CHAPTER 1

28 17 9
                                    

"Katy anak pakipuntahan naman ang mga kapatid mo sa kwarto kakaen na tayo." Malambing na boses ni mama ang narinig ko mula sa kusina. Nandito kase ako sa sala nag babasa ulet ng mga diniscussed ng Prof namin kanina.

"Sige po Ma." binaba ko ang hawak na libro para umakyat sa 2nd floor kung saan ang mga kwarto namin. Magkasama sa iisang kwarto ang dalawa kong kapatid habang solo ko ang isang kwarto dahil nag iisa babae ako. Kumatok ako sa pinto nito.

"Keiffer! Luke! Magsi baba na kayo kakaen na." Bumukas naman agad ang pinto unang lumabas si Keiffer na nakabusangot ang muhka na pinag taka ko kasunod nya ang nakangising si Luke. "Anong nangyare sayo?" Takang tanong ko sakanya. Sya ang sumunod saken graduating na din sya this year sa high school.

"Eto kaseng si Luke ate sinira nanaman yung bagong notebook na binile ko kahapon!" Nakabusangot nyang reklamo tiningnan ko naman si Luke ang bunso namin na nasa 1st year highschool palang.

"Anong sinira ko? Ikaw kaya ang humila sa notebook hindi ako kuya!" Nakasimangot na sagot nya.

"Ikaw! Ayaw mo kaseng bitawan."

"Ikaw kuya! Kase may binabasa ako na ayaw mong ipakita kaya bigla mong kinuha."

"Kasalanan mo parin! kung binitawan mo nalang at di ka nakikibasa edi sana ayos pa yun ngayon."

"Kung sana hindi mo biglang kinuha edi sana hindi ako magugulat kaya nahatak ko din pabalik."

"Hep! Hep! Hep!" Pumagitna na ko sakanila dahil nag uumpisa nanaman sila. "Tumigil na kayo kakaen na baka marinig pa kayo nila Mama at Papa alam nyong pagod sila sa trabaho." pareho naman silang natahimik at napayuko. Tinapik ko si Keiffer sa balikat at nginitian.

"Kukunin ko mamaya yung notebook susubukan kong ayusin okay?" Lumiwanag naman ang muhka nya at ngumiti.

"Talaga ate? Thank you!" Masayang sagot nya saka ako niyakap. Bumaling naman ako sa bunso namin na nakanguso.

"At ikaw, hindi mo naman gamet pero pinakialaman mo. Alam mong hindi maganda yun diba?" Mahinahong sabe ko sakanya tumango naman sya.

"Opo ate."

"Oh sinong mali ngayon sainyong dalawa?" Tanong ko sakanya.

"Ako po ate," sagot nya saka bumaling sa kuya nya. "sorry kuya dina mauulet."Nginitian naman sya ni Keiffer saka ginulo ang buhok.

"Tsk! Wala yun sige na kaen na tayo naamoy kona ang luto ni Mama." masaya namang tumango si Luke at magkaakbay silang bumaba.

Napangiti at napailing nalang ako.
Ganyan naman sila palagi sa una lang laging nag tatalo pero bandang huli di din matitiis ng isat isa. Ganyan kame pinalake ni Mama at Papa.

Nakangiti akong sumunod sakanila sa dining naabutan kong nagkukulitan ang dalawa si papa naman pinapanood sila habang si Mama ay katatapos lang mag lagay ng mga plato sa bawat isa.

"Oh nandyan kana pala kumaen na tayo."nakangiting sabe ni Mama ng makita ako. Naupo ako sa pwesto ko katabe ni Papa, kabila naman nya si Mama katabe naman nya si Luke at si Keiffer pumunta na din sa pwesto nya sa tabe ko nag dasal muna kame bago mag simulang kumaen hanggang sa mauwi sa kasiyahan at kwentuhan.

"Sabe nga po saken ng teacher ko basta stable lang ang grades ko sa ngayong 3rd grading scholar parin po ako." masayang sabe ni Luke.

Wild Dancing Innocent (Updated Regularly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon