AMBER | Chapter 02: Road to Stardom?

8.3K 765 500
                                    

AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AMBER

MATAPOS MAGPASALAMAT ang mga pulis sa tulong ni Gray ay agad kaming nagpaalam. On our way out the KTV bar, nakatayo sa pinto ang lalaking kanina ay kinaiinsan ko, the executive producer Michael B.

Huh, nag-abang pa talaga siya! He's really into Gray!

"That was a great show," sabi niya kasabay ng mahinang palakpak. "I'm impressed. Also, the shirt is catchy and I anticipated you can live that word printed there."

Inilahad niya ang palad sa harap namin. "We met at unfavorable circumstances so let me introduce myself again. My name is Michael Batongbacal or you can call me Michael B, I am an executive producer at BNC-12."

Gray looked at him intently as if he's wondering what the man wants from us. Napansin naman iyon ni Michael B kaya agad niyang kinuha ang kanyang wallet at naglabas ng calling card at ibinigay iyin sa amin isa-isa. "I'm not a bad person, pinahanga n'yo lang talaga ako sa pinakita ninyo kanina. I didn't expect that high school students like you can handle that case. I know it's late pero pwede ko ba kayong imbitahan sa isang coffee shop? I have some matters to discuss."

All of us looked at him with so much caution. Naramdaman kong bahagya akong hinila ni Je at bumulong. "This is it Bestie, our road to stardom!"

Bago pa man kami makatanggi, nauna nang pumayag si Math. "OMG, I've heard about you! May kakilala akong nagtatrabaho rin sa BNC-12 at ngayon ko lang naalala kung bakit pamilyar ka sa akin. I've seen you in pictures! Sure, we're glad to have a word with you."

Wala na kaming nagawa nang tanggapin ni Math ang paanyaya nito. He brought us to the nearest coffee shop na bukas pa. At least it's safe to talk her kaysa kung saan lang. Nang maka-order siya ng maiinom namin ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa sa kanyang pakay.

"We're having a Filipino Adaptation of Whose Deduction Show which features young detectives like you," wika niya. Wait, is that why he can't take his eyes off Gray? And here I am, thinking of mean thoughts about him. "Kung hindi kayo busy, join the show," wika niya at isa-isang inabutan kami ng calling card.

"I'll be frank with my words Sir," sagot ni Math. "Back then, I was offered with some jobs on screen like modelling and acting but I declined because I know how showbusiness works. We don't want scripted stories and predetermined winners dahil iyon naman ang nangyayari sa mga reality shows at mga competition na ipinapalabas sa national TV hindi ba?"

I was surprise with Math's bluntness, pero kailangan ba talagang imention ang tungkol sa mga offers sa kanya?

Tat surprised Mr. Michael B ngunit ngumiti siya sa amin. "Well, hindi ko maikakailang nangyayari nga 'yan minsan but, ibahin n'yo ito, we want something new and fresh on the screen and this is it."

Kanina ko pa napapansin na tahimik si Gray at tila nag-iisip nang malalim. He's tapping his fingers on the table he spoke. "Let's say totoong iyon nga ang intensyon ninyo, what can we benefit from it?"

Whose Deduction Show?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon