Chapter 1- Ang Unang Pagtatagpo

79 2 2
                                    

KASALUKUYANG TAON, taong 2013. Unang araw sa pasukan sa St. Agustine University. Excited at kabado si Marianne sa kanyang unang pagpasok sa isang paaralan ng mga mortal. Hindi nya maisip kung anong pag-subok ang darating sa buhay nya bilang isang tao sa mundo ng mga mortal. Hinihiling nya sa sarili na sana hindi sya matunton ng mga kalahi nya upang hindi na madamay ang mga mortal sa personal na gusto ng mga kalahi nya.

"Ano kaya ang mangyayari sa akin dito sa paaralan ng mga mortal?" sabi ni Marianne sa kanyang assistant.

"Huwag kayong mag-alala mahal na prinsesa napagkaalaman ko na dito rin nag-aaral ang anak ng pinuno ng mga  vampire hunter. Pwede tayong humingi ng tulong sa kanya upang hindi madamay ang mga tao sa mga bampirang halang na ang kaluluwa at uhaw sa dugo ng mga mortal." suhestiyon ni James- isa sa mga tao nya sa mansyon.

Tumango si marianne sa pagsang-ayon nya kay James. "Tama ka riyan, James. I think we need help from them in order to protect the humans away from those crazy vampires." Marianne smiles a llittle. "Before we start our mission here in the human world, starting today you'll call me Marianne. I don't want to tell the hunters that I am the half-blood vampire princess in our own world.

Yumukod si James tanda ng respeto sa Prinsesa, "Masusunod mahal na prinsesa."

Huminga ng malalim si Marianne at ibinuga nya ito ng marahan. "Sunduin nyo na lang ako after the class." At lumabas ito sa kanyang sasakyan.

Nang nakalayo na ang kanyang mga tauhan, lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kanya na pawang nakakaiba sya sa kanila. Kaya sya nakakaiba dahil ang kulay nang kanyang mata ay kulay light blue at ang buhok naman nya ay sobrang ikli na parang isang lalaki ito. At ang damit nya ay panglalaki. Kinausap nya mismo ang Presidente ng eskwelahan kung pwede ay mag-damit sya na panglalak para kumportable sya sa pananamit. Tutal daw ay mayaman ito at malaking tulong sa kanila daw ang pag-bili nya ng shares sa naturang eskwelahan. She is part of the business. At sya ang pinakabata na may hawak na 25% ng shares ng kumpanya including the school. Her assistant will be the one to attend during shareholder's meeting dahil hindi pa sya handa na humarap sa mga boss ng kumpanya.

"Sino kaya yan? Bakit iba ang kulay ng kanyang mata at kulay ng buhok nya? Saang planeta ng galing ang babaeng iyan?" sabi ng isang estudyante na mataray.

"Baka sa planeta ng mga baliw." sabat ng isang babae.

Lahat ng estudyante nagtawanan sa mga sinabi ng dalawang babae. Ngunit hindi nya pinansin ang mga nang-aasar sa kanya dahil aksaya sa oras nya iyun. Ngunit may biglang humarang sa kanya na limang babae na nasa 4th yr. highschool.

"Anong kailangan nyo sa akin?" malumanay na tanong ni Marianne sa tatlong Senior.

"Bago ka lang ba dito bata? Bakit ganyang ang pananamit mo?Capital "L" ka ba huh?" Mataray na tanong ni Elisa.

"Malamang baguhan ako dito. Magtatanong pa ba kayo kung isa akong old student huh? Ganito ang gusto kong pananamit dahil in-aprubahan na iyun ng presidente" inis na sagot ni Marianne sa kanya. At ngumisi ito ng palihim.

"Aba! Matapang kang bata ka, ah! Sino ba ipinagmamalaki mo huh?!?!"tinulak ng kaunti ni Elisa si Marianne.

Habang nagkakasagutan ang dalawa lahat ng mga estudyante ay nakapalibot sa kanila at yung iba ay nagbubulongan.

"Kung ako sayo Ate, wag mo akong itutulak baka kung anong mangyari sayo." Marianne gave her a sarcastic smile.

"Elisa ano? Upakan na natin ito.?" sabi ni Katrina kay Elisa.

"Oo nga lider. Ano? Kunin na natin ang allowance nitong hambog na baguhan na ito." segunda ni Cherry .

"HOY!!!!!!" sigaw nang isang lalaki.

Lahat sila napalingon sa pinanggalingan nung lalaking sumigaw including Marianne.

"Anong kaguluhan ito, Elisa?! Binu-bully nyo na lang palagi ang mga baguhan dito! Aren't you tired of doing this mess guys?" panenermon nya sa limang babae.

"Mind your own business, Mr. Khang. Baka nakaklimutan mo ama ko ang presidente ng school na ito baka gusto mo ipatalsik kita dito nang walang kaabog-abog." she grins.

 "At ama ko rin ang isa sa mga board of directors ng paaralang ito, Ms. Madrigal." sabi ni Francis kay Elisa.

Aalis na sana si Marianne ng biglang hilahin ng isa sa mga babae ang buhok nito. "Wag kang umalis dahil hindi pa kami tapos sayo bata ka."

"If i were you, you'll let go of my hair before its too late." pagbabanta nito sa babae.

"Pinagbabantaan mo ba ako bata?" natatawang sabi ni Mitchi.

"Let go of my hair or you want me to make your life miserable as well as your family too." mahinahong sabi ni Marianne sa babae habang balewala lang sa kanya ang paghila ng buhok nya.

"Let go of her hair now, Mitchi!" utos ni Francis sa kanya.

"You think matatakot ako sa pagbabanta ng babaeng ito huh, Mr. Khang?????" Pasigaw na sabi ni Mitchi sa kanya.

"Okay. Desisyon mo iyan, Miss Garcia." sabi ni Marianne na nakangiti ito.

Dahil mabilis kumilos ang mga bampira, pasimpleng nag-360degree turn si Marianne at itinulak ng malakas sa Mitchi at napatumba ang limang dalaga sa lupa. Lahat ng estudyante ay namangha sa angking lakas ni Marianne.

"Asahan nyong may darating na sulat sa inyo galing sa Presidente ng kumpanyang kinabibilangan ng paaralang ito. Hindi ako magdadalawang isip na isa sa inyo ay magiging miserable dahil sa ginawa nyo sa akin." sabi nito habang matalim na tingin ang ipinukol nya kay Mitchi at ipinakita nya sa kanya lang ang totoong kulay ng mata nya at yun ang paraan nya upang takutin kung sino man ang mananakit sa kanya. At lumayo ito sa kanila upang hanapin ang magiging silid nya.

Biglang nawalan ng malay si Mitchi. Pero napansin ni Francis kung ano ang reaksyon ni Mitchi habang nakatitig ito kay Marianne bago ito nawalan ng malay.

"Mitchi! Mitch! Wake up!" pinipilit gisingin ninaElisa at Katrina si Mitchi.

"Pumunta na kayo sa mga silid nyo. Ako na ang bahala kay Ms. Garcia." anunsyo nito sa mga estudyante at binuhat nya kaagad si Mitchi upang dalhin sa clinic.

Habang nagsitungo sa kani-kanilang sild ang mga estudyante, hindi maiwasan ni Francis na mag-isip kung bakit parang takot na takot si Mitchi habang nakatitig ito kay Marianne. Sino ba si Marianne???? Bakit biglang sumulpot ito sa paaralan nila at ano ang koneksyon nya sa kumpanya ng kinabibilangan ng paaralan nila???

ABANGAN---------------

author:

Guys i hope you like my story. Its my first time kasi e.

Abangan nyo ang pagtatagpo ni Marianne at Francis. Kasama ang mga myembro ng Vampire slayer.

SEE YAH!!!!!

The Half-blooded Vampire Princess (super slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon