*thump*
... Imposible. Hindi pa rin ako patay.
Nanlamig ang buong katawan ko. Ito na ang pang-apat na beses na sinubukan kong patayin ang sarili ko at palaging may humahadlang na mangyari iyon. Noong una, nabuhay ako matapos mabangga ng sasakyan. Pangalawa, nalunod ako pero nadala sa ospital at nabuhay parin. Pangatlo, uminom ng lason pero nagtae lang ako.
Sa pagkakataong ito, sigurado na ako na may humahadlang sa akin.
Nalaglag ako sa isang malambot na bagay. Stuffed toy? Halos kasing laki ko ito. Pero sa taas ng 59 floors na pinanggalingan ko... Nakakakilabot isipin na nalaglag ako mismo sa stuffed toy na ito.
"A..aray..,"
Agad akong tumayo at napansin na hindi ito stuffed toy. Tao... Tao ang binagsakan ko.Tinulungan ko siyang tumayo. "Sorry," sabi ko agad.
Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil sa lintik na nakakatakot niyang rabbit mascot na madungis na ang mukha sa tanda. Hindi rin nakakatulong na nasa madilim na iskinita kami. Para siyang mamamatay tao.Tumingala siya ng matagal bago tumingin sa akin. "...Saan ka nanggaling?!"
Boses ng babae. Napaatras ako. Hindi ko alam kung kailan ako huling nakipagusap sa isang babae na lumala na ata ang phobia ko. Sa totoo lang... Ang tagal ko nang hindi kumakausap ng tao at ang natatanging boses lang na alam ko ay sa akin at ang boses ng babae sa utak ko. Hindi ko tuloy alam kung naiisip ko lang ba na magkaboses sila ng babae sa loob ng mascot.
Sa takot ko, tumalikod na lang ako at nagmadaling lumakad palayo pero hinablot niya ako. "Ayos ka lang ba?!"
Hindi ako nagkamali.
Kaboses siya ng babaeng nagsasalita sa utak ko. Dahan dahan at nanginginig akong tumingin sa kanya bago ko hinawi ang kamay niya at nagmamadaling lumakad palayo.
Ako si Jin, at meron ang sikreto. Sikretong balak ko na sanang dalhin sa hukay pero pilit akong sinusundan at binubuhay.
Gaya ng ilang beses na hindi ako nagtagumpay sa pagsusuicide ko, hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi. Nagigising na lang ako sa kwarto ko at oras nanaman para bumangon at pumasok sa school. Pakiramdam ko... wala akong tulog at pagod na pagod na ako sa buhay ko.
____[Third person]
Makikita natin papalabas ng classroom si Hana. Si Hana ay... May pagkaweirdo. Mahaba, diretso at itim na itim ang buhok niya. May bangs din siya na halos tumatama na sa mata niya. Bukod dito, anemic rin siya kaya namumutla ang maputi niyang balat. Siya rin yung tipong hindi tumataba kaya ang papayat ng mga braso niya. Para bang hindi pa sapat na kamukha niya si Sadako, lagi pa siyang nakayuko dahil mahiyain siya. At kapag nakita mo ang mata niya na malalaki ang itim, makukumbinsi ka rin sa si Hana ay isang multo.
Anyway, sa kabilang side na pasalubong sa direksyon ni Hana sa corridor, makikita natin ang sikat na senpai na si Jin. Siya ang bida ng ating storya. Isa siyang sikat na singer at model. Hindi lang siya gwapo, marami rin siyang kaibigan at mabait siya sa lahat.
"Hi Jin!"
"Good morning Jin!"
"Ang gwapo talaga ni Jin~"
Kumikinang at umaaliwalas ang kalangitan kapag ngumingiti siya kaya nahati ang ating corridor sa Golden age kung nasaan si senpai at Great depression kung nasaan si Sadako.May isang gagong kaibigan si Jin na nakabangga kay Hana kaya nalaglag ang mga libro at notebook na hawak niya at balak aralin sa library. Siyempre, hindi nakikita at madidilim sa portion kapag dumadaan ang nagliliwanag nating prinsipe kaya hindi siya napansin ni Jin. Habang kumakaway sa mga bumabati sa kanya, hindi sinasadyang naapakan niya ang palda ni Hana na nagpupulot ng mga gamit niya. Timing naman at patayo na si Sadako kaya nadulas ang ating bida at nandamay pa. Hindi kasi nakatayo ng maayos si Hana at natumba patalikod dahil nga may nakaapak sa palda niya.
Okay na sana si Jin, medyo tanga nga lang siya.
__
[Jin]Shit.
Tatayo na sana ako nang marealize ko kung anong nangyari. Babae...Bumigat ang tibok ng puso ko.
Maingay ang mga estudyanteng nakakita sa amin pero natahimik and pandinig ko.Ito nanaman...
"Nasaktan mo ba siya, Jin?" Tanong ng boses ng babae sa utak ko na ako lang ang nakakarinig.
Hindi ko naman sinadya...
"Ouch..." Sabi nung babaeng naapakan ko ng palda. Nabalik ako sa tamang pag-iisip at lumapit sa kanya. "Sorry miss... Okay ka lang?" Inabot ko ang kamay ko para tulungan siyang tumayo pero tinignan niya ako ng masama at nanlamig ang likod ko.
M..MULTO!!!!
Hindi, tanga... Buhay pa yan.
"S-sorry..."
She sighed and waved my hand away. "Ayos lang ako. Sorry din po." Pinulot niya ang mga gamit niya at naglakad na palayo.Huh??
Sinubukan kong pumikit at tumahimik pero wala na.
Wala na yung boses.
BINABASA MO ANG
I Cursed Him
ParanormalAt hinihiling ko na sana hindi na lang kami nagkakilala... Iyon siguro ang sumpa, na nagkakilala pa kami.