Prologue :
Ang sikat na si Alexander Dy na pinakamayaman sa buong mundo at casanova ay may 11 na anak sa iba't ibang babae , ngayong malalaki na ang anak niya ay gumawa siya ng book of dares kung saan lahat ng anak niya ay dapat pagsama-samahin sa ISANG MANSION at dapat ay magkasundo ang mga ito sa loob ng 1 year . Ano namang mapapala nila kung pagsasama-samahin sila ? Ibibigay sa kanila ang kanilang mga mana at paghahatian ang ari-arian ni Alexander Dy.
Makisama kaya sila ?
Makaya kaya nilang sundin ang book of dares ?
"Para sa Mama ko 'to"
"Makikita mo Mr ALexander Dy , pagsisisihan mo na iniwan mo ang Mama ko!"
"Para sa pera gagawin ko!"
"Gusto kong makita ang ibang mga kapatid ko"
"Sana mabait sila.."
"Ano kayang itsura nila ?"
"Ano kayang plano nila?"
"Anong gagawin ko sa pera kapag natapos ang 1 year?"
"Sino kayang pinakamaganda sa aming magkakapatid?"
"WAla akong matitrhan kaya makikisama muna ako sa mga Step-sisters ko"
"Tss"