FAYE
“Anong section mo naman?”
“Chaos‚” walang ganang sagot ko kay Stacey. Inikot ko sa tinidor ang pasta na in-order ko at pinaglaruan. Napabuntong hininga ako.
Nandito ako sa cafeteria ngayon at break time. Nauna nga akong lumabas sa mga bulol na ’yon. Naiinis pa rin talaga ako! Gano’n ba talaga sila? Gano’n talaga ang mga ugali nila?
Hindi na sila gwapo! Dugyot! Sira ulo! Walang hiya!
Nag-angat ako ng tingin nang mapansin ang katahimikan nila. Nakitang pare-pareho silang nakatulalang tatlo sa ’kin. Agad naman akong nagtaka.
“Bakit ganiyan ang mga mukha niyo?”
“Bakit nandoon ka?” Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Ellaine.
“Ano bang kinuha mo? GAS?” tanong pa ni Amelia. “Nagpalit ka ba?”
“STEM ang kinuha mo‚ hindi ba?” Naguguluhang sabi ni Stacey. “Maayos din naman ang record mo!”
Nangunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nila? Napatingin sa mga hunghang na hindi kalayuan sa table namin. Nagtama ang mga mata namin ng lalaking Ferrer.
“STEM nga..” Muli kong binalik ang mga mata sa kanila. Pare-parehong nanlaki ang mga mata namin. “Paano ako napunta sa GAS?”
Sabay-sabay silang umiling. Hindi nila alam.
STEM ang kinuha ko! Kaya paano ako napunta sa section na ’yon? Napaisip ako. Hindi naman ako bangag nung sinabi ko ’yon!
“Pumunta tayo sa office‚” sabi ni Amelia at tumayo. “Tanungin natin dahil baka nagkamali lang sila.”
Kahit hindi pa ubos ang mga pagkain ay tumayo na kami. Umalis kami ng cafeteria at pumunta sa office ng Dean. Habang naglalakad ay napapaisip pa rin ako. Paano ba ako napunta sa section na ’yon? GAS pala ’yon! Eh‚ iyon ang nakasulat sa binigay sa ’kin!
Kumatok si Stacey sa pinto bago binuksan. Pumasok kami sa loob. Tiningnan agad kami ng lalaking Dean. Sinuri ko siya. Ang gitna ng ulo niya ay walang buhok‚ puro nasa gilid.
“Good morning po‚” magalang na pagbati ni Stacey. “Gusto po sana namin magtanong kung paanong napunta si Faye Viceral sa Section Chaos?”
“STEM ang kinuha niya dahil ’yon din naman po ang strand niya sa former school niya. Maayos din naman po ang record niya kaya..” dugtong ni Amelia.
“Oh..” Napatango ang Dean at tumingin siya sa ’kin. Umayos siya ng upo. “The STEM strand is full‚ and so are the other strands. Hindi rin naman na pwedeng magdagdag ng section o hatiin sila para sa ’yo. At dahil isang strand nalang hindi naman napupuno ay doon ka namin nilagay.”
Ngumiti pa siya sa ’kin habang ako ay hindi makangiti sa sinabi niya. Tanggalin ko na kaya lahat ng buhok niya? Nagdesisyon ba naman nang hindi ko alam! Hindi man lang ako tinanong!
“Eh‚ kung gano’n nga po‚ bakit doon sa Section Chaos? Dalawa naman ang section ng GAS dito‚” tanong ni Ellaine. Nakita ko pang sinamaan nito ng tingin ang Dean kung hindi lang ito siniko ng katabi niyang si Stacey.

YOU ARE READING
Battle of the Past (Seule Fille Series #1)
RandomSEULE FILLE SERIES #01 | UNDER REVISION Battle of the Past - a woman who has experienced trauma and pain in the past. - Naranasan mo na bang pumasok sa section ng mga lalaki? Paano kung ikaw lang ang babae? Kakayanin mo ba?