Chapter 1.1- Unang pagtatagpo(part II)

36 0 0
                                    

         ----------------------------------- MARIANNE'S POV -------------------------------------------

Hi po sa lahat! Ako nga pala si Marianne Han also known as Princess Julianne. Isa akong half vampire. At nag-iisang anak na babae ni Queen Dafhny na isang half vampire at ni King Michael na isang pure blooded vampire. Ako ang naatasan ng aking ama na humalili sa kanyang posisyon kapag pumayag ako na maging isang Pure blooded vampire dahil magiging makapangyarihan daw ako. Pero mas pinili ko ang lumayo sa aming kaharian dahil ayoko magpagamit sa mga totoong bampira dahil lang sa makapangyarihan ako. Mas pipiliin ko pa ang maging isang normal na tao kesa maging ganap na bampira at pagharian ang buong mundo. At dahil sa katigasan ng aking ulo nagdecide ako na mamuhay ng normal sa mundo ng mga mortal at doon ipagpatuloy ang aking kapalaran. Ngayon, nag-aaral ako sa isang presthiyosong unibersidad sa mundo ng mga mortal. Upang mapakinabangan namn ang aking kayamanan ko, nag-desisyon akong bumili ng share sa isang kumpanya, na syang nagmamay-ari din ng paaralan. Para hindi malaman ang aking katauhan,  isa sa mga tauhan ko ang pinahawak sa posisyon ko sa kumpanyang iyon. Siya ang mata ko sa pagpapatakbo ng kalahating share ko sa kumpanyang iyun at iba ko pang tauhan ay humahawak din ng iba't ibang negosyo na syang pinatayo ko ng ako'y lumipat sa mundo ng mga mortal.

Unang araw ko sa St. Agustine University bilang Marianne Han. Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang humarang sa akin na limang babae at sa tingin ko mga senior ko siguro sila. Pero hindi ako magpapaapi sa kanila ano pa't naging Prinsesa ako ng mga bampira kung lalampa-lampa ako sa harap ng mga malditang babae ito.

"Anong kailangan nyo sa akin?" malumanay na tanong ni Marianne sa tatlong Senior.

"Bago ka lang ba dito bata? Bakit ganyang ang pananamit mo?Capital "L" ka ba huh?" Mataray na tanong ni Elisa.

"Malamang baguhan ako dito. Magtatanong pa ba kayo kung isa akong old student huh? Ganito ang gusto kong pananamit dahil in-aprubahan na iyun ng presidente" inis na sagot ni Marianne sa kanya. At ngumisi ito ng palihim.

"Aba! Matapang kang bata ka, ah! Sino ba ipinagmamalaki mo huh?!?!"tinulak ng kaunti ni Elisa si Marianne.

Habang nagkakasagutan ang dalawa lahat ng mga estudyante ay nakapalibot sa kanila at yung iba ay nagbubulongan.

"Kung ako sayo Ate, wag mo akong itutulak baka kung anong mangyari sayo." Marianne gave her a sarcastic smile.

"Elisa ano? Upakan na natin ito.?" sabi ni Katrina kay Elisa.

"Oo nga lider. Ano? Kunin na natin ang allowance nitong hambog na baguhan na ito." segunda ni Cherry .

"HOY!!!!!!" sigaw nang isang lalaki.

Lahat sila napalingon sa pinanggalingan nung lalaking sumigaw including Marianne.

"Anong kaguluhan ito, Elisa?! Binu-bully nyo na lang palagi ang mga baguhan dito! Aren't you tired of doing this mess guys?" panenermon nya sa limang babae.

"Mind your own business, Mr. Khang. Baka nakaklimutan mo ama ko ang presidente ng school na ito baka gusto mo ipatalsik kita dito nang walang kaabog-abog." she grins.

 "At ama ko rin ang isa sa mga board of directors ng paaralang ito, Ms. Madrigal." sabi ni Francis kay Elisa.

Aalis na sana si Marianne ng biglang hilahin ng isa sa mga babae ang buhok nito. "Wag kang umalis dahil hindi pa kami tapos sayo bata ka."

The Half-blooded Vampire Princess (super slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon