CHAPTER 2

3 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon nga, maaga akong pumasok sa University kung saan Scholar ako. 1st year college ako ng pumasok ako dito at ngayong araw ay 2nd year na ko at masasabe ko naman na maayos at tahimik ang unang taon ko dito. Siguro dahil na din sa hindi naman ako yung tipikal na estudyante na may circle of friends at kada break time o uwian ay nakikipag bonding sakanila. Mas gusto ko ang mag kulong sa kwarto ko at mag basa ng mga librong hindi kopa nababasa o balikan ang mga naging topic namin sa klase.

May kaibigan naman ako yun ay si Veronica o mas kilalang Nica dahil kahit daw sya nahihirapang banggitin ang pangalan nya at ngayon sya ang kasama ko dito sa Library. Kung ako libro ang hawak, sya naman ay salamin at panay ang pag reretouch nya ng lipstick.

Yan ang pinag kaiba naming dalawa dahil mas mahal nya ang mga make up at bags nya kesa sa libro at mahilig din syang mag shopping. Pero kahit ganyan sya, alam nya ang limit nya dahil strikto sa mga grades nya ang kanyang Daddy.

"Friend, malapit na ang birthday ko." Lumingon ako sakanya pagkababa ko ng librong binabasa ko. Nakanguso sya habang nakatingin saken. Dalawang buwan nalang ay birthday na nya.

"Alam ko naman .. hindi ko nakakalimutan." Inosenteng sagot ko. Natigilan naman ako ng lumapad ang ngiti nya na para bang may pinaplano sya sa isip nya. Pag ganyan sya, alam kong may gusto syang hilingin o kaya naman may pinaplano sya na alam naman nyang di ako sasang ayon. Ginagamet nya din madalas saken ang pag pupungay ng mga mata at pag nguso na akala mo ay batang hinding napag bigyan. Lalo tuloy lumilitaw ang ganyan nya. Isa din si Nica sa mga habulin ng lalake dito sa University pero kahit isa wala syang sinasagot dahil pakikipag laro lang ang alam nya.

"I know! Ang ibig kong sabihin ready kana ba sa gift mo saken?" Nakangiti sya ng nakakaloko. Nag kibit balikat naman ako saka binalik ang atensyon sa libro.

"Makakaipon naman siguro ako ng pang regalo sayo bago ang birthday mo, tutal matagal pa naman." Bigla naman nyang kinawit sa isang braso ko ang dalawang braso nya saka sinandal ang ulo sa balikat ko. Nakatuon parin sa libro ang atensyon ko.

"You don't have to Katy, alam ko naman kung gaano kaimportante sayo ang pag iipon lalo na ang budget mo dahil ayaw mong nag sasabe sa mga magulang mo lalo na sa gastusin sa pag aaral mo."

Oo, sa bawat allowance na binibigay saken nila Mama ay nag tatabe ako para sa tuwing may kailangang bayaran dito sa school hindi kona kailangang humingi sakanila. Nagagamitin ko din ang tinatabe ko kapag sa personal na pangangailangan. Alam ko naman na may pang gastos sila Mama at Papa pero kung kaya ko naman baket hindi ko nalang ikusa? sa totoo lang, meron na kong ipon at hindi na ko sigurado kung magkano naba lahat yun. Natuto akong mag ipon nung 3rd yr highschool ako dahil mas tumaas ang sahod ni Papa kaya mas malake ang naibibigay nyang allowance pero hindi ko naman nauubos kaya itinatabe ko hanggang sa maipon kona at ipinag patuloy ko nalang hanggang ngayon.

"So anong gusto mong sabihin?" Alam ko namang may iba syang gustong iparating eh.
Niyugyog nya ang braso ko kaya sumimangot ako dahil nahihilo ako sa pag babasa. "Hey!" Saway ko sakanya kaya tumigil naman sya.

"It's my 21st birthday and we both know na we're adult na diba?" Pabitin nyang sagot. Mas matanda sya saken ng isang taon. 20 palang ako but still Adult nadin naman. Napataas naman ang isang kilay ko pero di ko parin inaalis sa libro ang tingin.

"And?" Tanong ko matapos mag lipat ng page.

"Lagi nalang kase kameng sa states nag cecelebrate o di kaya sa bahay namin dahil alam mo naman si Momshie and Dad puro mga socialites ang iniimbita! Nakakasawa na!" Nag hihimutok nyang reklamo.

Well, totoo naman kase, isang senator ang Daddy nya kaya ganyan ang buhay nya lalo na only child lang sya. Madalas din ako sakanila dahil magkaibigan ang parehong Ina namin.

"And?" Tanong ko ulet.

"Kanina kase tinanong ako ni Momshie if saan ko gustong mag celebrate or do I have a plan naba? So sabe ko wala pa and ayoko munang mag ibang bansa. I just want to be with my friends on my birthday and go the Bar. And O to the M to the G! First time nilang pumayag na ako ang mag decide as in OMG!" Sinaway ko sya dahil sa pag tili nya. Sa sobrang saya nya nakalimutan na ata nyang nasa Library kame.

"Talaga? Edi mas okay. Atleast you can do whatever you want on your special day."sagot ko.

Kung Bar ang usapan panigurado kasama nya sila Millet at Queenie. Mga kaibigan nyang hindi ko ganun ka close dahil sabe nila ibang iba ako sakanila. Well, talaga namang iba ako dahil hindi nila ako katulad na wala ng ibang ginawa kundi ang mag kulay ng mga muhka, mag sunog ng buhok kaka pakulay at plantsa. Makipag lampungan sa bawat sulok ng Univeristy. Pasalamat parin ako dahil kahit ganun ang mga yun hindi naman sila Bad influence kay Nica maliban sa pag bibilang din ng mga lalake eh masasabe kong nasa matinong pag iisip parin naman itong kaibigan ko.

"Eh Iniisip ko lang naman kung hiniling naba ni Lord ang wish ko na sana samahan moko mag Bar sa birthday ko." Mabilis akong umiling saka tumingin sakanya. Nakanguso ang bruha habang pinapapungay ang mga mata.

"Hindi pwede. Alam mo namang hindi ako nag sasasama sa ganyang mga lugar Nica. Mas gusto ko pang mag kulong sa kwarto at mag basa." Mas lalo nya akong niyugyog.

"Pretty Please Katy? My bestfriend .. my sister .. please? Ngayon lang ako pinayagan nila Momshie! You know naman hanggang dito lang ako sa School nakakalaya pero hindi ganun kalaya dahil sa stado ng Daddy ko." Sabay yugyog ulet saken.

"Nica, masaya ako dahil pinayagan ka ng Parents mo sa gusto mo pero, hindi ko kayang sumama sa ganung lugar. Alam mo namang hindi ako nababagay sa mga ganun. Mag mumuhka lang akong alipin nyo at tutunganga dun." Kalmada kong pag papaintindi sakanya.

"Of course not! Hindi kita hahayaang maging muhkang alipin dahil in the first place, you're my Bestfriend! Wag mona ulet sasabihin yan ha!" Pinanlakihan nya ko ng mga mata. Ayaw na ayaw nya talagang nag sasalita ako ng ganun dahil sabe nya noon pa man, magkaiba man ang pananamit at kilos namin.. hindi maalis nun ang pagiging mag bestfriend namin. "Ngayon na nga lang tayo ulet magkakasama sa birthday ko tapos .." nanlake ang mga mata ko ng unti unting pinangiliran ng luha ang mga mata nya.

"Nica .." malumanay kong tawag sakanya saka sya hinawakan sa kamay.

"No it's okay Katy .. alam ko naman na tatanggi lang. I-I just tried my luck but .. yeah it's okay." Nakangiti nyang sinabe pero alam ko at dinig ko sa boses nyang malungkot at nag tatampo sya. Napabuntong hininga nalang ako.

Minsa lang naman syang humiling saken dahil kung nasan ako nandun din sya .. kung anong desisyon ko naka suporta din sya .. kapag malungkot ako, nandun sya .. kapag may problema ako sa school tumutulong din sya saken. Sa tuwing birthday ko lagi syang may regalo at nauuna pang mag plano para saken. Tapos yun lang ang hinihiling nya, hindi ko pa mapag bigyan?

"Okay fine. Sasama na ko." Nakangiti kong sinabe sakanya. Natawa pa ko ng mapanganga sya at matulala. Pinoproseso ang narinig saken.

"OH MY GOOOD! Yes! I love you talaga Katy!" Napangiwi ako ng tumili nanaman sya. Nahinto lang ng sawayin ng Librarian.

"But please Nica, wag umabuso sa araw ng birthday mo. Bar iyon. Hindi tayo sanay sa mga ganun kahit alam kong umiinom kana ng alak iba parin dun." Pangangaral ko sakanya. Mabilis naman syang tumango.

"Promise Katy! Mag sasaya lang naman tayo and of course I know our limits! Thank you so much bestfriend!" Napangiti nalang ako ng yakapin at pugpugin nanaman nya ko ng halik sa pisngi.

Isang beses lang naman .. isa lang. Wala naman sigurong masama. Mag papaalam nalang ako kila Mama at Papa kahit matagal tagal pa naman.

——-
I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wild Dancing Innocent (Updated Regularly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon