Hinigpitan ko ang kapit sa strap ng bag ko habang naglalakad ako papunta sa bagong classroom na papasukan ko. Umakyat ako sa pangatlong palapag at napasimangot dahil sa mga nadadaanan ko.
Wala ba silang mga basurahan?
Idagdag pang hindi talaga ako pwede sa mga hagdan dahil madali akong hingalin. Sana maisip nilang maglagay ng elevator.
Hinanap ko ang room ko at buti nalang nahanap ko kaagad. Sabagay‚ paanong hindi ko mahahanap agad kung yung ibang classroom dito ay walang tao? At isang classroom lang ang natatangi kong naririnig na may ingay.
Inaayos ko ang sarili ko bago kumatok. Ang ingay! Wala bang Teacher sa loob? Start na ng klase‚ ah?
Bumukas ang pinto at bumungad sa ’kin ang isang lalaki. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa‚ siguro nasa 30’s na siya.
“You're here! Come in‚” nakangiting sabi niya at niluwagan ang pag bukas ng pinto.
Tumango ako at pumasok sa loob. Napatigil ako sa nakita ko. Makalat‚ maingay‚ at madumi! Classroom pa ba itong pinasukan ko?
Napangiwi ako nang maalala ang daan papuntang pangatlong palapag. May mga tinambak din doong mga basura. Sa hagdan pa lang‚ kitang-kita na! Buong palapag na ito ay may mga basura! Hindi ko nga alam kung ano ba ’tong pinasok ko.
“Attention!” sigaw ng lalaki pero hindi sila natigil kaya muling sumigaw ang lalaki sa matigas na boses. “Section Chaos!”
Natahimik ang mga nasa taong nasa loob. Naningkit ang mga mata ko. Bakit puro mga... lalaki? Bakit walang babae? Hindi ba uso rito ang mga babae?
Teka nga! Tama ba ’tong classroom na pinasukan ko? Pero sure akong ito ’yon!
Napatingin silang lahat sa ’kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakakunot pa ang mga noo nila. Napataas ang kilay ko sa paraan nang pagtingin nila sa akin. Para naman nilang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko!
May mali ba sakin kaya ganiyan sila makatingin? Pangit ba ako? Naiinis ako dahil ganiyan din ako tingnan nang mga taong iyon noon!
“Sir! Bakit may babae rito?”
“Single ba ’yan?”
“Ganda‚ ah!”
“Sir Logan naman! Bawal babae rito!”
Naningkit ang mga mata ko dahil sa mga naririnig ko. May problema ba sila sa ’kin? At ano naman kung may babae rito?
“Excuse me? Bakit bawal ang babae rito?” Hindi ko mapigilang itanong.
“Kasi gold digger sila?” Patanong na sagot ng hindi ko kilalang lalaki. Hindi ko man kilala ang sumagot pero alam kong masarap siyang banatan at balian ng buto.
Tumingin ako sa lalaking sumagot sakin. Masama ang tingin niya sa akin.
“Bobo ka ba?” Walang pag-aalinlangang tanong ko.
Napaawang ang bibig ng lalaki dahil sa sinabi ko. Narinig ko naman ang pagsinghap ng iba.
“Ang yabang mo‚ ah.” Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita. Sa pangatlong row lang siya nakaupo.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago magsalita. “Saang paraan ako naging mayabang? Tinanong ko lang naman kung bobo siya.” Tinuro ko ang lalaking nasa likod niya‚ yung lalaki na tinanong ko kung bobo ba siya.
Tumayo ang lalaki. Nanlalaki ang butas ng ilong niya at nilagay ang mga kamay niya sa baywang niya.
“Huwag ang Baby Jake ko!”

YOU ARE READING
Battle of the Past (Seule Fille Series #1)
RandomSEULE FILLE SERIES #01 | UNDER REVISION Battle of the Past - a woman who has experienced trauma and pain in the past. - Naranasan mo na bang pumasok sa Section ng mga lalaki? Paano kung ikaw lang ang babae? Kakayanin mo ba?