Fate

137 7 0
  • Dedicated kay Jeniihy Gomez
                                    

Napakapayapa ng paligid, animo’y nag-uusap ang mga ibon, parang may ibinubulong ang bawat hampas ng hangin at papasikat na ang araw. Napakagandang tanawin, nagbibigay ng bagong pag-asa sa bawat taong gigising para simulan ang panibagong kabanata ng buhay. Ngunit sadyang may mga taong hindi na nasisikatan ng araw at may ibang gumigising ngunit hindi naman pinapahalagahan ang buhay na ibinigay sa kanila ng Poong Maykapal.

Naglalakad si Diana sa plaza kasama ang kanyang pamilya. Tumungo sila doon upang mamasyal. Sa paglalakad ni Diana ay napansin niya ang napakagandang painting ng papasikat na araw. Lalapitan na sana niya ito nang may isang bata na halos kaedad lang niya ang nakabunggo sa kanya.

“Aray!” wika ni Diana.

“Pasensya ka na, may humahabol lang kasi sa akin. Pasensya na talaga,” sagot nito sa kanya at saka kumaripas ng takbo.

Aalis na sana siya ngunit nakita niyang may naiwan ito. Pinulot niya at napagtantong isa itong keychain na may nakaukit na pangalang ‘Kyle’.

“Diana, anong nangyari sayo at bakit narumihan iyang damit mo?” tanong ng kanyang ama.

“May nakabunggo po kasi sa’kin. Pero ayos lang naman po ako.”

“Sigurado ka ba?” dagdag na tanong ng kanyang ina.

“opo,” sagot ni Diana.

Pag-uwi nila sa kanilang bahay ay ‘yong batang lalaki parin ang nasa isip ni Diana, wari’y may tinatakasan itong problema. Napangiti siya nang maalala ang mukha nito, napakaamo ng mga mata . Oo nga’t katorse anyos palang si Diana pero di niya mapigilan ang mapaisip kung makikita paba niya ito. Natatawa nalang siya sa kanyang sarili ngunit nang akmang hahawakan ni Diana ang leeg niya ay napansin niyang wala na ang kanyang kwintas. Ipinagawa niya iyon noong labindalawang taong gulang palang siya, pangalan niya ang nakahulma sa kwintas. Napagtanto niyang baka nahulog ito o baka naman nasa lalaking nakabunggo sa kanya. Sa halip na manghinayang, napangiti nalang siya sa nangyari.

 Lumipas ang pitong taon mula ng tumakas si Terence sa kanila. Sapat na siguro ang panahong iyon para mapagtanto ng kanyang ama na ayaw niyang pakasal sa babaeng ni hindi niya kilala. Ngunit kasalungat ang nangyari sa iniisip niya. Ipapakasal parin siya nito dahil ito lang daw ang tanging paraan upang masalba ang kanilang papalubog na negosyo. Naawa siya sa kanyang ama kaya pumayag siyang pakasal sa fiancé niya.

Pagkatapos makipag-usap ni Terence sa kanyang ama ay napagpasyahan niyang maglakad-lakad muna. Naupo siya sa ilalim ng puno. Wala palang siyang minutong nagtatagal doon ay nakuha na agad ng babaeng naglalaro sa fountain ang atensyon niya. Kay amo ng mukha ngunit tila kay lungkot ng mga mata. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa panahong iyon. Naaawa siya sa babae, gusto niya itong lapitan at tanungin kung ano ang problema nito.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon