"On three..," bulong ko sa sarili ko. Pinunas ko pa sa pantalon ko ang basa kong kamay bago yumuko ulit at tinignan kung gaano kataas ang ibabagsak ko tatlong segundo mula ngayon.
"One,"
Pinikit ko ang mga mata ko.
'Sigurado ka ba sa gagawin mo?' Tanong ng malamig na boses sa likod ko. 'Hindi ba dapat..'
"Two," halos isigaw ko para matabunan na ang mga boses niya sa utak ko.
Pero kahit nakapikit ako, at kahit na anong sigaw ko, nakikita ko pa rin lahat ng nangyari.
"Three,"
At ang huling bagay na narinig ko ay ang boses ko. Hindi kabado at hindi nagsisisi. Hindi ko na maalala kung basa ang kamay ko noon pero ang alam ko lang... Handa na akong mamatay.
BINABASA MO ANG
I Cursed Him
ParanormalAt hinihiling ko na sana hindi na lang kami nagkakilala... Iyon siguro ang sumpa, na nagkakilala pa kami.