Chapter Eighteen

36 1 0
                                    

FEARS

Sharmaene's POV

Katulad nga ng sinabi nya naglibot kami dito sa amusement park.

Halos lahat ata ng rides nasakyan namin. Kahit carousel hindi nya pinalampas pero syempre sya lang ang sumakay dun. Tsk! Para syang bata.

Pero hindi nawala ang kayabangan nya.

Meron kasi ditong mga games at isa na doon ay yung kailangan mong makabaril ng tatlong duck. At kapag tatlong color red ang nabaril mo may life size teddy bear ka.

Syempre dahil mayabang at pasikat si g@go. Nagtry sya. Pero may maipagmamayabang naman sya dahil nabaril nga nya yung tatlo.

"Sabi sa'yo walang imposible sa akin."

I rolled my eyes.

"You just got lucky." Tapos binigyan ko sya ng nakakalokong ngiti.

"Hindi ah! Talagang magaling ako. Ulitin ko pa."

"Edi ulitin mo."

At inulit nga ng g@go. Mukha ngang tama sya dahil nakakuha na naman sya ng isang life sized teddy bear.

"Ano? Sabi sa'yo eh."

Edi sya na nga! Tsk! Isip bata.

Yeah makulit sya, at manyak. But it is the first time that I saw this side of him.

Lagi ko kasi syang nakikitang may kasamang babae. Pero ngayon para lamang syang bata na 1st time na nakapunta sa ganitong lugar.

"Ano? Pasado na ba ako?"

Bigla akong natauhan.

"H-ha?"

"Kanina ka pa kasing nakatitig sa akin, akala ko nga matutunaw na ako. Well, hindi naman kasi kita masisisi, sa gwapo ko ba naman." And he winked.

"Yabang." Sarap tusuking ng mata mo.

Tumawa naman sya na lalo kong ikinainis. Bakit ba para sya laging naa-amused sa akin?

At bakit ganun bakit nagwawala ang puso ko sa tawa nya? T@ngina! Hinawakan nya yung kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko.

Aba! Anong karapatan nyang hawakan ang kamay ko?

"Ayoko nga! Hinding hindi kita pakakawalan."

Nagkunot ako ng noo.

"What?" Hindi ko kasi masyadong narinig yung dulo.

"Wala! Kumain na lang tayo."

Now that he mentioned it, parang nakaramdam ako ng gutom.

Aminin ko man kasi o hindi, nag-enjoy ako ngayong araw. Kahit pa ang kasama ko ay mayabang at makulit.

"Mamaya mo na ako ngitian, umorder ka muna."

Asa! Hindi ko sya nginingitian. Nag-order na lang ako.

"You really like strawberries."

Napatingin ako sa kinakain ko. Strawberry cake with strawberry juice and strawberry ice cream.

"Obvious ba?" Tinarayan ko sya.

"No wonder your lips taste like strawberries."

Naramdaman ko namang namula ang mukha ko at alam kong nakita nya yun dahil bigla syang nag-smirked.

"But I have a question for you."

Hindi ako nagsalita at uminom ako ng juice.

"Who's Brian in your life?"

Muntik na ako masamid sa tanong nya. Letse! Chismoso ang g@go.

"Why are you asking me that question?"

"Napansin ko lang na kilalang-kilala ka nya. Alam nya ang bawal sa'yo. Pati paborito mo. Kaya nagtataka ako."

"He's just one of my exes."

Sumeryoso ang mukha nya at kumunot din ang noo nya.

"Ex? Ex lang? Fling? Ang daming alam sa'yo, ex lang?!"

Taena! Makapagtanong daig pa si Dad eh.

"He's none of your business."

"Sya din yung nasa picture sa QR di ba?"

"Hi--."

"Sya yon! Nakita ko!" Sabay turo sa sarili nya.

Edi nakita mo na.

"Bakit mo ba ako tinatanong ng ganyan ha?! Sino ka ba?!" Pinandilatan ko sya.

Makapagtanong daig pa boyfriend eh.

"Tss! Tama ka sino nga ba naman ako."

Naisip kong ibahin ang usapan.

"Wala na ba tayong gagawin dito? Maigi pang umalis na tayo tutal naman gumagabi na."

"Meron pa."

"Ano?"

Itinuro nya yung ferris wheel.

No! Theres no way that I'll ride that.

"Hindi ako sasakay dyan!"

"Bakit takot ka?" Nang-aasar sya.

"Hindi ako takot!"

"Eh, bakit ayaw mong sumakay?"

"Wala ka na dun."

"Hindi valid ang reason mo kaya sasakay ka."

Bigla nya akong hinila pero dahil ayoko talaga nagpumiglas ako.

Nagmura ako ng pabulong..

"Bitiwan mo ako Jake!"

"Alam mo pala pangalan ko eh. Haha!"

Tangina! Tinawanan pa ako.

Malapit na kami dun aa ferrris wheel pero tinapakan ko ang paa nya. Take note naka 4 inch heels ako at kahit hindi yun kataasan masakit pa din yun lalo na at diniinan ko.

"Fvck!" Mura nya.

Agad akong tumakbo palayo sa kanya pero napatili ako ng bigla nya akong binuhat na parang sako.

"What the--! Put me down!"

Hindi sya magsalita.

"Tangina! Hindi ako sasakay sa lugar kung saan ako iniwan ni Brian!"Sigaw ko.

Agad din namang nanlaki ang mata ko sa nasabi ko. Sh.t! Dapat sa utak ko lang yun.

Napatigil sya. Nakahinga naman ako ng maluwag dun.

Pero tumuloy pa din sya.

"Jake!" Sigaw ko.

"Di ba sabi nila face your fears?"

Letse! Sino ba kasi nagpa-uso nun?

**
Maraming maraming maraming maraming thank you po sa mga votes. Haha! Syempre sa bumasa din. Madami-dami na rin yun. Habol nyo po ang comments. Again, thank you po. Ingat po kayo.

The Bitch Meets The BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon