Ashianna's POV
Monday nanaman! Maayos naman ang Saturday at Sunday ko. Naka bihis nako, bumaba nako para kumain.
Napa tigil ako ng, maalala na ngayun pala ako aamin. Omy!
"Good morning!" Sigaw ko
"Good morning ate" Bati ni Thea
"Kain na anak" Sabi ni Mama
Umupo ako at kumain na.
"Bakit naka sumimangot ka jan?" Tanong ni Mama
"Malamang eh sa Monday nanaman Ma" Sabi ko at uminom ng tubig
"Send my regards to your President" Sabi niya
"Ha?" Naguguluhang tanong ko
"Birthday niya, Hindi ba?" Tanong nya at uminom ng tubig
"Opo, pano —"
"Tinanong ko" She shrugged, smiling.
"Una napo ako" Sabi ko at hinalikan sila sa pisngi
"Mag iingat ka" Sabi ni Mama
"Opo, Thea, mag iingat ka ha?" Sabi ko "Una napo ako"
Pagkadating ko sa school, nag bubulungan sila. Dumeretso ako sa classroom at umupo.
"Anong chismis?" Tanong ko sakanilang lahat
"Birthday ni Pres" Sagot ng mga classmate ko
Hindi nako nagsalita. Dumating na din ang teacher namin kaya tumahimik na sila.
"Ang bilis naman ng oras" Reklamo ko
"Mabilis talaga" Sabi ni Kate at umupo sa Upuan
Well... Recess na -_______- , umupo na din ako at kumain.
"3 daw yung program para Kay Pres" Sabi niya
"Am?!" Tanong ko
Napa sapo siya sa nuo niya.
"Ashianna Sxel Gonzalez?! Babae ka! Mamaya! 3 pm?!" Sabi niya at inikot ang mata
Dukutin ko kaya mata nito. Kumain nalang ako. Bwisit na Max na Yun, bakit wala pa? Aish! Una, Hindi niya Sinabi ka agad na may practice sila, tapos nong Saturday at Sunday Hindi siya nagpakita hanggang ngayon?!
"Asan ba si Maxie? Nakita mona ba siya?" Sunod sunod na tanong ko
"Ewn ko, Hindi pa Teh eh. Nag aaway ba kayo?" Tanong niya
"Hinde" Sagot ko at uminom "Bilisan mo" Sabi ko at inilabas ang phone ko
Walang siyang text or chat man lang? Bwisit na lalaki yan! Dumating ang hapon at hindi pa siya nagpapakita?!
"Hello? Kate? Asan kana ba? Nasa labas nako ng University" Tanong ko sa kabilang linya
Mag la- lunch daw kami sa favorite place namin.
"Sandali lang Ash, may kukunin lang ako, sandali lang talaga Promise, kita nalang tayo Jan, wag Kang aalis" Sabi niya at pinatayan ako.
Wala na masyadong studiyante dito sa labas ng Univ, nag lunch na lahat. Napa tingin ako sa likod ko ng may tumigil na Van. Nanlaki ang mata ko ng bumaba ang Isang lalaki at tinakpan ang ilong at bibig ko.
"Hmp!!!" Sigaw ko Pero useless!
Kumakawala ako Pero ang lakas niya! Alagang gym! Nalaglag yung bag ko, ng ipasok niya 'ko sa Van na white. Bakit ba palaging white ginagamit ng mga kidnapper?