Epilogue

132 2 0
                                    

Princess Julianne Lee ------ isang Prinsesa ng mga bampira na may dugong tao na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at lakas. Nakatadhana na maging reyna balang araw ngunit ayaw nya, sapagkat gagamitin lang sya upang magkaroon ng kapangyarihan ang magiging mapapangasawa nya sa takdang panahon. Ayon sa propisiya ng kanilang angkan ang sino mang may dugong tao na royal vampire ay mas magiging makapangyarihan kapag naging ganap na pure blooded vampire na ito. Kaya nakapagpasya si Julianne na lumayo sa kaharian nila at mamuhay ng normal bilang tao upang hindi sya gamitin sa masasamang balak ng mga kalahi nya.

Sa Pagpunta nya sa mundo ng mga tao ay dito nya nakilala ang grupo ng mga Vampire Slayer. Sila Francis Khang ang pinuno ng grupo na may itinatagong kakaibang lakas, Maricar Gonzalez, Carlo Sy, Joseph Jhueng, Miguel Buenaventura, Josie Anne Cheng, Ronnie Moralidad at si Pauline Reyes.

Ipinakilala nya ang sarili bilang si Marianne Han. An 18 year old teenager living alone in her own place kasama ang mga katiwala nya na mga half blooded vampire din. Sa isang malaking mansyon sya nakatira, itinago nya ang sariling katauhan upang hindi sya matuntun ng mga kalahi nya na may masasamang balak sa kanyang pagiging prinsesa ng mga bampira. Dahil na rin sa nag-iisa sya sa kanyang tahanan, ay nagpasya syang alukin ang grupo nila Francis na doon na lang tumira sa kanyang mansyon para may makasama sya at mapalis ang kalungkutan nya sa paglayo sa kanyang ina at ama sa mundo ng mga bampira.

AT DITO MAG-UUMPISA ANG ATING KWENTO. . . . . . .

The Half-blooded Vampire Princess (super slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon