Chapter 10 : ( @ Gemini Hotel)

24 3 0
                                    

Chapter 10 :

Min's POV

" argh! Kai! huwag ka ngang magpabigat!, bakit kasi ang bigat-bigat mong lalake ka! " pagmamaktol ko habang buhat-buhat siya papunta na sa room na chineck-in ko kanina lang

Wala kasing staff na tu-tulong sa akin sa pagbubuhat sa dambuhalang 'to dahil busy silang lahat

" aja lang Min! malapit na! " bulong ko pero may halong sigaw, ah ewan! hindi ko alam ang tawag nun!

Nang nasa harap na kami ng pintuan kaagad ko namang binuksan ito at dali-daling tinungo ang kwarto at hiniga si Kai dun

At siya? tulog parin.

Masama parin siguro ang pakiramdam niya hays.

Infyernes mukhang anghel siya kapag natutulog, ah! Naka-ilan ko ba siyang napagsabihan na parang anghel?

Nilapitan ko nman siya at kinapa ang l-

Ouch! ang init parin niya!

Kinumutan ko muna siya at dali-daling lumabas para pumunta sa kusina.

Ng nasa kusina naman ako.

kumuha naman ako ng bowl, nilagyan ito ng tubig tapos binuksan ko naman ang ref at good thing may ice sila dito

Pinukpok ko naman yung ice sa lababo tapos nilagay ko yun sa bowl na nilagyan ko ng tubig

Kumuha naman ako ng cup noodles sa cabinet tapos niluto iyon

Mapaupo nalang ako sa upuan na malapit lang sa kusina habang inaantay na kumulo ang panapakulo kong tubig

Aish! Kai! ikaw palang yung taong inalagaan ko ng ganito!

Nagkasakit siya ng dahil sa akin dahil pumunta pa siya sa akin kahit umuulan na ng oras na yun, tapos binigay pa niya sa akin ang jacket niya

Ang tigas ba naman kasi ng ulo niya! di ba niya napansin na umuulan?

~~~~~Kai's POV~~~~~

" Kai! yaa! bumangon ka muna diyan! jebal! para ma inom muna yung gamot mo! " narinig kong boses habang inaalog-alog ako...

Argh! ang sakit ng ulo ko!

a-ah e-eh, opo opo, boyfriend ko po siya

Napangiti na naman ulet ako ng ma alala ko ang sinabi niya kanina

hahahaha

" h-huy! a-anong ningingiti mo diyan! bumangon kana! kung hindi!- " naputol ang sasabihin niya nang-bigla ko siyang hinila kaya naman napahiga siya sa taas ko.

" kung hindi ano? " minulat ko ang mata 'ko at nag-smirk

oo nakapikit padin yung mata ko nung hinila ko siya, hahahaha

" haha-e-eh-este, itatapon k-ko sa mukha mo ang cup noodles! " sabi niya at napatawa naman ako

haha? sayang hindi niya pinatuloy yung una niyang sasabihin hahaha

" a-ano, bumangon ka na diyan! kumain kana, para mainum mo na din ang gamot mo! " sabi niya nang nakatayo na siya sa gilid ng higaan

Ewan ko nga kung paano naka-alis ang babaeng 'to sa taas 'ko.

" eh, hindi a-ako makaupo nang maayos masakit pa yung ulo ko, tignan mo may lagnat pa nga ako " sabi ko at nakita ko naman na pumula ang pisngi niya hahahaha ang cute!

Kaya ayun no choice siya kundi tulungan akong umupo nang maayos

" subuan mo na din ako please? " sabi ko at nakita 'kong lalo pang pumula ang pisngi niya

I'm In love with a K-pop IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon