[Third person]
Si Jin ay takot sa babae. Hindi ito gaanong mahahalata pero kapag tinatawag siya ng babaeng teacher ay agad siyang tatayo na kinakabahan at hindi makatingin. Kapag kakausapin rin siya ng mga babaeng estudyante, hindi siya tumitingin sa mata nila. He tries to play it cool pero ganoon na siya kahit noong bata pa siya.
"Pwede bang sabihin mo sa akin kung anong ginagawa natin?" Tanong ni Ren na nagtatago kasama niya sa loob ng girl's dressing room ng school.
"Sshh!" Tinakpan ni Jin ang bibig niya at sumilip sa maninipis na moisture slit ng locker na pinagtataguan nila at halos mamatay siya sa dami ng mga babaeng nagbibihis sa mismong harapan niya.Mahuhuli sila, the idiot finally realized this.
Sumandal siya at halos hikain sa pagpigil ng mabilis niyang paghinga sa kaba at phobia. Sinamantala ito ni Ren at siya ang nagpakasayang manilip pero hinatak siya ni Jin pabalik. "Pre, naaalala mo yung first year? Yung kamukha ni Sadako?"
"Sino yun?" Naiinis na tanong ni Ren.
He sighed. Natatakot lang naman siyang mag-isa kaya sinama niya si Ren (na hindi naman niya ka-close dahil wala namang tunay na kaibigan si Jin) na hindi takot sa kahit anong rules ng school pero si Ren ay isang walang kwentang kupal.[Jin]
Nagsimula nanamang manahimik ang pandinig ko... Dahan dahang bumigat ang bawat tibok ng puso ko sa kaba habang tumitingin sa maliit na espasyo ng locker. Napahablot ako sa bukasan ng pinto pero pinigilan ni Ren ang kamay ko. May sinabi siya na hindi ko na naintindihan at hindi rin niya naiintindihan... Na dadating na siya.
"Anong ginagawa mo, prinsipe ko?"
Napatigil ako sa panlalaban kay Ren na buksan ang pinto. Kadalasan, sa utak ko lang naririnig ang boses niya. Paminsan parang nasa likod lang siya ng tenga ko nagsasalita. Pero ngayon... Halos marinig ko na siya na para bang... Magkatabi lang kami.
"Wala..." Sagot ko. Nakatingin lang sa akin si Ren at alam niyang may mali pero hindi niya naririnig ang boses ng babaeng iyon.
"Hmmm..." Sagot niya. "Nanonood ka ba... Ng mga nagbibihis na babae?"
"H...hin..di," nagkatinginan kami ni Ren nang sumagot ako na nanginginig ang boses.
"Anong hindi? Ayos ka lang, pre?"Huminga nang malalim yung boses and it made me gasp loudly.
Andito siya... Pero saan?? Ang sikip sikip... Wag mo sabihing...
Tinignan ko ulit ang bawat sulok ng locker sa takot na baka tatlo na pala kaming nagsisiksikan pero dalawa lang talaga kami ni Ren sa loob.
"Gusto kitang makita,"
Natahimik nang sobra. Hindi ko marinig si Ren, hindi ko rin marinig ang mga boses ng babae sa labas... At hindi ko rin marinig ang boses ng babae sa utak ko. Malalakas na pintig lang ng puso ko ang naririnig.
"Nasaan ka na?" Tanong niya.
Sa isang sulok na tinitignan ko, dahan dahang nawala ang liwanag na nanggagaling sa locker slits na para bang may dumaan at huminto sa harapan ng pinto ng locker.
"Jin?"
Nanginginig akong tumingala...
at nagkatinginan kami ng matang nakasilip sa loob ng locker.
____[Ren]
"H-..HHHYYAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!" malakas na tili ng isang babae sa labas at agad akong umupo dahil baka nakikita nila ako sa labas. Hinawakan ko rin ng mahigpit ang pinto dahil baka buksan nila at makita nila kaming nagtatago. Puking ina kasi ni Jin. Pilit kasi siyang lumalabas kanina kaya narinig na siguro kami sa labas. Claustrophobic pala siya tapos siya ang mag-aayang magtago dito. Pero seryoso to, hinimatay siya at baka nahihirapan siyang huminga kaya kailangan na naming lumabas. Mahuli na kung mahuli.Lalabas na dapat ako nang marealize ko na nasa katabing locker pala namin yung sumigaw.
"SADAKO!!!!"Huuuuhhh???
Naring ko ang marami nilang mga hakbang papalayo sa side namin na para bang may multo sa katabi naming locker na nilayuan nila.
"H-HANA! Ano bang ginagawa mo sa loob ng locker?!" Sigaw ng isang babae.Tumayo ako para silipin kung anong nangyayari sa labas. Sa katabi naming locker, may magandang babae na naka-underwear ang nakasimangot. Siya lang ang nag-iisang nasa side na ito. Lahat ng iba nasa likod niya at nakatingin sa nangyayari.
Binuksan niya ng maigi yung pinto ng locker at may lumabas doon...
Una... Ang maputla at mapayat niyang braso...
isang babaeng naka-PE shirt at panty. Hawak niya ang jogging pants niya na para bang nahinto siya sa pagbibihis.
Pati ako kinilabutan. Dahan dahan siya kung maglakad at sobrang itim at haba ng magulo niyang buhok. Kitang kita rin kung gaano kaputla ang paa niya. Sinipa ko si Jin, "Pre..."
Huminto si Sadako nang nakalabas sa siya at sinuot ang jogging pants niya sa harap naming lahat bago pinulot ang gym shoes niya. "Ang liwanag..." Sabay lumabas na para bang walang nangyari.
Di ko alam kung anong gusto ni Jin sa babaeng iyon pero mukhang hindi ko na siya matutulungan. Parang di na ako makakatulog sa gabi pag inisip ko na baka lumabas siya sa cabinet ko.
BINABASA MO ANG
I Cursed Him
ParanormalAt hinihiling ko na sana hindi na lang kami nagkakilala... Iyon siguro ang sumpa, na nagkakilala pa kami.