VII: The Competition

2 0 0
                                    

"Hoy, Aris, sali tayo!"

Nakakunot-noo na nilingon ko si Jax. Nakangisi na naman ang gago. At as usual, sobrang lakas ng boses niya kaya ang daming napalingon.

Nasa shop kami pero hinihintay pa namin si Rika kaya di pa kami naglalaro.

On the way na din naman siya kaya naisipan naming hintayin na lang. So yung ibang gunggong, nandito at pa-browse-browse muna sa kung anu-anong site.

"Ano ba yan?" Lumapit na ako kay Jax dahil di ko trip makipagsigawan sa kanya.

"May amateur competition sa ML sa Linggo o. Diyan lang gaganapin sa may mall sa malapit." Excited na sabi niya.

"10K lang cash price kasi di naman ganun kalaking brand yung sponsor pero ok na din. Lamang-tiyan na din yun pag pinaghatian natin." Dagdag niya pa.

Hmm, napaisip ako. Kahit madalas akong magstream, never pa akong napasali sa mga liga. At gusto ko ding matry yun.

"G ako. Pero dapat kompleto tayo para masaya." Sabi ko.

"Guys! Sali tayo sa liga ha!? G na daw si Aris." Biglang announce ni Jax. Oo, announce talaga. Paano, ang lakas ng boses tapos may kasama pang pagtayo.

Binatukan ko nga. Nakakahiya sa mga customer. Nakakabulahaw eh.

"Hinaan mo boses mo, hoy. Nakakahiya sa mga customer. Pwede mo namang i chat sa gc eh." Saway ko sa kanya.

"Aray naman. Sorry na, na-excite lang." Aniya.

"Taena, Jackson, istorbo ka. Nanonood ako eh. Sa lakas ng boses mo, kahit nakaheadseat ako, rinig na rinig ko eh." Reklamo ni Abby.

Jackson nga pala ang name ni Jax. Jackson Michael Delgado ang full name niyan. Idol kasi ng tatay niya si Michael Jackson kaya ganyan ang pangalan.

Malas nga lang at di niya namana ang talent ng pinagkunan ng pangalan niya.

"Ano ba pinapanood mo? Porn? Ikaw talaga, Abby. Bawal yan, hoy." Pang-aasar ni Jax.

"Hoy, nanonood ako ng live stream ng Veewise. Kingina mo. Ikaw kaya mahilig manood ng porn."

At nagsimula namang mag-asaran ang dalawa.

"Ang ingay niyo."

Sabay kaming napalingon sa pinto.

"Sakto, ayan, kompleto na tayo." Ani Levi.

"Rika, sali tayo sa tournament. Bilisan mo na nang makalaro na tayo." Sabi ni Jax.

"Sandali lang. Open lang ako." Ani Rika saka sumalampak sa isang upuan.

As usual, wala na naman siyang emosyon. Madalas poker face lang 'tong isang to.

"Kelan ba?" Tanong ni Rika.

"Linggo. Bawal absent ha? Kotong ka sa akin pag wala ka. Wag ka na pumasok kahit may pasok ka." Ani Jax.

"Eh, kelan ba pumasok yan?" Pang-aasar naman ni Levi.

"Pumapasok pag exam tyaka pag pasahan ng papers." Ani Rika.

"O, siya, sige na. Start na tayo." Sabi ko naman.

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalaro nung biglang may dumating asungot.

"Tol, paprint naman o." Ani Miko na dumiretso agad sa akin.

"Teka, mananalo na kami. Upo ka muna." Utos ko sa kanya.

"Ano ba yan? ML ka nang ML. May napapala ka ba jan?" Pangungulit niya pa.

"Pake mo ba? Wag kang magulo." Saway ko sa kanya.

When The Gamer Meets His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon