💖CHAPTER 33💖

923 30 0
                                    

"Ano ba Severn nasasaktan ako! Let go of my arm!" Halos paiyak na sigaw ni Zephaniah. Galit na galit sa kanya ang pinsan niya kaya sobrang higpit ang hawak nito sa braso niya.

"You don't do it right! Hindi nagalit si Xyrinne kay Zaiji! Kundi sa iyo pa siya nagalit. Your godd*mn stupid!" Sabi nito at malakas siyang itinulak kaya napasalampak siya sa sahig.

"Severn, anong ginagawa mo sa anak ko?" Tanong ni Zephyrine ng makitang sinasaktan ng pamangkin niya ang anak niya. Kita niya ang pag-iyak ng anak niyang si Zephaniah.

"Huwag kang makialam dito Tita Zephyrine! Tandaan mo Kung hindi dahil kay dad wala lahat ng yaman na tinatamasa niyo ngayon! Walang kwenta yang anak mo!" Mabilis itong umalis ng mansion.

Lumapit na lang siya sa anak at niyakap ito. "Mom he's crazy... He's a psycho..." umiiyak nitong sabi. Mahigpit niya itong niyakap. "Sshhhh he won't hurt you again. I promise." Sabi niya sa anak.

"Wife." Malambing na sabi ni Zaiji ng makapasok siya sa kwarto ng asawang si Xyrinne. Naabutan niya itong nagbabasa ng libro. Kahit seryoso ito ay maganda pa rin.

"Zaiji, kailan ko ulit pwedeng makasama ang daddy ko?" Tanong nito sa kanya.

"Makakasama mo rin siya malapit na. Pag maayos na ang lahat at wala nang gulo." nakangiti niyang sabi at tumabi rito.

"Thank you ha. Salamat sa lahat. Dahil lagi mo akong pinapasaya." Bahagya pa siyang nagulat ng halikan siya nito.

"Zach what are you doing here?" Tanong ni Krizzane sa anak. Hindi niya inaasahan na bibisita ito. Dahul Busy kasi ito sa kompanya nila at siyempre may asawa at anak na rin.

"Is there wrong with that mom? Beside this is still my home." Napangiti na lang siya at niyakap ito. Nagbago na ito at hindi na masyadong cold hindi katulad ng dati.

"How's Zaiji." Umupo na sila sa sofa na magkatapatan. "Ok lang naman ang kapatid mo. Tapos ayin Si Xyrinne gusto niya ng makasama ang ama niya."

"Soon mom. She will be with her father. Kaunti na lang ay bagsak na si Lee and their organization was already wreck." Ngiting Sabi nito sa kanya.

"So how's business son?" Tanong ng asawa niyang si Zeddrick na kadadating lang. Umupo ito sa Tabi niya. Manang mana talaga ang mga anak nila dito.

"It's fine dad. Nothing to worry about. You know I was good as you. And just like what you said no one can defeat a Montefalco." Sagot nito.

"So how's Lee?" Sa mga ganoong usapin. Ang mga ito lang talaga ang nagkakaintindihan. "I guess umuusok na ang ilong niya sa galit." Pabiro nitong sabi.

"This is b*llshit! Paano nangyari ito?" Galit na sigaw ni Drake Lee dahil nawawala na ang mga business partner niya at sira na ang organisasyon ngayon!

"Dad, what's the problem? Bakit ba galit na galit ka?" tanong ng anak niyang si Severn na kadadating lang. Inis siyang bumaling dito at ibinato dito ang ilang mga papeles.

"Were going down! At Kasalanan ito ng mga Montefalco. Kinakalaban nila tayo! They will be our downfall!" Napahawak na lang siya sa kanyang sentido.

"How can I get Xyrinne kung mawawala na rin pala sa atin ang lahat?" Tanong pa ng anak sa kanya. Kaya lalong siyang nagalit.

"Kalimutan mo na ang babaeng yan! Siya ang dahilan kung bakit nararanasan natin ang lahat ng ito! At si Gifford malakas ang kutob ko na buhay pa yon!" sigaw niya pa.

Bali balita ngayon ang unti unting pagbagsak ng mga Lee sa mundo ng negosyo. They slowing losing there business partners for unknown reasons.

May mga nagsasabi ring sangkot si Drake Lee sa isang organisasyon ng mga illegal na gawain. Nagpapahiwatig nga ba ito na unti unti ng pagbagsak ng mga Lee?

Napangiti na lang si Gifford habang pinapanood ang balita. Sa wakas babagsak na rin si Lee! Malapit niya ng makasama ang anak niya.

Wala siyang pinagsisihan lalo na ang pagsusuplong niya dito at sa pagsasabi niya ng mga illegal na gawain nito na dati rin niyang kinabibilangan.

Ginusto niyang magbago para sa anak niyang si Xyrinne. Gusto niyang makabawi sa lahat ng pagkukulang niya dito at makasama pa ito ng mas matagal.

Sinuntok ni Severn ang pader. Nasa loob na siya ng kanyang kwarto. At Hindi niya matanggap na talagang natalo siya ni Zaiji at ito lang talaga ang mahal ni Xyrinne!

Muli niyang tinignan ang larawan nina Zaiji at Xyrinne na magkasama. Masaya ang dalawa pero siya hindi! Gusto niyang sirain iyon! Gusto niyang mawala ang mga ngiti nila sa mukha.

"Kung hindi ka mapupunta sa akin. Hindi ka rin mapupunta sa Zaiji na iyon." Sabi niya at ibinato ang telepono kaya nabasag iyon. Umaatake na naman ang pagkabaliw niya.

Humiga siya sa kanyang kama. Kahit na magulo iyon lalo na ang buong kwarto niya. "Your beauty is what making me crazy. Paano kaya kung mawala yun sayo?"

Malademonyo siyang tumawa bago ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi siya sumusuko ng ganun ganun lang. He won't lose without a fight!

--------------------

Kinabukasan ay Maagang nagising si Xyrinne at katabi niya si Zaiji. Sa kwarto niya na naman ito natulog. Napangiti na lang siya at inalis ang pagkakayakap nito sa kanya.

Dumiretso siya sa CR upang mag-ayos. Araw araw isa lang ipinapanalangin niya at iyon ay ang maging maayos ang lahat. At wala ng maging gulo pa.

Nagulat siya na paglabas niya ng CR ay iba ang bumungad sa kanya. Ang ate Katherine niya iyon. Malawak ang mga ngiti nito sa labi.

"Namiss kita Xyrinne! Hindi ka na nakakapasok sa resto ko. Tara baba na tayo nandoon silang lahat." Hyper nitong Sabi sa kanya.

"Si Zaiji ate?" Tumawa muna ito bago sumagot. "Nasa baba nga! Kaya Tara na." Kahit kailan talaga ay napaka masayahin nito.

Susunod na sana siya rito. Pero bigla siyang napabalik sa CR dahil naramdaman niyang bumaliktad ang sikmura niya na parang masusuka siya dahil doon.

"Buntis ka?" gulat na tanong ng ate Katherine niya hindi niya alam na sumunod pala ito sa kanya.

Oo nga pala matagal na ng may nangyari sa kanila ni Zaiji! At hindi pa siya dinadatnan! Kung ano ano na ang pumasok sa kanyang isipan.

The Campus Prince Is Inlove With A Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon