LOVE is GONE

0 0 0
                                    

ONE SHOT STORY

Title: LOVE is GONE
Genre: BL (BxB, M2M), Shounen
Author: DarkThunder_RHeaven(ArisZeRozS)

Nagising ako ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Agad na napabangon ako at sinalubong sya.

"Welcome home drake, kumain kana ba?" Tanong ko.

Di ako sinagot nito at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Kinuha ko ang dalang suit case nito at sinundan papunta sa sala at dun inilapag.

"Uhm gutom kana ba? Magluto ako ng paborito mong ulam, gusto mo kumain?" Tanong ko pa bago dali daling pumunta sa kusina at kumuha ng pinggan at kubyertos.

"Drake halika na, nakahanda na ang pagkain" tawag ko rito ngunit walang sumagot. Naglakad ako sa sala para tawagin ito baka di nya lang narinig.

"Drake?" Tawag ko pero pagtingin ko ay wala ng drake na nakaupo lang kanina sa sala ang nadatnan ko.

"Baka nasa kwarto na, sobrang pagod lang siguro" naging usal ko sabay tingala sa taas.

Bumalik ako ng kusina at ibinalik ang mga pinggan at kubyertos sa lalagyan at inilagay nalang sa Tupperware na lalagyan ang ulam na lumamig na dahil sa kanina pa nakahanda at hinihintay ko ito para sumabay sanang kumain. Inilagay ko iyon sa refrigerator at ini off ang mga ilaw bago umakyat sa taas, sa kwarto namin.

Nakita kong mahimbing nang natutulog si Drake sa pwesto nito. Umupo ako sa harap nito at pinagmasdan ang pagod na mukha nito.
Di ko namalayang tinutulo na pala ang mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata. Di ko inaasam na ganito ang mararamdaman ko. Inilapit ko ang mukha ko rito.

"I'm sorry" bulong ko bago hinagkan ang noo at dinampihan ng halik ang labi nito.

Pinahid ko ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking mga mata bago tumayo at pumunta sa kabilang kama na pwesto ko. Tinitigan ko nang ilang sandali ang nakatalikod sakin na katawan nito bago unti unting ipinikit ang aking mga mata. Ang mga matang nagbabakasakali kinabukasan ay may drake sakin na gigising o ngumiting bumabati sa aking harapan.

Ngunit, nagising akong walang drake na bubungad sakin. Lalabas ako sa kwarto na parati kong ng gawi o nagiging routine ko na at ikinasanayan ko ng mag isa sa umaga at may kasama sa Gabi. Di ko alintana ang pagsisisi o kahit ano basta ang importante "sa akin sya umuuwi".

Pero minsan talaga lahat ng bigat pag nasusubrahan kinakailangan din bumigay. Minsan kahit anong pigil mo pag kusa itong bibigay, sasabog at sasabog talaga ang lahat ng hinaing. Yung mga hinaing na kay tagal mo ng ibinaon minsan kinakailangan mo yung hukayin at gamiting lakas ng loob para maisawalat ang isang katotohanan, isang katotohanan na maaari mong pagsisihan sa magiging kalalabasan.

"Is that so? Then, let's break up. I don't love you anymore"

Isang araw pagkatapos ng lahat, sasampal sayo ang isang katotohanan. Isang mabigat na katotohanan, katotohanang ayaw mo sanang pakinggan o marinig ngunit kailangan mong tanggapin.

Pero...ikaw...

"No, please I'm sorry if may nagawa man ako. Kung may pagkukulang  man ako I'm really sorry" pagmamakaawa ko rito at hinawakan ang isang kamay.

"Then I'm sorry too Bricz, I don't really love you anymore... And I love someone else" sabi nito bago kinalas ang kamay ko sa kamay nito  bago naglakad papunta sa pinto at lumabas.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak at sumbatan ang sarili sa kung paano humantong sa ganito ang lahat.

"May nagawa ba ako? Nagkulang ba ako? Bakit?bakit ganito?" Umiiyak na tanong ko

"Bakit? Ang sakit! Sobrang sakit! Mali ba na nagmahal ako, mali ba na ganito ako? Mali ba na makasama yung kaisa isang tao na minahal ko, yung isang tao na minsan ng nagpasaya at nagparamdam sakin na maging totoo sa sarili. Yung isang tao na minsan na ako minahal pero bakit kinakailangang bawiin? Andaya naman, di ko naman sya hiniram na kailangang bawiin agad." Umiiyak paring turan ko.

Basang basa na ang mukha ko ng luha pero yung emosyon ko di pa rin humuhumpay sa sobrang sakit.

"Mali ba na pangarapin na mahalin ng panghabang buhay ang tulad ko?" Bulong ko pa.

(TWO Years Later)

"I'm sorry, don't leave me
I want you here with me.
I know that your love is gone."

Tumutulo ang mga luhang kinanta ko ang mga lyrics na ito habang nakatingin sayo mula sa malayo.

Hanggang tingin nalang. Hanggang tingin nalang, talaga. Hanggang sa tingin nalang ang kaya kong maibigay. Di pwedeng lumapit, di mahawakan, di mayakap o mahagkan tanging tingin nalang. Tingin na nga lang may limitasyon pa. Distansya, distansya ang pumapagitna sa landas nating ngayon ay magkaiba.

Pero...

Ako, ikaw pa rin ang dinidikta, ikaw pa rin ang gustong makasama, ang gustong makapiling sa hirap man o ginhawa. Pero yung hirap o ginhawa ay laging magkaiba. Tulad natin, ako na nakakaranas ngayon ng hirap sa tuwing nakikita kita at ikaw na nakakaramdam ng ginhawa dahil kasama mo sya.

Pero ganun pa man, pipilitin kong maging masaya para sa kanya. Pipilitin kong patawarin ang sarili dahil di ko alam kung may kasalanan ba talaga si Drake sa akin. At sa tingin ko Wala, dahil alam ko sa sarili ko ako yung pumilit makipagsisiksik.

I decided to let go of everything. I want to step forward for the new beginning, but I want to see him one last time, I want to talk to him in a minute or a second/s. Just one last time.

Until one day,

"Hi Po" a little cute boy appeared in front of me.

"Hello" I replied

"Okay lang po ba kayo?" He ask, napatitig ako sa bata. He's face reminds me of him.

"Ye-yeah" I said.

"Then why are you crying?" Lumapit ito at pinahid ang luhang diko namalayan na tumulo.

"No I'm not" Saad ko bago ngumiti rito.

"But-"

"Andy, what are you doing there?" Tawag ng isang pamilyar na boses. Sabay na napalingon kami ng bata.

"Dad" a boy said bago lumapit kay drake.

"I just help him, I saw him crying" Saad ng bata kay drake. Kinanlong nya ito bago humarap sa akin.

"Hi, long time no see. How are you? " Drake said.

"I'm fine" nakangiting saad ko.

"Tito pretty, don't cry na okay?" Sabi ng bata sakin. Ngumiti ako rito.

"Sure. And you wag kang magpapasaway sa parents mo at magpapakabait ka. Your really a good boy" Sabi ko rito.

"Yes. Yes. Uhm may I know your name Tito pretty? "

"I'm Bricz"

"I'm Andy, and this is my dad. Nice to meet you Po" masiglang sabi nito. Napangiti ako habang nakatitig sakanilang dalawa masasabi mo talagang anak nya ito dahil magkamukhang magkamukha sila.

"It's nice to meet you too, Andy cutie. Thanks for the comfort for a while. I feel relief now" Saad ko.

"Your welcome Po" nakangiti pa nitong tugon.

"Want to join with us? " Tanong ni drake sakin, napatingin ako sa kanya bago ngumiti.

"No, thanks. I have flight this afternoon. I have to go" Saad ko bago tumalikod.

"Babalik ka pa ba? " napatigil ako sa tanong nito bago lumingon.

"I don't know, but I think. I don't have to. Bye" ngumiti ako sakanila bago tumalikod at naglakad na.

Minsan yung puso naghahanap talaga ng closure. Masaya akong nakita ko syang muli, nakausap ng malapitan at makilala ang munting supling nito. Ang sarap sa pakiramdam at ang gaan kahit ganito masasabi mang ako ang umuwing talunan sa huli pero panalo pa rin pag nakamit mo ang dulo which ang pagtanggap at pag let go ng lahat.

A/n: That's all... (Sumakit ang ulo ko dito. Muntik na ko mapaiyak). One hour na isip then ✍️... Di ko alam kng nag synchronized haha. Sorry for some grammatical errors, baguhan lang po kase ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE is GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon