Finally I can rest from all the stress. My gosh , it's been 4 years without beach rest hahaha. Nakakapagod, Nakakaubos, Nakakasawa at higit sa lahat Napakasakit. Araw araw gigising ka para gawin yung utos nila. Walang nagtatanong sayo kung ok ka lang ba kung bakit nga ba puro cellphone ka . Puro sila husga na walang kwenta ginagawa mo pero hindi nila alam para rin
sa kanila yon. Pero hayaan na tao lang naman din sila puro mga mapanghusga at puro mali ng iba ang nakikita. Buti na lang maganda ako hahaha JK.Nasa beach ako ngayon dito sa Batangas nagpapahinga lang pahangin ganon. Minsan kasi need natin yon para makahinga kaya nga pa-hinga ei kasi baka sa sobrang pagod mo malagutan ka na ng hininga joke. Wala akong kasama ngayon pag nag pahinga kasi ako ayoko ng may kasama abala lang sila ei tska me time ko to kaya wala dapat intruder. Grade 11 na ako sa pasukan buti na lang nakuha ko na rin ang pangarap kong school ang PUP hahahaha jusko ha kung hindi pa kita nakuha ewan ko nalang. Wala kasi ako plan B eh hahaha wala ganun kasi ako kapag may pangarap ako hindi ako gumagawa ng plan B para mas mag sikap ako maabot yun.
" Kuya anong oras na po?" Tanong ko dun sa kuya na nasa tabi ko. Nalimutan ko kasi magdala ng relos or phone ei. Naiwan ko sa kwarto
"3:20pm Ms" Sagot niya gamit ang masayahing tono
" Sige po. Salamat". Pagkatapos kong magpasalamat tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa lounge para umakyat muna sa kwarto at makapag palit ng damit dahil medyo nilalamig ako. Pagkarating ko sa elevator nakita ko na punuan na kaya nag hagdan na lang ako 3rd floor lang naman ako eh.
Pagkarating ko sa room ko saktong paglabas ng nasa kabilang room na sana hindi ko nalang naabutan. Bwiset malas 2 years na hindi ko sila nakikita bakit ngayon pa ulet. Letche naman naglakad na lang ako sa papunta sa room ko na parang walang nakita. Pero pag trip ka talaga ng tadhana hay lintek.
" Light… " tawag sa akin ng ATE ko NOON. Humarap ako sa kanya na may seryosong mukha
"Bakit? May kailangan ka?" Tanong ko sa mahinahon na tono.
"Musta? Si mama ?" Tanong niya na akala mo talaga may pake amputa
" Ayos lang. Pasok na ko pagod kasi ako ei" paalam ko sa mahinahon parin na tono dahil kahit pa anong galit ko sa kanila karapat dapat parin silang igalang kahit bilang tao na lang. Timpi timpi nalang sanay naman ako don ei baka araw araw kong ginagawa dati yon.
YOU ARE READING
sun's Venum
General FictionAng akda na Ito ay parang imahinasyon lamang. Ang mga kapangalan at katulad na pangyayari ay hindi sinasadya. Instagram: Vineagscn