FEELS LIKE

9 1 0
                                    

CITTI'S P.O.V

After that meeting with Dane, umakyat muna ako sa kwarto na pagtutuluyan ko.

I felt relieved kasi makakapagsimula ulit ako ng panibagong buhay, iwawaglit ko sa isip ko lahat ng mga nangyari.

"Wow, ang laki naman ng room na to ha."

Napag isip isipan kong mag ayos ng mga gamit at pagkatapos ay matulog at magpahinga.

Naalimpungatan ako sa naririnig kong mga pagtawa na galing siguro sa baba. Gabi na rin pala medyo napahaba ang tulog ko dahil sa pagod sa byahe.

Dali dali akong nag ayos at bumaba na sa sala. Nakita ko si Loisa kasama ang kanyang pinsan na si Dane na halos umiyak na yata sa kakatawa.

"Hey bessy! Gising kana pala! Halika samahan mo muna kami ni Dane dito. Medyo kararating ko lang din naman."

"Sige Loisa, salamat. Pasensya na medyo napahaba yata tulog ko but i feel refreshed."

"Nga pala bes! Si Dane, nagkakilala naman na siguro kayo no? Heto nga kinekwento nya yung nangyari kanina. Grabe ka bes! Hahahaha."

Wow! Ang lakas naman ng loob niyang  ikwento kay Loisa yung nangyari kanina! Aba eto namang bestfriend ko kung makatawa akala mo wala ng bukas! Hmp. Pinagtatawanan ako habang natutulog. Waaahhh.

"Besh naman! Di ko naman kasi alam eh. ;("

"Hahaha look at your face bess, wag kana sad, happy lang kami ni Dane kasi nagiging ikaw na ulit si Citti that i used to know."

"Mga anak maabala ko lang kayo sandali, halina sa hapag nakahain na ang hapunan."

Si aling Leah pala yon muntik ko na makalimutan.

Veranda

"Siya nga pala bess, babalik na ako ulit bukas sa Manila, dadalaw dalawin nalang kita dito tuwing weekends, makakasama mo rito pansamantala si Dane at nanay Leah."

"Besh naman kararating mo lang oh, paano mo ko matotour dito kung aalis kana?"

"Don't worry besty andiyan si Dane oh para samahan ka, sinabihan ko na yan kanina and yes he's ready for tomorrow. May list na siya ng pupuntahan niyo bukas. Pakabait ka ha! Wag mo painitin ulo ng pinsan ko. Hahaha."

"Loisa! Ikaw talaga! Okay fine sige tutal wala namang gagawin bukas sasama na ako kahit pa parang may bagyo sa lakas ng hangin yung pinsan mo."

Nako talaga si Loisa oh, may araw din talaga tong babaeng to sa akin. At isama pa nga daw ako sa pinsan niyang daig pa ang signal no.4 sa lakas ng hangin. Weeew buti nalang at matotour ko na tong lugar na to bukas.

"HAHAHAHA. Bess no offense ha. Bagay kayo. Pffff--pfftt."

"WHAT!?? No freaking way besh kahit pinsan mo pa yon. Never noh. Matulog na nga tayo excited na ako makagala bukas eh."

"Pffffttt."

"What are you laughing at!!!!"

"Kasi bess sabi mo ayaw mo kay Dane pero excited ka na bukas. Siguro crush mo si Dane noh?"

May panghuhusgang pagtatanong nitong makulit na to.

"Like hello! Wala noh as in never! Matulog na nga tayo besh baka pagod lang yan kaya kung ano ano na nasasabi at naiisip mo."

"Sige na nga bess. HAHAHA. Goodnight sa babaeng excited bukas. Love you!"

Sinamaan ko nga ng tingin. Ang kulit eh masyadong hyper ngayon.

Pumasok na kami ni Loisa at naghanda na sa pagtulog ngayong gabi.

And IT'S LIKE FIRST TIME ALL OVER AGAIN.

(A/N: Woooohhh after 1? Or 2 years? Nakapag update na din. Itutuloy ko na ito! Yehey. Please vote for motivation.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Chance for You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon