49

48 3 0
                                    

Napapangiwi akong bumangon dahil sa sakit ng nasa pagitan ng dalawa kong hita.

"You okay?" Napatingin ako sa kagigising lang din na si Justine.

"Medyo... Ahm... masakit." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang hita ko bago mabagal na minasahe 'yon.

"Dapat hindi natin ginawa 'yon kagabi." Iling ni Justine at hinalikan ako sa noo.

"No... Okay lang 'yon, Justine." Ngiti ko sa kanya at hinawakan ang kamay nito na nasa hita ko. "Nabanggit sa akin ni Angel kahapon na... mag-ex daw kayo?" Patanong ko na sabi. Natigilan siya at tiningnan ako sa mata.

"Hmm... Pero dalawang buwan lang ang itinagal namin dahil nanlalaki siya." Natatawang napasandal ako sa braso niya.

"Pero mabait siya..." Ngiti ko at inangatan siya ng tingin. "Kaso Justine... wala silang kapera-pera. Binigyan ko siya ng pagkain kahapon para makakain."

"She deserve that-"

"No, Love... I mean, masyado naman kasing paghihiganti ang ginawa mo sa kaniya, sa pamilya niya." Umayos ako ng upo at humarap sa kanya.

"Fine... Bibigyan ko sila ng panimula. Okay na ba 'yon?" Mabilis ko siyang tinanguan.

"Thank you..." Hinawakan ko ang magkabila nitong pisngi at hinalikan siya sa labi.

Bumaba na rin kami pagkalinis namin. Nagulat pa ako ng biglang sumulpot si Novie habang kumakain kami.

"Young master." Maganda ang mga ngiting bati niya.

"Novie, sira-ulo ka ba?" Kumakaing tanong ni Justine rito.

"Minsan, young master." Nakangiti pa rin na sabi ni Novie.

"Buti alam mo... Tangina mo, ba't dinala mo si Caparina sa bar kahapon?" Mura ni Justine sa kanya.

"Tangina mo rin, Young master. Pero masaya naman daw siya sabi ni Ma'am Caparina." Mura ni Novie pabalik.

"Lumayas ka na nga rito, bwisit ka talaga." Hinagisan pa ni Justine ng tinidor si Novie kaya nagtatakbo ito paalis. "Loko talaga." Mahinang ani Justine.

"Ah... Sinabi ko nga pala kila Ashley na magpapakasal tayo." Pagsasalita ko. Mabilis siyang natigilan at kinunutan ako ng noo.

"But love, paano kung... Okay, nagtitiwala naman ako sa mga kaibigan mo." Naglilihis ng tingin na yumuko siya. "Sorry..." He mumured, 'di ko na karinig kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Nagbihis kaagad kami pagkakain. Balak namin na bumili ngayon ng bago naming matitirhan, mapa-ibang bansa man o kahit saan.

"We can pick this one..." Turo ko sa nasa picture, dalawang palapag na bahay iyon. "... or kahit mas maliit pa dito ay ayos na sa akin, Justine."

"No, I actually want a big one..." Itinuro nito ang isang malaki pa sa mansyon at may pool pa sa gilid no'n. "It just cost a hundred million, barya lang." Kibit balikat niya sa akin.

"Yabang, ah!" Hinampas ko ito ng malakas sa braso kaya mabilis siyang napangiwi.

"That's hurt!" Reklamo niya at nginusuan ako. Inismiran ko siya bago tinawag ang architect na nakuha namin.

"We'll pick this one... Bukas na lang po siguro natin pag-usapan 'yung mga ilalagay sa loob." Nakangiting tumango sa akin si architect Joy.

"Sure, Ma'am Gozon." Sandali pa kaming nag-usap bago kami umalis ni Justine.

"How about your wedding dress? Bibili na rin ba tayo?" Tanong ni Justine habang nagmamaneho.

"Pwede na rin... Ayos lang kahit hindi, Justine. Tayo lang naman ang nando'n at mga kaibigan ko." Iling ko rin agad.

You And Me, In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon