Untitled Part 2

11 0 0
                                    

Sa isang barangay nagkatagpo ang isang dilag at binata itago nalang natin sa pangalang Sol at Paul. Tunay silang nagmamahalan tanggap ng pamilya ng lalaki si Sol alagang-alaga at laging inaasikaso kapag nsa bahay ng binata. Pag may lakad ang pamilya kasabay na pumupunta ang dilag para samahan si Paul ito narin ang paraan niya para makilala pang lubos ang pamilya ng lalaki. Ngunit ito naman na dilag ay pinaghihigpitan ng kanyang mga magulang dahil gusto nilang makatapos muna ng pag aaral si Sol dahil ditto palihim na umaalis angg dilag sa kanilang bahay upang makipagkita sa kanyang nobyo. Kung minsan dumarating s punto na nagsusulatan na lamang ang dalawa o kaya sa pamamagitan ng cellphone nag kakaroon sila ng komunikasyon sa bawat isa. Kahit malimit ang kanilang pagsasama pinatunayan nilang dalawa na hindi importante ang araw-araw na pagsasama para sumaya at humaba ang isang relasyon. Kelangan lamang ang tiwala sa bawat isa. Pag nagmahal ka din kailangan mong tanggapin ang pagkakamali o pag kukulang ng isang tao walang perpekto sa mundong ito may mga pagkakataon na nakakagawa tayo ng pagkakamali pero ito ang nagiging daan para tayo maging mas mabuting tao. Isang araw tinulungan ng Sol ang kanyang nobyo sa kanilang Barangay dahil ang kanyang nobyo ay isang Sk Chairman halos nagabihan silang dalawa at ang mga kasama pa nito dahil malapit na ang pinaghahandaang programa sa barangay ngunit nagkataon na nakita si Sol ng kanyang nakakatandang kapatid pag uwi niyang bahay sinalubong siya ng kanyang ina at pinagalitan dahil nalamang nilang may ka relasyon na ako at pag nakita pa nilang kasama niya ang kanyang nobyo sila na mismo magsasabi doon na hiwalayan na siya. Magdamag kumulong sa kwarto ang dalaga at umiyak ng umiyak. Pero hindi ito ang dahilan para itigil nila ang kanilang relasyon. Patuloy na nag bunga ang kanilang pagmamahalan palihim na lamang silang nagkikita at pati sa social media ay hindi nila pinapaalam ang kanilang relasyon. Agz at Soling ang kanilang tawagan sa isa’t isa dahil talaga naming maitim ang binata at maputi ang dilag di masyadong kagwapuhan ang binate ngunit nahulog parin sakanya ang pag tingin ng babae dahil lagi niya ito pinapasaya at ang dilag naman ay hindi masyado tumitingin sa panlabas na anyo kundi sinusunod nya ang nadarama ng kanyang puso at gusto nito ang tinataglay na katangian ng binata na isang matulungin, masipag at ressponsable. Kung meron man na nakakaranas ng ganitong relasyon wag matakot na harapin ang pinasok na sitwasyon lalo na kong alam ninyong sasaluhin ninyo ang bawat isa. Pag naramdaman ninyong siya na ang para sa iyo at kong talaga naman na di kayo pinapabayaan ipaglaban mo pero wag mo lang ibibigay ang lahat. Masaya magkaroon ng nobya at nobyo alam mong merong tawo na mag-aalala sayo, meron magpapangiti, inspirasyon at higit sa lahat ang magpapatibok ng puso mo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tunay na PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon