Farewell

26 6 0
                                    

Araw ng kasal ni Terence at kabadong-kabado siya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan ng sobra. Naalala niya no’ng sinabi ni Diana ang tungkol sa batang lalaking nakabunggo rito. Agad niyang kinuha ang kwintas sa kanyang bulsa. Ito ang kwintas  ng babaeng aksidenteng nabunggo niya no’ng tumatakas siya sa kanila. Pinagmamasdan niya ito nang pumasok ang kanyang ama.

“Anak, handa ka na ba?” tanong ng kanyang ama. “Ito ang pinakamahalagang oras ng buhay mo. Masaya ako para sayo anak.”

Tumango-tango nalang si Terence bilang tugon sa tanong nito. Umalis na agad ito, napatingin uli siya sa kwintas. Tama ang ama niya, ito ang pinakamahalagang oras ng kanyang buhay. Pakakasal siya sa iba para sa kompanya at tuluyan ng mawala sa kanya ang babaeng mahal niya o aminin kay Diana ang totoo at sabihin na mahal niya ito. Pinukaw si Terence ng tunog sa kanyang telepono, tawag ito galing kay Diana.

“Hello, Diana?” bati niya.

“Punta ka dito sa ospital, gusto kang makita ng anak ko,” sagot ng lalaking nagpakilala na ama ni Diana.

“Saan pong ospital?” tanong niya.

Matapos ang tawag ay gulung-gulo si Terence. Napaupo siya at di malaman ang gagawin. Pumasok uli ang kanyang ama upang sabihin sa kanya na pupunta na ng simbahan. Tinungo niya ang kanyang kotse at nagsimulang paandarin iyon. Hindi niya alam kung sino sa dalawa ang pipiliin. Ang ikasasaya ng kanyang ama o ang babaeng pinakamamahal niya. Hinayaan nalang niya ang sarili sa pagmamaneho at kung saan siya dadalhin nito. Natagpuan nalang niya na nandun na siya sa harap ng ospital. Naisip niya ang sinabi ng ama ni Diana. “May lung cancer si Diana, nasa kritikal na kondisyon siya ngayon.” Agad niyang tinungo ang kwarto ni Diana. Nabungaran niya ang namumutlang mukha nito at panyong punung-puno na ng dugo.

“Dumating ka … uh uh uh … Terence, may sasabihin ako sa iyo,” wika ni Diana. “Naaalala mo ‘yong … uh uh uh … batang lalaking nakabunggo sa’kin? Pagnahanap mo siya … uh uh uh …

“Diana,”  tanging nasambit ni Terence.

“Isauli mo ang … uh uh uh .. ang keychain niya,” patuloy ni Diana sa tila hirap na hirap na boses. “At … uh uh uh … Terence, ka-kahit kakikilala ko palang … uh uh uh … sayo. Parang nakilala na kita no-noon pa. uh uh uh … maaaring di ko na makikitang muli ang pagsikat ng araw. Kaya gu-gusto kong … uh uh uh … sabihin sayo … uh uh uh

“Diana, please. Hindi ka mamamatay, sabay nating tatanawin ang muling pagsikat ng araw. Please Diana, please wag kang sumuko,” pakiusap ni Terence kay Diana.

“Shhh … uh uh uh … gusto k-kong sabihin sa-sayo na … uh uh uh … mahal na mahal …” huminga ng malalim si Diana  at akmang hahawakan ang pisngi ni Terence ngunit hindi na niya nagawa. Nawalan na siya ng hininga at tuluyan ng binawian ng buhay. Pinigilan ni Terence ang unti-unting pagbaba ng kamay ni Diana. Hindi niya matanggap na wala na ito.

“Diana please… please wag mo akong iwan. Diana, mahal kita! Mahal kita! Ako ‘yong batang nakabunggo sayo, ako si Terence Kyle! Diana please gumising ka, Diana mahal kita! Bakit di mo man lang ako binigyan ng pagkakataong sabihin ‘yon sayo?” tuluyan ng bumuhos ang luha ni Terence. Wala na ang babaeng minahal niya noon pang una nilang pagtatagpo. Tuluyan na siyang iniwan nito.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon