Left behind

20 1 0
                                    

Kathrine POV

Umiiyak na ako' bakit ba sa buwan na to palagi nalang akong nagkakaganto? May sakit ba ako? Or what?

Biglang pumasok dito si sandru kaya tumagilid ako habang naka taklob ang kumot sakin

" Hoy bangon na jan' dali keylangan mo ng kumain " naramdaman ko ang palad niya na humihimas sa ulo ko

" Sandru bus- busog pa ako " matapos kong sabihin yun sininok nanaman ako kaya napa sabunot ulo nalang ako

" Vrilliana' sininok ka ibig sabihin nag sisinungaling ka nanaman sakin .. Ano ba ang isa sa mga promise natin sa isa't isa ? Walang mag sisinungaling diba? Tss. Bumangon ka na " niyugyog yugyog niya ako

" S-sandru " nanginginig ako

Tinanggal niya ang taklob ng kumot sa mukha ko tyaka ako tumingin sa kanya habang naluluha .

" Kuma- " hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil napa titig siya sa mga mata ko habang naluha

" Bakit keylangan mong umiyak? Vrilliana wag ka nanamang umiyak ohh! Please? " malungkot na sabi niya habang salubong ang dalawa nyang kilay

" Eh kasi hindi ko mapigilan e, ang sama talaga ng pakiramdam ko " pa ungot na sabi ko

" Gagaling ka nyan ok? Mawawala rin yang sakit na nararamdaman mo basta sumunod ka sa mga sinasabi ko wag ka ng umiyak dahil lalo nanamang lalabo yang paningin mo' tapos eto oh keylangan mo ng kumain uubusin mo to para maka inom ka na rin ng gamot' at pagtapos mong uminom ng gamot "

Ngumiti si sandru ..

" Edi sobrang saya na! Sobrang saya ko na dahil magaling ka na ulit! Makakagala tayo sa mga susunod na araw' ililibre ulit kita ng kahit ano at isasama ulit kita sa kung saan mo gustong pumunta diba? " ngumiti ulit siya ..

Napangiti nalang din ako
Tinanggal niya na ang bimpo sa noo ko't inalalayan akong maka bangon'

Hilong hilo pa ako habang nakasandal ako sa unan tyaka naman ako sinubuan ni sandru ng pagkain hanggang sa maubos ko ang niluto niya, agad naman akong humiga dahil hindi ko na kinaya ang hilo ko.

" Teka uyy wag ka munang humiga inom-in mo na muna to " inalalayan niya ulit akong maka bangon

Uminom ako ng gamot tyaka tubig ..

" Teka ha? Wag ka munang hihiga kakakain mo palang wait " inimis niya ang mangkok kutsara at baso na pinag kainan ko tyaka siya dali daling lumabas ng pinto

Napahawak nalang ako sa noo ko habang nakapikit at naluha .

" Sandruu gusto ko nang matulog' nahihilo ako gusto ko nang humiga " matamlay na sabi ko

Narinig ko naman ang mabilis na hakbang niya sa hagdan .

" Vrilliana sorry nilagay ko lang yung pinag kainan mo sa kusina " umupo siya sa tabi ko dito sa kama

" Masakit pa ulo mo? Nahihilo ka ba? " tanong niya

" Oo " sagot ko

" Masama kasi yung hihiga agad pagtapos kumain e kaya hindi ka muna hihiga' kung inaantok ka

Sumandal rin siya sa unan tyaka niya pinasandal ang ulo ko sa balikat niya ..

" Oh diba? Pwede kang matulog kung gusto mo " napapikit na ako

Left behindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon