Sofia POV
Ako si Sofia George. Laking probinsya. Hmmmm... High School Graduate lang ako. Gustohin ko mang mag aral, sino namang aasahan ko? Nag iisang anak lang ako at patay na ang Nanay ko. Ang Tatay ko naman ay iniwan kami nung pinagbubuntis ako ni Mama.
Wala akong malapitang kamag anak ni Mama dahil gipit din sila. Mahirap lang kami. I was 18 nung namatay si Mama sa sakit nyang cancer. Di kami nakakapag pacheck up regularly dahil sa kahirapan ng buhay at nag aaral ako that time on my last year in high school.
Napadpad ako dito sa Maynila kasama ng kaibigan kong si Kate. Kababata ko sya at di sya nakapagtapos ng high school dahil sa hirap ng buhay at nagpasya syang magtrabaho as a maid. Sumama ako sa kanya nung umuwe sya ng probinsya at nangako naman syang tutulungan nya akong makahanap ng trabaho.
Kakarating lang namin ng Maynila ngayon at nagpapahinga kami sa boarding house ni Kate.
Nakatulog na ako at saktong kakarating lang ni Kate.
"San ka galing?"ako.
"Sa trabaho ko, tanggap ka na. Pwede ka ng magsimula mamaya." si Kate.
"Talaga? Salamat naman kung ganun." tuwang tuwa ako sa sinabi nya. Ayuko kasing maging pabigat dito.
"Maligo ka na para makapunta na tayo don sa trabaho mo." utos ni Kate.
Agad akong naligo at nagbihis ng Jeans at simpleng T-shirt.
"Tara na." aya ko kay Kate ng nakapaghanda na ako.
Sumakay kami ng taxi at bumaba sa isang bar.
"Halika na!" hila ni Kate sakin.
"T-teka lang! A-anong gagawin natin dito? Akala ko ba magtatrabaho?" Sunod-sunod kong tanong.
"Magtatrabaho."
"B-bakit dito?"
"Halika na nga. Dami mo pang arti hinihintay ka tayo ni Boss." wala akong magawa ng hilahin nya ako paluob ng bar.
"Hubad." sigaw ng Boss sakin. Di ako makapalag kasi may mga armadong lalaking nakabantay sa pintuan ng opisina nya.
Tumutulo ang luha ko habang tinatanggal ang suot kong Jeans at T-Shirt.
"Pwede. Makinis, maputi at magand. Maraming magkaka interes sayo." nakangiti pa habang tinititigan ang katawan ko.
Napakamalas ko naman yata ngayon at ito pala ang trabaho ng pinakakatiwalaan kong kaibigan.
"Yna, bihisan mo na sya." utos nya sa babaeng nasa likod ko.
"Copy Boss." at hinila nya na ako palabas ng opisina.
Umiiyak pa din ako.
"Hindi ko kaya." hikbi ko habang hila hila ako ni Yna papunta sa dressing room.
"Maswerte ka nga at hindi ka pinagka interesan ng Boss natin." ng makapasok kami sa dressing room tyaka nagsalita si Yna.
"Hindi ko kayang ibinta ang kaluluwa ko para mabuhay." lalong lumakas ang hikbi ko.
"Hindi na tayo makakalabas dito. Lahat ng nagtangkang tumakas dito ay sa libingan ang bagsak." tila mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Yna.
Biglang pumasok si Kate sa dressing room.
Isang malakas na sampal ang inabot nya mula sakin.
"Anong klaseng kaibigan ka? Pinagkatiwalaan kita tapos dito mo lang ako dadalhin. Ang akala ko noon pangangatulong ang trabaho mo. Pano mo nasisikmurang ipakain sa pamilya mo ang perang galing sa kapokpokan mo?" galit na galit kong sinisigawan si Kate. Wala akong pakialam sa paligid basta ang alam ko galit ako ngayong natatakot.