Bat nga ba ako nainlove sa babaeng tulad nya? I love her simplicity kasi eh and I love her characteristics at lahat nang meron sa kanya ah minahal ko ng tunay
Naalala ko pa tuloy nung una kaming nagkakakilala este nung una kaming magpansinan XD... Grade 6 pa lang ako nun. Naalala ko pa ang bawat detalye na nangyari yun...
(Flashback)
Ang ganda ganda nya... Tinititigan ko pa lang sya natutunaw na ang puso ko. Her long hair, her beautiful eyes, her mesmerizing smile, I cant stand her beauty. Hay... Sana akin ka na lang.. Sayang hangang tingin na lang ako sayo. Hirap talaga magkacrush sa isang babae na alam mong hindi mo naman makukuha. Sana one day maging ka-
......"Mister Bucks! Natutulala ka nanaman dyan. Mukhang malalim ata ang iniisip mo ah. Kanina pa ako tanong ng tanong sayo. Can you answer this equation?" Sabi ni Ms Nelly(Teacher namin sa Math)
Nako. Anong sasabihin ko?.. Di pa naman ako nag aral dito sa subject na to saka wala naman akong balak mag accountant o kung ano man. Hay. Subukan ko na nga lang. Baka sakaling maimpress ko sya.
"O-of course mam!" Sagot ko
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Kinakabahan ako, nanginginig ang mga binti ko. Bat ba ako kinakabahan? Magsasagot lang naman ako ha. Saka alam ko naman ang sagot! Bat ka ba kinakabahan Sebastian? Isipin mo lang na hindi sya nakatingin sayo Sebastian.
lumakad at kumuha ako ng chalk papuntang board at sinagutan ang equation like it was nothing
"T-tapos na mam!" Sabi ko.
"Halatang di ka nakikinig!" Ms. Nelly said "Ang sabi ko find the hypotenuse not the area!"
Feeling ko parang gusto ko na lumubog sa kinauupuan ko at umalis na sa klaseng to pero di ko magawa. Nakatingin pa sakin si crush :(
"Ms. Solis, Please help your fellow classmate to solve this equation"
*squeak* *squeak*
Ang talino nya talaga. Isa pa yan sa dahilan kung bakit ako nagkacrush sa kanya
"Very good Ms. Solis! Job well done." Sabi ni Ms Nelly "Ikaw Mr. Bucks, at the guidance office after class. Dont be late"
"Okay dont forget your assignment. It's written on the board" "Class dismissed"*soft noises*
"Pre napahiya ka dun ah" Sabi ng kaibigan kong si Glenn. Sya ang isa sa mga kaclose ko sa clase
"Oo nga eh. Badtrip pare." Sabi ko "Ang saya na nga ng daydreaming ko eh""Bakit ano nanaman pinagpapantasyahan mo kanina?"
"Gago. Makapantasya ka naman. Daydreaming lang yun."
"Pareho lang yun pre. Oh ano nga yung iniisip mo kanina?"
"Eh kasi ang ganda ganda ni leigh."
"Ayan nanaman sya" nagtakip ng tenga
"Ang ganda ganda nya kasi eh. Her long hair, her beautiful eyes, and her mesmerizing and stuning smile"
"Blah blah blah. Puro ka Leigh eh. Kaya ka napapagalitan nang mga teacher eh. Kakatitig mo dyan kay Leigh. "
"Ah basta. Pre nakita mo ba kanina? Ang talino nya. Nasagot nya yung equa-"
"Mister Bucks! Ikaw nanaman? Bakit ba napakadaldal mo ha? Alam ko na. Ililipat na lang kita ng upuan. Para di ka na mag ingay dyan." Sabi ni Ms. Rose, Ang adviser namin
Ang malas naman ng araw na to oh. Napahiya na ako kanina tapos ngayon ililipat pa ako ng upuan. Ilalayo pa ako sa mga kaibigan ko. Tae naman. Sana naman pag nilipat ako, sa tabi ni crush
"Miss Silva? Simula ngayon sayo na tatabi si Mr. Bucks and make sure na hindi sya magiingay. Understand?"
"Okay po!" Sabi ni Nikka. Isa sya sa mga tahimik sa clase. Ang tingin ko nga sa kanya nerd eh. Addicted kasi siya sa mga anime.
"Hello Sebastian!" She smiled

CZYTASZ
Ethereal Love
RomansA story of a guy that unexpectedly inloved in a girl that not that pretty, not that famous, not that very special, but she changed his Heart