Normal days

0 0 0
                                    

Pagka uwi ko palang sa bahay nakita ko na agad si ate Maggie nakahiga sa kama naming pang dalawahan grabe siguradong pagod na naman to. Kaya imbis na mag ingay gumawa na lang ako ng assignment ko. Grabe talaga si Ma'am Sal kung makapag pag pa assignment akala mo nag re research kami. Pati lagi pa nag papa report tamad mag turo masyado. Kailangan ko pa tuloy magpa load wala pa naman si ate Cing siya lagi nag papa load ei. Kainis talaga mamaya ko pa magagawa to pag uwi ni kuya Yves sana may assignment din siya para hindi ako mahirapan makisabay hahaha.

"Mama kailangan ko po ng load" Sabi ko kay mama pagpasok niya sa bahay nauna lang ako sa kanya kanina kasi nakipag chismisan pa siya dun sa mga kilala niya na hindi ko kilala.

"Pag uwi ng kuya mo pasama ka sa kanya dun sa palodan. Saan ba kayo mag papa load?"

" Sa kila Mang Edmir po yata o Kaya kila Mang Serge"

"Sige. May contest ka daw na sasalihan sabi ni ma'am Lorn" Pag iinform niya sa akin

"Anong pong subject ma?" Tanong ko. Nakuha niya na ang buong atensyon ko pano mahilig ako sa contest contest hahaha competitive yata to.

" Math dw may training kayo kay Sir Well simula bukas. Ang contest ay sa susunod na Tuesday may halos isang linggo ka pa para mag handa. Mag pa train ka sa kuya mo." Kaya Yan hahaha ako pa mayabang yata ako de joke lang. Lagi nalang ako nilalaban sa math obob naman ako dun.

"Sige po" Yun nalang ang naisagot ko. Ano ba naman to kala ko about history kainis. Pagkatapos ko mag kabisado sa AP nag basa naman ako para sa Science tska nag basa narin ako para sa Math. Patapos na ako sa binabasa ko nang mapansin kong nakauwi na pala yung kuya kong masungit na akala mo isang bulkan na puputok sa galit pag kinalabit mo.

"Kuya! Kailangan ko mag pa load" Sabi ko sa usual kong makulit na tono

"Tinis ng boses mo! Nasaan pang pa load?" Ay sungit kung mas matanda lang ako dito sinampal ko na to.

"Kuha ka dun sa kaha oh" Sabi ko Naman sakanya. Nasa palengke kasi si mama namimili ng stock sa sari-sari store namin.

" Mamaya nalang pag nandito si mama mamaya may mawala diyan ako pa sisihin" Sabi niya Naman. Play safe masyado to

"PABILI!!!" Sigaw ng mga panget na anak anakan ng mama ko
"Sandali! Ano yon?!" Singhal ko sa kanila. Aba'y ang iingay ang akala yata ay nasa kabilang bahay ang tindera

"Ice candy 2 tska RC small 3" sagot ni Alex

"Teka lang" sagot ko. Baka kasi mag pulahaw nanaman kapag di ko sinagot. Paepal panaman tong mga to

"San si mama Tin Viyn?" Tanong ni Cus

" Nasa palengke sunduin mo kung miss mo" pabalang na sagot ko hahhaa trip ko lang

" San ba ? Sunduin ko sa E. Rod" Sagot naman niya. Aba't talaga naman hindi nakakaintindi ng sarcasm.

"Hantayin mo nalang don. Oh eto na binibibili niyo" Sabi ko saya abo't Ng mga bote sakanila sa may pinto namin hindi kasi kasya sa may butas tinatamad ako Isa isahin.

"36 lahat akin na bayad niyo" Sabat ko sakanila ng mapansing nag chi chismisan nalang sila nalimutan yata mag bayad.

"Viyn.. nasa shop sila Lucas at Olive ah bibili dw ng pangregalo sayo yieeee" tukso ni Gio saakin

"Oh paki ko?" Tanong ko sakanya. Bakit ba hindi pa umalis tong mga ulupong na to. Pag naingayan si kuya dito tatalakan sila nun. Pinaka hate panaman nun yung maingay habang nag aaral siya. Studios masyado ei hindi gumaya saaking chill lang pero top 1. Top 1 din naman siya pinag kaiba nga lang mas palaaral siya. Ayaw ko kasi na puro aral lang sa buhay Ang boring non ha pero halos 12 hours din naman ang ginugugol ko sa pag aaral. Lalo na ngayon at marami na kaming kinakabisado sabay pa ang mga contest at events na kailangan ng participation ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

sun's VenumWhere stories live. Discover now