Huh!? Panong nawawala ang iyong puso, at anong pinagsasabi mong ibang demensyon ng daigdig?" pagputol ko sa kanya ulit dahil talagang nakalilito ang mga sinasabi niya.

"Kung maari binibini ako'y iyong hayaan na makapaliwanag nang sagayon ay hindi ka malito." mahinahon pero inaamin ko may kirot yung sinabi niya kahit wala ring reaksyon yung maaliwalas niyang mukha. Kaya natahimik ako.

"Nawawala ang aking puso, kinuha ito nang isang dakilang mangkukulam na nag ngangalang Olga na ngayon ay namumumo na sa aming daigdig, pinatay niya ang aking ama at kinuha ang kagandahan ng aking ina, dahil sa hindi ko pag sang ayon na maging asawa siya ay kinuha niya ang aking puso at winasak at kapag hindi ko pa ito makikita o maibabalik ay tuluyan na akong maging sunod sunuran sa kanya. Sinubukan ko manghingi ng tulong sa dakilang manggagamot ngunit pati ito'y wala naring magawa dahil kalahati ng kapangyarihan niya ay nasa mangkukulam na, pero kahit ganun ay ginamit niya ang natitirang kapangyarihan upang tulungan akong hanapin ang aking puso, inutusan niya ang isang paru paru na dalhin ako sa kung saan naroon ang aking hinahanap, pumasok ako sa isang lagusan at dinala ako dito." mahabang paliwanag niya.

Mukhang naniniwala ako sakanya pero marami parin akong katanungan.

"Kung sinundan mo ang paru paru at dinala ka rito, bakit ako? Ang laki nang mundo namin, may pitong contenente at bilyon bilyong tao, baka nagkataon lang na dito ka lumabas." paniniguro ko. Kasi naman baka nagkamali lang.

"Hindi, ayun sa propesiya nang dakilang manggagamot na si Udu, isang babae at nawalan man ako nang malay pag dating ko dito, sa aking pag gising naman ay nakita ko ang paru paru na nakabatog sa iyong larawan at ngayon na sa iyong balikat na" paliwanag niya ulit sabay turo saaking balikat, napatingin din ako sa aking balikat at tama siya may paru paru na nakabatog dito.

"Ibig sabihin totoo yang pinag sasabi mo, so isa kang prinsepe?"

"Oo, at kailangan ko ang tulong mo."

Hala! Anong gagawin ko, ano naman ang maitutulong ko sa isang prinsepe na galing sa mundo kung saan nag e-exist yung magic? Ordenaryo lang naman akong tao.

"A- a - ano naman ang maitulong ko sayo, wala akong kapangyarihan at mas lalong wala saakin yung puso mo." pag dadahilan ko.

"Ngunit sayo ako dinala nang tadhana, ang iyong kaharian ay kakaiba pero maganda, isa karin bang prensessa?" tanong nito na ikinatawa ko. Ano daw prensessa? Nakakatawa.

"Bat ika'y tumatawa? Wala naman akong nararamdaman pero alam kong walang nakakatawa sa aking mga tinuran." sabi nito kaya sumeryoso agad ako.

"Sorry, I mean paumanhin dahil hindi ako isang prensessa at mas lalong hindi ito kaharian." I informed, at napansin ko lang ang lalim ng tagalog niya kaya sinakyan ko na.

"Ganoon ba, hindi ko rin maintindhihan kung bakit ikaw ang tinutukoy sa propesiya. Pero magtitiwala ako sayo dahil alam kong may dahilan kung bakit ikaw ang tutulong saakin." Akala ko hindi tuloy ang pagtulong tulong ko o kung ano man itong kabaliwang to.

"Kung iyong mararapatin, nais ko bang malaman ang iyong pangalan binibini? " tanong niya. Kahit napaka cold nang kanyang pakikitungo ay hindi ko maipagkaila na kinilig ako. Ay! ano bayan, parang nahahawa na ako sakanyang malalim na tagalog.

"Ako si Alice Beatrice Gomez, at ikaw ay si?" pakilala ko.

"Kay ganda nang iyong ngalan, ako naman si Alecsuss Magnus Sauveur, ginagagalak kong makilala ka at aasahan na tutulongan ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Guy Who Lost His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon