Chapter 2

64 50 43
                                    

Chapter 2
First Time

Tuloy pa rin ang lakad nina Apple at Aly, habang ako naman ay tinawagan si Kuya Domeng

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tuloy pa rin ang lakad nina Apple at Aly, habang ako naman ay tinawagan si Kuya Domeng. Mabuti nalang at maaga ko siyang natawagan, kung kaya't hindi siya nakapag-bayad sa nahanap niyang apartment. I gave him money before I left.

"Lily, lilipat na tayo ng house!" I told her when I came back in the car. "Alam mo ba, I met this girl na super bait and friendly, tapos may friend rin siya na funny. Both of them are my friends now! Sana kaklase ko sila, 'no?"

"Arf arf!" She barked.

"Atsaka, 'yung new friend ko na girl, may kapatid siya na sobrang gwapo! Like beh, first time ko na lang magka-crush ulit!" Hindi ko mapigilan na tumili habang hinahaplos siya. "Titira tayo kasama sila! Kaya make sure na behave ka roon, okay? Huwag mo kakalimutan potty training natin, uulitin natin 'yon do'n!"

"Saan niyo po pala balak tumira, Ma'am? Para masabi ko kay Sir Cris," tanong ni Kuya Domeng.

Umiling ako, "Okay lang ba if huwag mo na lang sabihin sa kanya kung saan ako?"

"Baka po magalit sa 'kin, Ma'am.." he looks scared.

"Just tell him that I want to keep it a secret from them," sabi ko at hinawakan siya sa braso. "Are you hungry ba? Let's find a fast food chain, kain muna po tayo."

Tumango naman siya. Malapit lang ang mga fast food chains dito at napili namin ay McDonald's. Pagpasok namin sa loob ay si Kuya Domeng nalang ang pinag-order ko dahil nahihiya ako. High-tech na dito. Ako na ang nag-order sa self-service kiosk nila, and si Kuya Domeng ang nagbayad and nagbigay ng receipt.

While waiting for him, I decided to find a vacant seats for us. I picked a table near the window. Marami rin naman akong in-order so I think okay lang na umupo kami sa table for four para kumasya lahat. I know rin naman na Kuya Domeng is a big eater and I want to show my appreciation to him by spoiling him with food. I'll also buy it for his family.

I was preoccupied, staring outside the window. It took me a long time before I noticed the service crew cleaning our table. When I shifted my gaze on him, I was caught off guard to see him. I think he's too busy, that's why he did not recognize me too.

"Uhm..." I tried to get his attention.

"Yes po Ma'am?" Tanong niya. "Teka, parang familiar ka po."

"Ako po 'yung sa jeep kanina, si Criza.." I can't hide my smile. "Hello, nice meeting you again!"

"Hala, welcome!" He looks embarrassed. "Sorry, hindi kita nakilala agad. Kanina lang kasi kita nakita."

"By the way, I have utang sayo, diba? Kapag binigay ni Kuya Domeng 'yung sukli ko mamaya, bayaran kita!" Kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon, ramdam ko na nagniningning ang mga mata ko.

"Kuya!" A customer called him.

Binilisan niya ang paglilinis sa table, "Okay lang 'yon. Pasensya na pala need ko na muna pumunta doon. Nice meeting you again."

Alone Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon