Chapter4:

66 4 2
                                    


( A:/:N:  guyssss sorry talaga sa matagalang di pag update kasi busy si author niyo sa signing nang clearance namin hope u understand  ^_^ at Sehunniiee este Oh Sehun nang Exo hubby ko rin yan hihihi )

Chapter 5:

Min's Pov

" aish! Kahit kailan talaga ang sungit ng Kai na iyon! Porket slave niya ko argh! Nakakainis nang negro ka super! " pagmamaktol ko habang papunta sa vending machine upang bilhan ng maiinom si negro este si Kai. Pagalit kong hinulog ang coins at pinili ang gusto niyang iinumin. Nakakabadtrip! Kanina pa kasi niya ako inuutusan nakakainis! Nakakapagod kaya. Punta ditto punta doon haysss. At Gabi narin kasi at medyo madilim narin ang lugar na kung saan gustong bilhan ni Kai ng iinumin niya.

PSH.

Kalalakeng tao ang Arte eh no?. At si Shin? Ayun mapayapang na-unang umuwi sa dorm namin para gumawa ng presentation niya bukas. Tapos sana di nalang ako pumayag sa slave thingy na iyon!. Eh bibilhan pa Sana daw ako ni manager ng bagong phone kaso nalaman niya na nakita ko na ang phone ko. Kaya ayun di natuloy. Padabog ko namang kinuha ang 3 softdrinks na pinabili niya sa akin.

Tapos Nung lumingon ako,  may limang naka all black tapos nakahood silang lahat at nakapalibot na agad silang Lima sa akin.

Gosh. Nararamdaman ko na ang lakas ng tibok ng puso ko.

" a-anong k-kailangan n-niyo sa akin? " tanong ko sa kanila at still hawak ko parin ang pinamili ni Kai.

Ayaw ko nang bumalik sa vending machine na iyon no!

" Sumama ka nalang sa amin kung ayaw mong mapahamak " sagot sa akin ng nasa harapan ko

Ayaw daw mapahamak pero baka may gagawin silang masama sa akin.

Napabalik nalang ako sa realidad ng nakaramdam ako ng mainit na kamay na humawak sa magkabilang braso ko, hindi pa nga ako naka pag decide eh. Langya. Pinapasok naman kaagad nila ako sa isang itim na van. At Pag kapasok ko kaagad naman akong pinagitnaan ng dalawang humawak kanina ng kamay ko. Maya Maya pa ay tumigil ang van sa isang MALAKING BAHAY!

Bakit Hindi nila ako dinala sa isang lumang gusali o di kaya sa isang sira- sirang bahay?

" baba " utos ng katabi kong nasa left

At naka baba na pala silang lahat. Except sa aming dalawa kaya ayun no choice bumaba narin ako baka may gagawin kasi siyang masama sa akin kapag hindi ko siya sinunod. Pagkababa ko kaagad ko naman silang nakita na naunang maglalakad. Susunod ba ko o tatakbo nalang?

Sana tama yung desisyon ko. Tatakbo na Sana ako nang may humawak sa wrist ko at paglingo ko eh?. Wrong move

" Don't run or else I'll kiss you " bulong niya sa tenga ko at I sweard sigurado akong tumayo ata ang lahat ng balahibo ko sa kamay. Sinimulan naman niya akong kaladkarin at mabuti hawak ko parin ang inumin ni Kai. Nang nakapasok na kami kaagad ko namang inilagay sa isang mesa (I think?) ang inumin. Nung nalagay ko na kaagad naman akong pinaupo ng isang lalake? Sa isang upuan. Madilim padin kasi at hindi ko parin nakikita ang pagmumukha nila. At nakahinga  naman ako ng maluwag ng hindi ako itinali ng lalakeng iyon.

Gulat ang nasa mukha ko ng naka on na ang ilaw

Sila ni SEHUN LUHAN CHANYEOL BAEKHYUN AT KRIS?!

Pinag loloko ba nila ako?!

Sht!

Kaagad naman akong napatayo at kumuha nang unan sa sofa na inuupuan ko kanina

" langya!Pinagtripan niyo ko! Halos lumabas na ang puso ko sa kaba tapos kayo?! Tatawa tawa lang diyan! I hate you! " sigaw ko sa kanila habang tinatapunan sila ng unan na nakuha  ko sa sofa

Argh!

" Hahahaha ang mukha mo kanina ang priceless hahaha " sabi ni Sehun at humagalpak ng tawa

Kaya ayun. Ang iba tumawa na rin

I hate them.

Napa upo nalang ako at tinakpan nang dalawa kong kamay ang buong pagmumukha ko

Nakakahiya at nakakainis!

" hoy tama na nga iyan baka umiyak pa ang isa diyan" narinig kong sabi ng isang familiar na familiar talaga na boses. Kaya kaagad naman akong napatingin sa nag mamay ari nun, kaya kaagad naman akong napatayo at

" ayan na ang pinabili mo uuwi na ko " sabi ko at tumalikod na

" no. Dito ka matutulog " sabi niya at pinigilan ako. Kaagad ko naman siyang nilingon at sasagot na sana ako nang nagsalita na kaagad siya

" Pinag paalam na kita sa kaibigan mo. Nandito Narin ang gagamitin mo para bukas at Remember  I am your boss got it? " sabi niya at

Wala naman akong choice

Inirapan ko muna siya at aalis na sana ng nakalimutan kong hindi ko pa pala alam ang daan ng bahay na to.

I guess under ako sa Kai na to.

~~~~~~~~~~~

I'm In love with a K-pop IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon