08

103 3 0
                                    

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa single sofa. Pumasok lang sandali si dad sa opisina niya rito sa bahay at babalikan daw niya ako.

Letse! Nalaman niya na um-absent ako sa unang klase! Malilintikan ako nito. Mukhang 50/50 ako sa kotse na bagong bili lang. Baka bigla niyang bawiin 'yon! Hindi pwede! Kailangan kong gumawa ng napakagandang dahilan.

Napaayos ako ng upo matapos ni dad na maupo sa harap ko, kasama si tita Emma. Dito na ata siya nakatira dahil hindi na umaalis sa bahay. Sa bagay, baka nga balak na rin nilang magpakasal. Wala naman nang sabit kay tita Emma dahil wala itong naging asawa o anak.

"Ano na naman ang nagawa mo? Hindi ka raw pumasok sa first period niyo." Napanguso ako.

"A-ano kasi dad... M-may aksidente sa daan kaya na-traffic ako tapos na-late sa klase." Tumango-tango pa ako. Mukha namang nakakakumbinsi ang tono ko kahit papaano.

"You sure, Caparina?" Sunod-sunod akong tumango. "Fine. Sa susunod na mangyari 'yon at palpak na naman ang pagdadahilan mo sa akin. Malilintikan ka." Ibig sabihin ay alam niyang nagsisinungaling lang ako?

"D-Dad, totoo nga-" Napanganga ako ng biglang sumama ang tingin nito sa akin.

"Tinawagan ko ang mga kaibigan mo at sinabi nilang umalis ka sa room para sundan si Ashley." Napalunok ako. "Ang kaso, bumalik na si Ashley sa roim pero wala ka pa rin. Sa'n ka nagpunta, Caparina?" Mariing ani nito na siyang nakapagpalunok muli sa akin ng malalim.

"S-sa demonyo ko pong ka-school?"

"Watch your words, Caparina!" Napayuko ako.

"Huwag mo siyang sigawan. Kagagaling lang niya sa school, tiyak na pagod siya sa pag-aaral." Rinig kong pagpapahinahon sa kanya ni tita Emma.

"Huwag mo ng uulitin ulit 'yon, Caparina!"

"O-opo, dad. Sorry po." Napakapit ako ng mahigpit sa bag ko na katabi ko lang.

"Halika, Caparina," inalalayan ako ni tita Emma na tumayo. "Aakyat na muna kami sa taas. Babalik kami bago ang hapunan." Napabuntong hininga na lang si dad at tumango.

Tahimik kaming umakyat papunta s kwarto ko. Si tita Emma pa mismo ang naghalungkat ng damit na isusuot kong pantulog.

"Do you have work?" Tanong ko at tinulungan siyang kumuha ng damit.

"Yes. I'm a teacher." Napatango-tango ako bago siya nilingon.

"Sa'n kayo nagkakilala ni dad?" Naupo ako sa dulo ng kama, siya naman ay tumayo sa harap ko, nakangiti sa akin.

"Nakita ko siya sa gilid ng daan habang umiiyak. Then I comfort him. Do'n nagsimula ang pagsasamahan namin." So mabait pala talaga siya kahit kanino.

"Bakit siya umiiyak, tita Emma?" Naupo ito sa likod ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"Dahil daw nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang asawa." She murmured. "Lasing siya no'ng nakita ko siya. Humingi siya sa akin ng tulong at sinabing gawan ko daw ng paraan para magkabalikan sila." Natatawang hinagod muli nito ang buhok ko. Gumaan ang paghinga ko ng dahil sa ginawa niya. "Tinulungan ko siya na makalimot. Ang kaso, siya ang nagkagusto sa akin kaagad. Wala na akong nagawa, natakot na ulit ako na makitang umiiyak siya."

"Mahal na mahal niyo po talaga si daddy?" Lumingon ako sa gawi niya.

"Oo naman... Mahal na mahal ko ang daddy mo." Ngiti nito at hinaplos ang pisngi ko, dahilan para mapapikit ako.

"Pasensya na kung hindi ko ho kayo kaagad natanggap... Hindi ko pa rin po kasi makalimutan kung papaanong nasira ang buhay namin ni dad simula no'ng umalis si mom." Paghihingi ko ng pasensya at ngumiti rito ng malungkot.

"Ayos lang 'yon. Alam kong may pinagdadaanan ka lang kaya mo ako nagagawang sagot-sagutin." Napayuko ako, dahilan para mahina siyang natawa. "Sa'n ka ba nagpunta kanina at hindi ka nakapasok sa first period niyo?" Pag-iiba nito sa usapan.

Hindi ko alam kung kailangan ko ba na banggitin sa kanya. Pero gusto ko rin, para makakuha naman ako ng lakas saga susunod ko pa na gagawin.

"Sinundan ko po kasi si Ashley. Ang kaso, may naatrasan akong lalaki at natapon sa kanya lahat ng kape na hawak niya." Napakamot ako sa ulo ng maalala ang reaksyon ni Justine. "Nagalit po siya, kaya pinalabhan niya sa akin kaagad ang polo na puti."

"'Yon ba ang dahilan?" Sunod-sunod akong tumango. "Sa susunod ay mag-iingat ka sa daraanan mo." Paalala nito.

"Opo." Nagpasalamat lang ako sandali sa kanya bago ako naligo at nagbihis.

Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Bigla ay nabuo ulit ang naulila ko na puso dahil kay tita Emma. Baka nga pumayag ako kaagad kapag nagsabi silang magpapakasal na. Gusto ko ulit magkaroon ng buong pamilya.

Pagkababa ay nando'n na si tita Emma at daddy sa dining area. Naupo ako sa tabi ni tita Emma. Mukhang malamig naman na ang ulo ni dad dahil madaldal siya sa hapag.

"Sumama ba si tita Emma sa kumpanya mo, dad?" Tanong ko habang kumakain kami ng hapunan.

"Oo naman. Madalang lang, dahil nagtuturo pa siya sa elementary tuwing weekdays." Napatango ako.

"Ang sipag niyo naman po pala." Baling ko kay tita at binigyan siya ng magandang ngiti. Mukhang natuwa naman siya dahil gumanti kaagad ito ng mas maganda pa na ngiti.

Pagkakain ay pumasok na rin ako kaagad sa kwarto para magbihis. Balak ko talagang mamili ngayon ng mga pagkain.

Habang nasa loob ng convenience store ay naramdaman ko ang cellphone kong nagba-vibrate. Sinagot ko 'yon ng makitang si Ashley ang tumatawag.

"Oh-"

"Nawawala si Cris!" Napakunot ang noo ko. Paanong mawawala 'yon? Hindi naman gawain no'n na maglayas.

"Baka naman may pinuntahan lang-"

"Nawawala siya, Caparina! Nagpunta na ako sa kanila pero wala siya!" Napakamot ako sa sentido. Saktong paglakad ko ay ang pagsulpot ng lalaki na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.

"Hahanapin ko siya, Ash. Gagawa ako ng paraan."

You And Me, In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon