Ashianna's POV
Sunset na!! Nasa tubig kaming lahat, maliban kila Mama,Lola, at Lolo. Si Thea? Karga ni Kuya HAHA.
Pinanuod naming lumubog ang araw bago kami umahon. Kumuha din kami ng litrato. Umahon kami at pumunta sa mga room.
"Maligo na kayo, kakain na tayo Mamaya" Sabi ni Mama
Pumunta kami sa mga room. Nauna akong naligo, after it, I wore black oversized t-shirt and high waste shorts. Kate was wearing shorts and crop top. We grabbed our phone and sent outside.
Mag di-dinner kaming lahat sa isang restaurant, don na din kami magkikita kita. Nandon na silang lahat, so... Kami nalang hinihintay?
"Ashianna! Sana nag short ka naman bago lumabas" Bungad ni Kuya
"Naka short ako Kuya!" Depensa ko at sinamaan siya ng tingin
"Kain na, baka mag away pa kayo" Sabi ni Mama
Umupo ako sa tabi ni Kuya, nasa gitna ako nila Thea at Kuya. Katabi ni Thea si Xyzen.
"Wow! Mommy at Daddy" Sabi ni Thea
Nagkatinginan kami ni Xyzen, umiwas ako ng tingin, Feeling a little awkward now. Kumain nalang kami.
"Ano sunod nito?" Tanong ko habang ngumunguya
"Bonfire!" Sabi ni Kuya
"Kayo nalang, kailangan naming magpahinga" Sabi ni Mama
"Next time nadin ako Ate, it's okay lang naman. Atleast I saw the sunset!" Nakangiting Sabi ni Thea
"Good girl, Hayaan mo pag 10 kana, dadalhin ka ni Ate kasama si Mama, Lola at Lolo" Sabi ko
"Eh si Kuya po Ate?" Tanong niya
"Si Kuya? Hayaan muna si Kuya, Pala Kaibigan si Kuya diba? Ano yung sinabi ko sayo kanina?" Tanong ko
"Si Kuya pala kaibigan sa mga babae, tapos sa susunod kai bigan na Niya lahat ng yon" Sagot niya
Tumawa naman ako ng kunti.
"Hoy Ashianna, kung anong sinasabi mo kay Thea" Sabi ni Kuya
"Bakit? Hindi niya naman gets eh" Sabi ko
"Good girl, kaya hindi natin isasama si Kuya" Sabi ko kay Thea
"Eh si Kuya Xyzen po?" Tanong niya
"Hindi ko po alam" Sabi at pinagpatuloy ang pagkain
"Kuya? Sama kapo" Sabi niya kay Xyzen
"Sure, Kung papayag ate mo" Sabi niya
Tumingin ako kay Thea bago kay Xyzen.
"Ate pumayag kana please?" Sabi ni Thea
Tinignan ko si Xyzen.
"Cge" Sabi ko at uminom ng Tubig "Kuya paki abot nga yung salad" Sabi ko
Iniabot niya sa'kin ang isang platong salad.
"Hindi kapa nakaka Rami ng rice" Sabi niya at nilapag yon sa harap ko
Binalewala ko lang ang sinabi niya at kumain.
"Apo? Okay lang ba kayo?" Tanong ni Lolo
"Opo" Sagot ko at ngumiti, peke.
"Hindi kayo nagpapansinan" Sabi ni Lola
"Ho? Okay lang po kami La" Sabi ko
"Zy" Tawag ko kaya napatingin siya sa'kin "Kailan ka uuwi?" Tanong ko