10: The Second Blow

1.1K 17 4
                                    

TRIGGER WARNING! YOU HAVE BEEN WARNED!

NARAMDAMAN KO ANG mahinang pagyugyog ni Zius sa akin. "Kain kana ng dinner. Alas sais na. Wala ka pang lunch," ani Zius.

Napabalikwas ako ng tayo. "Shit! I have to go, Zius. I'll come back. I promise."

Tumango lang siya. "Okay..."

Tiningnan ko muna ang text message ni Cedar. Ang sabi niya kanina pa siyang alas kwatro na naghihintay sa Baguio. Agad ko siyang tinawagan habang nagmamaneho. Nakaconnect sa Bluetooth ang aking phone.

"Ced. Wait for me, okay? I'm on my way."

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. "Okay."


PINATAY KO AGAD ang tawag. Nagpa-gas muna ako bago tuluyang nagpunta sa address na tinext niya. It's almost eleven in the evening nang makarating ako. Nakita ko ang kotse ni Cedar kaya alam kong nandito na ako.

Nagmamadali akong tumakbo patungo sa may pintuan ng maliit na cabin. Pagmamay-ari nila 'to. I was wearing a black dress na galing pa sa lamay ni Dad. Pinihit ko ang doorknob at bumungad sa akin ang mga natunaw na kandila.

Marami ring pagkain ang nakahain. Meron pang mga petals sa sahig. May bouquet of flowers. May mga balloons. Agad kong tiningnan si Cedar na seryosong nakaupo. I saw pain in his eyes. Nilapitan ko siya. Umupo ako sa kanyang hita at niyakap siya.

"I'm so sorry, Ced. Late na akong nagising. I forgot to set an alarm," paliwanag ko sa kanya.

Tears started to fall down his cheeks. "Seven hours... I've waited seven hours! Tapos natulog ka lang pala?"

Nagulat ako sa biglang pag sigaw niya. I tried to kiss him multiple times in his cheeks. Hindi 'yon effective. "I'm already here, Ced. Please, huwag naman tayong mag away," pagmamakaawa ko sa kanya. I need him tonight. Siya na lang ang makakapitan ko. "Please..." pagmamakaawa ko.

"I'm tired, sunshine. I'm so fucking tired waiting. Ni isang text, wala akong natanggap. Dumaan pa ako sa bahay niyo pero walang sumasagot!" singhal niya. Tumaas baba ang kanyang balikat. He's mad.

Tumayo ako at umupo sa tapat niya. Namumula ang kanyang mukha. Nakita ko rin ang champagne na nakabukas at wala ng laman. Nakainom siya pero hindi siya lasing. "Kain na tayo?" pag aaya ko sa kanya. Ayokong mag away kami kaya nagsimula akong kumain.

Malamig na ang mga pagkain. Halos masuka ako dahil hindi ako sanay sa hindi mainit. Ilang minuto ang dumaan saka siya nagsalita. Punong-puno ang aking bibig dahil hindi wala rin akong kain the whole day. Sumasakit na ang aking tiyan.

"Are you really going to act like nothing happened?" he said in a serious tone.

Mabilis kong nginuya ang aking pagkain at uminom ng tubig. "Wala naman tayong problema."

Sarkastiko siyang tumawa. "Pinaglalaruan mo ba ako? Hindi ka ba naaawa sa akin? Pitong oras mo akong pinaghintay! Ilang buwan na tayong hindi masyadong nagdi-date tapos ngayong wala ng pasok saka ka ganito?! Kasi nakatulog ka?! Hindi ba ako importante sa 'yo?!"

Nangingilid ang aking luha. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sumbatan. Pero hindi ko magawa. Dahil mahal ko siya... Mahal na mahal ko siya. Lahat ng ginawa ko sa kanya noon, na kahit maghintay ako nang matagal sa labas ng building nila ay okay lang dahil ginusto ko 'yon.

"I'm so fucking tired of this!" sigaw niya saka niya tinapon ang bote ng champagne.

I burst out in tears. I wanted to beg for him to stop... Because I needed him... I wanted to tell him that my father took his own life, but I couldn't do it. I was in turmoil. It felt like I was living in a nightmare. I remember Dad.

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon