MLBB 20

130 4 2
                                    

M A Y C E E

August 27, 2020

"Ba't ang aga, Ma?" Tanong ko kay Mama nang sabihin niya sa akin nasa baba na si Vance.

Tinignan ko ulit ang oras sa phone ko. 6:03 palang. Pilit ko pa ring ginigising ang sarili ko.

"Hindi ko alam. Kakatawag lang sa akin kanina tapos ilang minuto nagulat ako nagdodoorbell na," sabi niya habang tinataas ang blinds ng bintana ng kwarto ko.

"Tumayo ka na diyan at mag-ayos ka na. Ba't ba kasi ganiyan mata mo? Nag-away ba kayo kagabi kaya siya nandito?"

Agad akong umiling, "Hindi ma. Nanood ako kdrama kagabi. Solid 'yong kwento!"

Tumayo na ako at baka magtanong pa siya. Anong gagawin ko sa mata ko ngayon?

Naghilamos at nagtotoothbrush muna ako bago bumaba. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng pagkain sa mesa kaya nagliwanag ang mata ko nang makita ang logo sa paper bag.

Agad akong yumakap sa likod niya kaya natawa siya dahil muntik pa siyang matumba.

"Good morning, love."

"Good morning," I answered with a big smile.

Iniharap niya ako sa kaniya at nakita ko ang pagbabago ng mukha niya.

"Bakit namamaga mata mo?" May pag-aalala sa tinig niya pero hinila ko ang upuan at umupo roon para iwasan ang tingin niya.

Ang pangit ko!

"Basta. Nagdrama kami ni Ihya kagabi. Is this for me?" I pointed the mushroom pepper steak on the table.

"Yeah. That's your favorite 'di ba? Ano pinagdramahan niyo?"

"Secret. Kain na tayo."

Hinila niya ang upuan sa tabi ko at umupo, "Sila Tita?"

"Ma! Pa!" Sigaw ko na rinig sa buong bahay.

Tinapik niya pa ako pero tumawa na lang ako. Pinaglagay niya ako ng tubig habang hinihintay namin sila Mama.

I picked up my phone and sent a message to Ihya.

"Love, phone." Sita niya kaya agad ko namang binaba at nagpeace sign.

Pinisil niya lang ang ilong ko at ginulo ang buhok ko. Ayaw niyang nagpo-phone kami kapag kumakain even before.

Halos magkasunod na dumating si Mama at Papa sa dining area.

"Aalis kayo?" Tanong ko dahil pareho silang nakabihis.

"May meeting ako with a client while your dad has to go to the site."

I pouted, "Iiwan niyo ko?"

Dad laughed, "Kunwari ka pa. Pabor nga sa 'yo kasi andito si Vance."

Napaubo tuloy si Vance.

"Hoy, hoy. May rules tayo 'di ba?" Mom interfered.

Tumango-tango naman si Vance habang umiinom ng tubig kaya nagtawanan kami ni Papa.

Lawyer si Mama. Engineer naman si Papa. We're a tight family. Close ako sa kanila both pero mas magkavibes kami ni Papa dahil sabi nga ni Mama, kay Papa ako nagmana. Umo-oo na lang ako kapag sinasabi nila 'yon kahit pare-pareho naman naming alam na hindi.

They adopted me when I was 2 from an orphanage. And I'm thankful for that. They loved me as their own. Never have I felt na ampon lang ako. They didn't hide that fact from me. They explained everything to me when I was growing up.

Sadly, 'di naman ako lumaki.

"We're going, honey," Dad said ang kissed me on my forehead.

Mom did the same pero may matalim siyang tingin kay Vance nang makalayo sa akin.

"I'm warning you, Vance ha."

"Yes po, Tita."

Natawa ulit kami ni Papa kasi halatang natatakot si Vance kay Mama.

"If you want anything, there's food sa ref. Magpaluto na lang kayo kay Manang. You have money naman so pwede ka magpadeliver kapag ayaw niyo 'yong nandiyan," bilin pa ni Mama.

When they went out, I decided to go upstairs and get ready for my class. Maaga pa naman pero mas okay na magready na agad para I can spend time with Vance.

Nag-stay lang siya sa baba and played with Muffin.

Muffin's our baby. Vance gave it to me on our first year anniversary. Honestly, Muffin was the only one that kept me going when Vance and I broke up. To think that it happened on the start of the quarantine period.

Even though he's a dog, we found comfort on each other. Maybe because I wasn't the only one who was in pain. We shared the same hurt and we both longed for the same person. So when Vance and I got back together, he was the happiest. He became more cheerful than ever and as a fur mom, I was happy too.

Nang matapos ako gumayak, bumaba muna ako at sumali sa asaran nilang dalawa.

Time really flies so fast when you're enjoying and having fun. Nang tumunog ang alarm ko ay umakyat muna ako para i-set up ang gagamitin ko. Hindi ako mapakali kaya dinala ko na lang ang gamit ko sa baba.

"Why, love?"

Tinulungan niya akong bitbitin ang laptop ko at work sheets ko nang makita niya ako sa hagdan.

"I just wanna see you while studying. Besides I don't think may gagawin na."

He smiled and helped me set up on the center table. He sat across me copying my indian seat on the carpet.

"What?" I asked laughing because he was just staring at me.

"You said you want to see me while studying."

"Huwag naman ganyan. Baka 'di ako makapag-aral."

"So what do you want me to do?"

"Just do what you want."

"Okay."

He leaned on the sofa, crossed his arms and continued stating at me.

Internal screaming. Paano ako makakafocus?

I rolled my eyes on him to hide my kilig. He just chuckled making it harder for me to focus.

After class, we spent the rest of the day laughing and cuddling in the sofa while watching random Netflix movies.

It was a day well-spent. We did simple things but enough for me to sleep smiling tonight.

ML, BB? (QuaranFling Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon