AIRPLANE

110 5 0
                                    



" Hay ang gwapo talaga nya, " pagpapantasya ko sa 2nd floor ng school namin ng dumaan ang crush ko.





Hindi ko alam kung paano siya lalapitan, bukod sa mga ibang babae na malapit sa kanya ay sadyang wala lamang ako. Ako lang si Andria, isang napaka-simpleng babae. Masasabi kong okay lang akong kasama, at nasa ikatlong baitang na ako sa sekondarya. May nag-iisa akong crush, isa siyang basketball player sa campus namin. Matalino siya ngunit tila may nakatago siyang kaartehan sa katawan, ganoon yata talaga kapag lumaki ka na mayaman. Nasa pang-apat na baitang naman siya sa sekondarya nang campus namin, madalas na nakakasalubong ko siya sa tarangkahan nang campus namin ngunit kahit minsan ay hindi pa kami nag-ngitian o nag-batian man lang. Minsan na nagtama ang mata namin ngunit ako rin ang umiwas agad sa tingin niya dahil sa hiya. Makita ko lamang siguro siya ay sapat na.

Mahirap pala ma-inlove nang patago ano? para kang nagtataguan at siya ang taya. Naghihintay ka nalang na mapansin ka hanggang sa mahuli ka, o hindi naman kaya ikaw na ang kusang sumugod sa kanya. Hindi mo na'rin alam ang gagawin mo kapag nandiyan na siya sa harapan mo, lalo na kapag tila malalagutan ka na ng hininga sa sobrang bilis nang tibok ng puso mo.

" Hoy !! " panggugulat pa sa akin ng kaibigan ko si Lorian.

" Anong ginagawa mo dito ? Ah.. alam ko na binabantayan mo ang crush mo na dumaan ano ?" tanung nya pa sa akin na sya rin naman ang sumagot , tumango na lang ako. Ano naman ngayon kung hinihintay ko na dumaan ang crush ko?, may masama ba doon.



Natahimik ako nang mapa-daan si Nataniel, ang crush ko. Ngunit ganoon nalang ang pagkatulala ko, wala akong ma-iusal na salita. Hanggang pantasya lang naman ako eh at wala nang iba, hindi naman kasi ako ganon ka-ganda tulad nang mga babaeng nagpapatayan sa kanya. Nakalayo na siya nang wala man lang akong nasabi maski "Hi" lang. Nagulat na lamang ako nang mmagsalita ang butihin kong kaibigan na si Lorian.


"Hoy! tamana 'yan Andria, baka malusaw pa, tara na nga may klase pa tayo!, " inaya niya na ako bago ko pa makalimutan na may klase pa nga kami.




Sa mga sumunod na mga araw ganon pa'rin ako at hindi nagsasalita. Ngunit hindi nagtagal ay tila napagod ako, naging hopeless. Tila hindi niya talaga ako mapapansin, hindi naman kasi ako yung tipo nang babae na siyang lalapit sa lalaki at baka mapahiya lang ako o ang mas malala ay ang masaktan. Isang araw nasa third floor ako sa deprtamento nang baitang namin. Suko na talaga ako, sukong-suko na ako. Ang isang pahina nang longpad ay tinupi ko sa itaas upang gumawa ng isang papel na eroplano. Nag-sulat ako roon.





Dear Lord,

Pagod na pagod na po ako, hanggang kailan ba ako maghihintay? may balak ka po bang ibigay sa akin si Nataniel?, Lord alam mo naman pong gusto ko siya hindi ba? ay mali po pala! Mahal na Lord, mahal ko na siya. Kaya kung maari sana ay gawin niyong karakter si Nataniel Reymundo sa aking buhay pag-ibig, siya ang gawin mong kaparehas nang buhay ko.


AIRPLANE ( One-Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon