09: The First Blow

331 8 2
                                    

TRIGGER WARNING! YOU HAVE BEEN WARNED!

KINABUKASAN AY MAAGA akong kinatok ni Zius. Wala ako sa mood na pumasok ngayon. Sobrang stressful lang lately. "Eli..." mahina niyang tawag sa akin.

"Come in," I replied.

"Why are you still on your bed?"

"I don't want to go to school today, Zius." Umupo ako at kinuha sa drawer ang papel na binigay ni Mom kagabi.

"What is this?" takang tanong niya habang nakakunot noong tinitingnan ang nakasulat.

"List of traitors sa company natin..."

I saw his jaw clenched.

"Wala tayong magagawa sa ngayon, Zius. Maybe soon," pagpapaliwanag ko sa kanya.

He sighed before he spoke. "I know. Without money, we're nothing."

Sarkastiko akong natawa. "Yeah."

Titingin sana si Zius sa kanyang wrist pero napagtanto niyang wala na siyang suot na relo. Kinuha niya ang kanyang phone. He immediately kissed me on the forehead then he stood up. "I need to go na. I'll teach you later sa mga lessons," he said, forcing a smile.

I nodded. "Sure. I appreciate that. Keep safe."


BUONG ARAW AKONG natulog. Nagigising lang ako tuwing papakainin si Cookie. Bandang alas kwatro ng hapon nang napagdesisyonan kong bumangon. Naligo muna ako bago bumaba. Naisipan kong magluto ng ulam.

Napangiti ako nang makita ang shrimp sa freezer. Mabuti na lang at pang isang buwan 'tong grocery na binili nila Mom, may kakainin pa kami ngayong buwan. After that? I don't know. Nag-search muna ako ng recipe for buttered shrimp.

Ngayon ang unang pagkakataon na magluluto ako. Pagkapatay ko sa aking phone ay nakita ko ang reflection ko sa screen. Napangiti ako nang makita ang hair clips na bigay ni Cedar sa akin. Ang kuwintas at tatlong hair clips na lang ang tanging accessories na naiwan sa akin.

Hinanda ko muna ang mga ingredients. Panay rin ang pagsulyap ko kay Cookie na masayang naglalaro. Madali lang ang niluto kong buttered shrimp. Agad akong kumain. Masaya ako dahil tama lang ang timpla ng aking niluto.

Pagkatapos ay naghugas ako ng pinggan. Nilabas ko si Cookie sa garden area namin. Pinulot ko ang mga tae niya. Hinihintay ko rin si Zius. Pero mukhang mamaya pa 'yong gabi dahil masyado silang dikit ni Lilac. Kulang na lang yata ay tumira sila sa iisang bahay.

Naalala ko bigla si Cedar. Tiningnan ko ang aking phone. Hindi niya ako tinext buong araw. Baka busy sa school kaya hindi naman ako nabahala. Napangiti ako nang bigla siyang nag-text.


Walis: Hi, sunshine. I'm sorry.

Busy na naman ako tonight.

Huwag mo na lang akong

hintayin, okay?

Ako: Hindi naman ako

pumasok. You didn't

know?

Walis: Really?

Ako: Yep.

Walis: Why?

Ako: Wala ako sa mood.

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon