Kabanata 6: Leaf
"Akerson, isang ice cream lang naman e!" She pouted her lips. "Sige na kasi. Kapag na-frustrate ako rito, ibabagsak talaga kita sa subject ko."
I rolled my eyes. "You have feet, Ms. Carson." Sagot ko sa kaniya pero napadaing na lang ako nang batuhin niya ako ng ball point pen na tumama sa noo ko.
"Ice cream lang naman e. Damot," she mumbled.
I let out a sigh. "Fine. Wait me here." I said, defeated.
"Yes!" She exclaimed. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. She pinched both of my cheeks. I groaned in annoyance. "Sabi na e, hindi mo ako matitiis honey bunch, sweetie pie, sugar plum." She uttered before letting go of my cheeks.
Tumayo na ako at walang pasabing umalis ng opisina niya. Kung alam ko lang na uutusan niya ako, hindi na sana ako pumunta sa opisina niya. I still have work later. I need to get some rest but, I guess, I wouldn't be able to get that.
"Ky!" Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Rich. Mayamaya ay naramdaman ko na ang braso niya sa balikat ko. "Saan ka pupunta? Samahan na kita." Sabi niya.
"Bibili ng ice cream para sa ate mo." Tamad kong sagot sa kaniya na ikinatawa lang niya.
"She must be frustrated by now. She only eats ice cream, when she's happy and, when she's frustrated." He said. "Don't worry, libre na rin kita ng ice cream. Bili na rin tayo ng fishball sa labas."
Kahit ayaw ko ay hindi naman talaga pwede. Mapilit si Rich kaya hayaan na lang muna sa ngayon. Dumiretso kami sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng tatlong ice cream bago kami nagtungo sa bilihan ng street foods. Kwek-kwek at kikiam lang ang akin samantalang fishball, one day old at kwek-kwek naman ang kaniya.
Nang makabili ay bumalik na rin kami ng school. Hindi pa kami pinayagan ng guard na ipasok ang mga pagkain pero dahil anak si Ms. Carson ng may-ari ng school ay pinayagan din kami kinalaunan.
"Thanks, Ky— Akerson." Sabi ni Ms. Carson nang makita si Rich sa likuran ko. "Rich, uuwi na ba kayo ni Akerson?" Tanong niya nang maibigay ko ang ice cream na pinapabili niya.
Rich shrugged his shoulders. "Depende kay Kyrie, ate." Sagot naman niya. "Ikaw ba? Hindi ka pa uuwi?" Baling niya sa kapatid.
Umiling lang si Ms. Carson bago sumagot. "I still have a lot to— Rich! Akerson! Hide!" Bigla niyang asik kaya nagulantang kaming dalawa ni Rich.
Nang lingunin namin ang pinto ng opisina niya ay dali-dali kaming nagtago ni Rich sa may ilalim ng lamesa ni Ms. Carson dahil papunta rito ang may-ari ng school.
"Pa," tumayo si Ms. Carson at naglakad palapit sa kausap.
"I told you not to be with Rich, didn't I?" Seryosong tanong ni Mr. Carson sa anak kaya nagkatinginan lang kaming dalawa ni Rich. "But, what did you do, Elionhir?"
"I'm sorry, Pa." Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ang malungkot na boses ni Ms. Carson.
"Ayoko nang maulit ang nangyari, Elionhir. Nagkakaintindihan ba tayo?" Maawtoridad na tanong ni Mr. Carson. "You are here to teach and not to see or hang out with Rich. I already told you to cut your connections with him, with his family. They are not good for you."
"Pa! He's my brother! How could you say that?! Alam niyo kung gaano kami ka-close ng kapatid ko!" Sigaw ni Ms. Carson. Napatingin na lang ako kay Rich nang hawakan niya ang kamay ko.
"Try me, Elionhir. Try me." That's his last words before we could get out from our spot.
"Rich, umuwi na kayo." Agad na sambit ni Ms. Carson nang makita kami. "Thanks for the ice cream, Akerson. You should go. Magdidilim na. It's not safe for the both of you to walk at night."
BINABASA MO ANG
Kiss of Sunset
Fantasy(Professor × Student story) Kyrie Yvette Akerson lose her sanity, when she lost the man she loved. The man whose always been there beside her through ups and downs and treasures her the most. Her world turned upside-down, when she learned that his m...