Chapter 2

487 44 175
                                    

"Ate! Ate! Ate!"


Halos balibagin naman nang kapatid ko yung pintuan ng kwarto ko sa pagkakakatok niya.


"Bukas yung pinto, ano ba?!" Sigaw ko at tumayo na sa kama para magpalit nang damit.


"Ate! Naalala mo ba yung nakabungguan natin noon? Yung nalagyan mo ng ice cream yung mukha niya?"


Paano ko naman makakalimutan yun? Isa yun sa pinaka-nakakahiya at pinaka-nakakainis na pangyayari.


Tutulungan ko na nga siyang na punasan yung konting ice cream na napunta sakanya, bigla ba naman niya hinampas yung kamay ko papalayo sabay sabing 'Wag mo akong hawakan.'


Hindi ko alam kung maarte siya o galit siya that time. Basta, hindi yun excuse para mamahiya nang isang tao noh lalo na kung hindi naman niya sinasadya yung nangyari.


"Oh, anong meron sakanya?" Kunot-noo kong tanong sakanya.


"Gino Dela Vega pangalan niya at siya pala yung isa sa mga freshman basketball player sa UP Diliman, wahhh! Grabe ang galing niya raw at ang pogi pa!"


Napakunot yung noo ko at tumingin sakanya, "Saan mo naman yan nalaman?"


"Ano ka ba? Siya kaya yung pinagkakaguluhan ngayon sa social media! Lalo na sa Twitter! Look!" Sabi ni Emily tsaka pinakita saakin yung mga tweets tungkol kay Gino, "Sayang noh. Kung alam ko lang na siya yun edi sana nagpapicture na ako sakanya huhu. Kaso ang weird, wala siyang Instagram and Twitter tapos nung tinignan ko naman yung sinasabi nilang account niya sa Facebook, mukhang hindi naman siya kasi walang picture and nakaprivate."


"Baka naman private lang talaga yung tao." Sabi ko pero parang ang weird nga sa isang tao ngayon na hindi maging active sa social media lalo na siya na mukhang sikat, "Edi saan niyo nakita mga pictures niya?"


Pinakita naman ni Emily yung picture nung Gino na nasa UP Diliman's Gymnasium kasama yung basketball varsity ng UP.


Ngumiwi naman ako, "Mukhang mayabang at basagulero."


"Nyek, hindi mo pa nga nakikilala eh! Diba nga sabi mo saakin, don't judge the book by it's cover?" Sabi ni Emily at napatahimik nalang ako doon dahil tama nga naman, hindi ko pa kilala yung isang tao ng lubusan kaya wala akong karapatang i-judge siya, "Mukha lang siyang badboy pero malay mo softboy din pala siya."


Napairap naman ako at hinampas sakanya nang mahina yung twalya, "Kakawattpad mo nanaman yan! Hahaha. Umalis ka na nga sa kwarto ko at maghihilamos pa ako."


Tumayo na siya at magkasunod na kaming lumabas sa kwarto ko.


"Basta, ate. Siya na yung newest crush ko, yiee Gino Dela Vega hahaha. Pag talaga nagkita ulit kami, kami na talaga yung nakadestined sa isa't isa." Kinikilig niya pang sabi habang nakatingin pa rin sa photo ni Gino.


Hay nako, ayan nanaman sa destiny yung kapatid ko. Naniniwala naman ako sa destiny, na may nakatadhana talagang isang tao para sayo sa mundong ito, pero hindi ako adik doon katulad ng kapatid ko noh.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon