Spaces Between Us (One Shot)

71 10 4
                                    

Naiinis ako sakanya kasi masyado siyang conceited sa sarili niya.

Sasabihin niya may gusto raw ako sakanya kasi gwapo siya.

Anong connect ?

Pero,

Mas naiinis ako sa sarili ko kasi kahit alam ko...

kahit alam ko na kahit kailan walang magiging kami, nagpapakatanga parin ako sakanya...

Alis"-Vince

"Yoko! Gago, upuan ko to ba't mo ko papaalisin?" Nakakainit talaga ng dugo itong lalaking to. Baka maging dinuguan pa dugo ko.

"Huwag kang assuming, di ikaw ang kausap ko."-V

"Bakit? Ikaw ba kausap ko?"-Ako

"Baliw!"

Oh sige, alam ko naman na talo na naman ako sa Vince na to. Anung sense pa makipa-away sa kupal na to.

"Err, I Hate You!"-ako

"Well, the feelings are mutual."-V

Kinuha ko nalang yung gitara ko at pumunta sa garden mag-isa. Lagi naman akong nag-iisa eh.

Ako si Mitchel Annie Perez. 4th year high school sa isang public school. At itong Vincent dela Cruz ang aking tanging mahal simula 1st year kami. Walang nakakaalam na may gusto ako kay Vince kahit bestfriend ko. Kasi wala akong bestfriend.

Marami akong kaibigan pero wala akong matalik na kaibigan. Mas mabuti na yun saakin kesa makipagbest friend ka sa kanila. FAKE eh, mga back stabbers.

Sikat si Vince sa school namin dahil isa siyang modelo ng school namin. Oh diba, sosyal!

Pero kahit madaming nagpapapansin sakanya, wala akong balak gayahin ang mga malalanding yun. HARSH ko ba? Totoo naman kasi diba?

Inistrum ko ang gitara ko at nagsimulang kumanta. Nung natapos ko ang kanta sakto naman na nagring yung bell.

Pumasok na ako sa loob ng room namin and as usual nakaupo na naman si kupal sa upuan ko.

Hindi ko lang maintindihan tong isang to kasi lagi niyang gustong umupo sa upuan ko. Kung tutuusin nga yumuyugo na yung akin at yung kanya naman yung pinakamagandang upuan dito sa room namin.

"Alis" turn ko na to para awayin siya.BWAHAHAHAHA.

"Ma'am oh. Nangungulit si Mitch" err, naku naman.

Tiningnan ako ni ma'am Valdez at tinaasan ng kilay. Problema niya? Well, ano magagawa ko? Guro siya baka ibagsak niya pa ko sa subject niya.

Umupo nalang ako sa tabi ni Vince at tinignan siya ng masama.

"Alam mo Vince, may saltik ka rin sa utak noh? Umalis ka diyan sa upuan ko. Ganda-ganda ng upuan mo tapos ayaw mong umupo dun." syempre sinabi ko yan ng pabulong, baka marinig pa ako ni ma'am malagot pa ako.

"Yaww" aba ang loko inirapan pa ako.

"Di ka lang kupal. Pusa pa. yaww sayo. Sumbong kita kay ma'am."

"Edi mag-sumbong ka, total nagagandahan ka sa upuan ko ba't di mo pakasalan?" joke ba yan? Hindi nakakatuwa noh.

"Ma---"

"Ma'am, si Mitch po ang ingay" ayy naku naman! Letseng tae.

"Ms. Perez, sit here in front!" lagot talaga.

Nakakabanas ng araw ang lalaking ito. Mamatay na siya para wala ng konsumisyon sa buhay ko.

Nagleksyon lang si ma'am Valdez sa TLE pero dahil sa sobrang ingay ng klase namin, nagwalk out tuloy.

Spaces Between Us (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon