I: The Gamer

6 0 0
                                    

"Retreat!!!!"

Halos mabingi ako sa sigaw ni Jax.

"Aray. Wag kang sumigaw, nakaheadset ako. Ang sakit sa tenga." Sita ko sa kanya.

As usual, nagrarank kami sa Mobile Legends. Pa-end season na kaya grinding na talaga. Konti na lang at abot na namin ang Mythical Immortal Ang pinakamataas na rank sa larong ito.

Alas-kuwatro na ng umaga at 6 hours na kaming naglalaro. 3 wins at 3 loses. Ang hirap talaga magrank-up pag nasa upper tier na ng larong ito.

"Sorry, tol. 'Tong si Abby eh. Masyadong matapang. Sugod nang sugod eh ang lambot ng hero niya." Sabi ni Jax.

Buti na lang at di kami naubos ng kalaban. Ang Mobile Legends ay isang kilalang MOBA game at madalas namin itong laruin.

May squad nga kami at pangarap naming umabot ng Mythical Immortal sa season na to. Kaso sobrang hirap talaga lalo na at magagaling ang mga kalaban.

Tulad ngayon na halos dalawang tore na lang ang natitira sa amin at sa kalaban. Mainit ang laban.

"Wag muna kayong sumugod. Hintayin nating magrespawn si Levi at Rika." Mahinahong sabi ko.

Tatlo na lang din ang nabubuhay sa mga kalaban namin at pasugod na sila.

Mukha namang kaya naming dumipensa basta't wala lang susugod nang wala sa oras.

Habang hinihintay naming lumapit ang mga kalaban, nagbasa muna ako ng comments sa live stream.

XxxBlade: Kaya niyo yan, lods.

Yzza13455: Ang guwapo niyo po, lods. Pwede kang ka-duo?

AlR13: Shout-out, lodi.

"Salamat sa suporta, mga lods. Yzza, sure. Follow mo lang ako in-game at laro tayo minsan, lods."

"Hoy, Aris. Tama na yang panglalandi mo, depensa na." Sita sa akin ni Jax.

"Eto na." Sabi ko.

Mahirap ang naging laban pero nang magrespawn sina Rika at Levi, mas malakas na ang damage namin kaya nagawa naming magpush at magbasag pa ng tore.

"Woohhh. Mythical Immortal, sa wakas umabot din!" Pagdiriwang ni Jax.

Napapiksi ako.

Ang lakas talaga ng boses ng gunggong.

"Kinabahan ako dun." Si Rika.

"Akala ko, wala nang pag-asa. Pero nice g, mga lods." Ani Levi.

"Nice g. Matulog na tayo. Bukas ulit, lods." Si Abby.

"Good night, mga lods. Salamat sa support." Nagpaalam na din ako sa live stream.

Nag-inat ako saka tumuloy sa kuwarto.

Hay, sa wakas, naabot na din namin ang Mythical Immortal.

Finally.

May isang taon na din akong naglalaro ng ML pero ngayon lang ako umabot sa Mythical Immortal dahil sa hirap.

Para sa iba laro lang ang ML pero para sa mga katulad ko, ang larong to ang sentro ng buhay namin.

Well, di lang naman ML ang nilalaro ko. Marami din akong ibang games na nilalaro pero dito ako nakilala at nagkaroon ng maraming followers sa social media.

Streamer ako at nagsimula akong makilala 6 months ago nung sineryoso ko na talaga ang paglalaro ng ML. Sumikat na din kasi ang larong to kaya dumami din ang followers ko.

Bukod sa libangan, kumikita din ako pag-i-stream at pagpopost ng video sa Youtube. May mga sponsors na din ako kahit papaano.

Ayaw ko din naman kasing maging pabigat sa pamilya ko. Lalo na nga at tumigil ako sa pag-aaral. 2nd year college na sana ako sa kursong Computer Science pero tumigil ako ng one year.

When The Gamer Meets His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon