Sab's POVNapalunok ako nung tingnan ako nung cashier mula ulo hanggang paa sabay taas ng kilay kaya naman inirapan ko na din.
"Miss, sigurado ka? Hindi kasi kayo mukhang girlfriend ni Sir Kei." masungit nitong tanong kaya agad kumulo ang dugo ko.
But really? Pati girls nya, nililibre nya sa arts and crafts?
"I can't believe I've been judged and humiliated by a cashier girl. I will make sure that Keigo will know about this. I want you fired." english ko. Shit! Para akong lalamunin ng lupa dahil sa sinabi kong kasinungalingan ngunit mukhang effective dahil namutla agad ang babae at agad humingi ng dispensa.
"Ma'am, sorry po! Wag nyo naman po akong ipatalsik sa trabaho!" kinakabahan nitong sambit habang bakas na bakas sa mukha ang takot.
"Just punch all of this and make sure that you'll never cross path with me again or you'll be sorry." muli kong pagtataray at nilangkapan ng inis ang boses.
Nagmamadali namang kumilos ang babae at agad inabot sakin ang paperbag na naglalaman ng mga project ko.
Abot abot ang kaba ko habang naglalakad palabas ng mall. Para akong napapraning dahil lingon ako ng lingon. Grabe! Hindi ako makapaniwalang nagawa ko talaga yun!
Pagkauwi sa apartment ay agad akong tumuloy sa kwarto ko at inilapag sa kama ang mga pinamili.
"I can't believe I just did that." bulong ko at nahahapong umupo sa kama. I hate Keigo Atobe. Hindi nya ako ex o ano pa man. Hindi nya rin ako kakilala. Naiinis lang talaga ako sa kayabangan nyang taglay. Nakakaasar isipin na kilala ko sya kahit hindi ko naman sya gustong kilalanin!
Imbes na sumuka ng ampalaya dahil sa guilt na nararamdaman ay nagpasya na lang akong gawin yung project ko. Masyadong marami yung project kaya pinagpuyatan ko. Ayaw kong makain ng project na yun ang lahat ng oras ko kaya naman hangga't maaari ay gustong gusto ko ng tapusin dahil nasimulan ko na.
Nagmamadali akong pumasok sa gate ng school kinabukasan. Sheeeet! Male-late na ko! Bitbit ko pa lahat nung projects ko dahil plano kong tapusin iyon mamayang lunchbreak.
Dahil sa sobrang dami nung bitbit ko at dahil na rin sa pagiging tuliro ay hindi ko na napansin ang makakasalubong ko.
Agad nagkalat sa sahig ng corridor ang mga folders, cartolina, at bond papers na dala ko. Ininda ko rin ang sakit ng pwet ko dahil sa pagkakasalampak ko sa sahig.
"What the hell?" nanlamig ako dahil sa boses na pumuno sa tainga ko.
Tila huminto ang oras dahil natigil ang ingay ng mga tao sa corridor at damang dama ko ang nanunusok nilang titig ngayon sa akin.
Dahan dahan akong tumunghay at bumungad sakin ang maganda ngunit galit na galit na mukha ni Erza Alonzo!
Nakasalampak din ito sa sahig tulad ko. Yun nga lang nakaalalay sa braso nya si Atobe!
"Watch it Miss! Wag kang tatanga-tanga please!" singhal sakin ni Erza at nagpatulong kay Atobe na tumayo. Dali dali din akong umayos at nagsimulang pulutin ang mga gamit ko ngunit para akong nakalunok ng langka nung marinig ko ang iyak ni Erza.
"Damn, you sprained your foot." sambit ng baritonong tinig.
"Hala nabalian si Erza!"
"Oh my God! Lagot sya kay Keigo!"
Umingay sa corridor at damang dama kong masasamang tingin sakin ng mga tao. What? Erza, the queen bee sprained her foot? Should I hang myself on the flagpole now?
BINABASA MO ANG
Dealing With The Billionaire
RomanceHIGHEST RANK: What's Hot Top 12 Masarap mabuhay ng marangya. Yung tipong nakukuha mo lahat ng gusto mo. Babae, latest gadgets, luxury cars and all. Wala kang ibang problema kung hindi ang isipin kung paano lulustayin ang kayamanan mo. Ang sarap humi...