1

7 0 0
                                    

The Death Angel's Mission

DAM1(1st half)

"Ger,ano pwede na ba akong lumabas?Okay na ba yung mga pulis?"tanong ng payat at matangkad na lalaki sa kanyang kausap sa telepono.
I wonder,pa'no sya nagkaroon ng phone?gayong nasa kulungan sya.


Ganyan na pala ang mga preso sa makabagong panahon?Anytime,anywhere eh pwedeng tumawag?


"What?!Damn it Ger!Ayusin nyo yan!Dalian nyo lang kelangan ko ng makaalis dito!"galit na sabi nya.Sinipa pa yung kawawang bato na malapit sa kanya.

At tumama iyon sa pwesto ko.


Dinampot ko ito at pinaglaruan gamit ang isa sa mga kapangyarihan ko.....


.........ang magpalipad ng mga bagay.


"okay....tawag lang kayo kung maayos na lahat...Sige."tiim bagang nyang sabi.Siguro para makontrol ang galit nya.Baka mahalata din sya nung ibang mababait at tapat na pulis,mabulilyaso pa ang pagtakas nya.


Pinatapos ko muna ang pag-uusap nila bago ko kunin ang kailangan ko sa kanya.


Itatago nya na sana yung phone nya nang batuhin ko iyon ng bato.Tumalsik 'yon sa malayo.

PAGKAGULAT ang makikita sa buong mukha nya habang tinitignan ang pwesto kung nasaan ako.


"S-sinong nandyan?!"natatakot na sabi nya.

Kusang tumaas ang gilid ng aking labi.Kala mo kung sinong matapang....Tsk....duwag naman pala.


Pinagkrus ko ang aking mga kamay sa dibdib at sumandal sa pader.Dahan-dahan ay pinakita ko na ang aking sarili.

"Tsk.Tsk.Tsk.....so excited to get out in this jail place  huh?"mayabang na sabi ko.

Ewan lang kung bakit english....na naman.Trip na naman ng bibig ko ang mag-ingles.Hindi ko sya tinitignan,ayaw kong makakita ng isang taong kagaya nya.


"Subukan mo lang at may mangyayaring masama sa'yo."banta ko sa kanya nung kukunin nya yung phone nyang kanina pa nagvvibrate.

Siguro it's his conspirator that is calling him.

Maya-maya lang ay may narinig akong malalaking yabag."In 1 minute!Dapat kayong lahat ay tulog na!" Ooh.....ang jailguard pala.


"Hoy!Ikaw!Bakit hindi ka pa naghahanda?!HIndi mo ba narinig ang anunsyo ko?!Maghanda na sa pagtulog!"sigaw nya sa lalaki.

Tinignan ako nung lalaki at balik ulit sa jailguard.Namula sya bigla na parang nakakita ng multo.

Gusto kong tumawa pero hindi ko ginawa,baka masira yung awrang pinapakita ko sa kanya kapag tinuloy ko yun.

"O-oo e-eto na ,matutulog n-na."putol.-putol na sabi nya.Umalis na yung bantay.

Tumingin ako sa buwan.Mula sa kulay puti ay naging asul ang kulay nito.Malademonyo akong ngumiti.Oras na.


"Henry Collins."tawag ko sa kanya.

"P-panong...?"nanlaki ulit ang mga mata nya.


Limang segumdo bago ang isang minuto tumigil ang oras.Lahat ay biglang dumilim.Tanging kaming dalawa na lang ang natitira.

Isang malakas na hangin ang nagpatumba sa kanya.Kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay sya ring paglabas ng mapuputi at naglalakihang pakpak ko.

Ang asul kong mata ay naging pula.


"S-sino k-ka ba h-ha?A-ano to?!Anong k-kelangan mo sa akin!?Lumayo ka!"sunod-sunod nyang sabi.

Nakikita ko ang aking repleksyon sa kanyang mga mata habang papalapit ako sa kanya.

Anghel kung titignan sa panlabas na anyo pero sa loob ay nagtatago ang isang demonyo.

Death Angel's MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon