CHAPTER 2

18 2 0
                                    


Matapos ang mahabang byahe namin ni Gav at sa wakas ay nakapasok na kami sa isang bookstore na sinabi ko sakanya. Sobrang tahimik ni Gav ngayon parang wala sa mood, parang nahiya tuloy ako.

"Bat parang kanina ka pa talaga tahimik?"

Tanong ko sakanya habang nagtitingin tingin ng mga libro sa bookshelf.

"Gagi di ba pwedeng gutom lang kaya tahimik" nakasunod lang sya sakin kung saan ako papunta, pupunta din sya. Natawa ako sa sinabi nya.

"Eh baliw ka pala e, sana sinabi mo kanina pa, papayag naman ako na kumain muna tay-" hindi nya na ako pinatapos at hinatak nya na ako palabas ng bookstore.

"Paano kase, puro libro nasa isip mo kanina eh ayoko naman basagin trip mo kaya okay lang na tiisin ko muna gutom ko  kesa sa gusto mo" si Gav. Aba ang loko may paganyan ganyan nang nalalaman

"Are you that crazy Mr. Gavin Aurielle? Talagang isasakripisyo mo yang health mo sa material na bagay na gusto ko" irap ko sakanya. "Anyways, since ikaw naman yung gutom dito ikaw na mag order. Sayang naman yang porma mo atska baka  makatagpo ka na ng mamahalin mo dahil dyan sa porma mo" sambit ko sakanya

_

Habang naghihintay sa table namin nagbasa muna ako sa phone ko. 'I love you endlessly' I smiled when I saw this line of a character. I closed my eyes and I murmured it into the air, but when I opened my eyes  and suddenly my smile fades away in shock .

"Ay love! "  gulat na sambit ko.

"What love? " si Gav. Titig at nakangiti siyang nakaharap saakin habang dala dala ang tray ng pagkain namin.


"Kanina ka pa dyan?" I awkwardly ask, then looked away.


"I love you endlessly...wow with all your heart and feelings huh" he teased.

"Bakit kase hindi mo man lang ako tinawag diba? Tss... " my gosh kahit ang tagal na naming magkaibigan ni Gav nakakahiya parin para sakin yung pangyayari na 'yon.

"You were so cute as you said that earlier" sabay subo nya ng fries nya na natatawa.

"Stop it Gav! Its not funny. That was embarrasing!" Seryoso at kunot na noo kong sambit sa kanya.

"Miss Ma'am Iseah Serene we've been bestfriends for a long time, now you're still ashamed of me" aniya at nagpatuloy sakanyang pagkain.

Tumahimik na lang ako at nagsimula nang  kumain. Kumain lang kami sa isang fast food chain. He ordered 1 rice meal for him na may kasamang regular fries and ice cream, he also ordered me a 1 TLC burger with ice cream, drinks and a Fries also. Buong pagkain namin tahimik kami, buti naman at natigil na sya sa pang aasar. Pero kahit natigil na sya wala parin ako sa mood.


Nang matapos na kaming dalawa sa pagkain. Nag restroom muna ako.

"Gav, mag ccr muna ako, can you wait? "

pagpapaalam ko sa kanya ng hindi tumitingin sa mukha nya, at nagkunwaring may hinahanap ako sa bag ko.

"Yeah sure. I'll wait here" pag payag ni Gav.

_

Habang papunta ako sa Restroom may nakabunggo sa akin na babae.

"Oh sorry!" Sambit ko kahit ako ang nabungo niya.

"Watch your step naman! My gosh!" Irap sa akin ng babae, sabay nilampasan ako.

Hindi ko na pinatulan dahil hindi naman ako pumapatol sa mga ganoong klaseng tao. Infairness may itsura sya, pero wala namang manners. So, it considered as a trash pa rin. Well, for me good manners matters talaga.

_

Nang pabalik na ako sa table namin ni Gav  agad ko syang natanaw, ngunit nagulat ako nang nakita kong kausap nya ang babae na nakabunggo sa akin. Hindi ko gustong siraan ang babaeng iyon kay Gav baka mamaya, M.U niya 'yon kahit wala pa naman syang nababanggit sa akin, pero kahit na. Bestfriend supports bestfriend  kaya noh? Pero ayoko rin naman syang mapunta sa isang katulad na babaeng 'yon. Pero bahala sya kung saan siya masaya. Pinalipas ko muna ang ilang sandali at hinintay ko munang makaalis ang babae, saka ako nagpatuloy maglakad pabalik kay Gav.

"Natagalan ka ata? " kuryosong tanong nya.

"Ah  yeah... Mahaba kase yung pila" kunwaring dahilan ko.

"Oh ano? Tara na sa bookstore? " tanong nya habang tinataas taas ang kanyang dalawang kilay.

"Ah.. Eh.. Wag na lang tayo tumuloy, pagod na ako uwi na tayo. Nilibre mo na nga ako ng pagkain e , okay na yun Gav. Thanks! " sambit ko, at nauna nang maglakad palabas ng fastfood chain.

"Bakit biglang nawala ka sa mood?"

Nagulat ako nang biglang nasa tabi ko si Gav at hawak ang aking kaliwang kamay. 


"Kanina ikaw 'tong tanong ng tanong kung bakit ako tahimik ngayon naman ikaw 'tong biglang nanahimik... Ano may umaway ba sayo kanina? Yung libro ba? O sya tara na?"

Pag aayang tanong nya sa akin. Ayokong magsalita kaya umiling lang ako. Napatingin ako sa kamay naming dalawa, sabay tingin rin sa mga nakakakita sa amin.

"May nagawa ba akong masama Irene-" mahinahong tanong nya

Binawi ko ang aking kamay at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam kong napatigil sya sa ginawa ko, ngunit hinabol nya rin kaagad ako.

"Irene What's wrong? mag bestfriends naman tayo ah at normal narin naman saatin yon diba kahit dati pa? Anong problema?" Huminto sya dahilan ng paghinto ko rin.

"wala... " tanging nasagot ko sakanya. Wala nang sumunod na tanong na lumabas sa kanyang bibig at mukhang nakuntento na lamang sa aking sagot.

Hindi naman talaga ako nagtatampo o ano, gusto ko lang talaga na umuwi na kaagad. Naiinis lang talaga ako sa nangyari kanina. I'm such a proctective bestfriend to him. Pero di ko lang talaga maisip bakit parang sobrang close nila nung babaeng 'yon eh napaka rude naman ng ugali.


Pero bahala na. We promised, Bestfriend supports bestfriend.

-----------------------------------------------------
Happy Reading ♡´・ᴗ・'♡

Just One More ChapterWhere stories live. Discover now