MITCH'S POV
"Mitch lumabas ka na ng bahay at hinihintay ka ng ng bus!"sigaw ni Mama..
"Wait lang po!!"sigaw ko at nagmamadaling kainin ang agahan...
"Dali ate nawiwiwi na si Manong Driver!!!"sigaw nya...
"Sindy pwede wag ka na lang makisali??"tanong ko at uminom ng gatas..
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng bahay...
Ako na lang pala ang hinihintay nila..
"Bye Ma..Bye Sindy..Wag mong pagurin si Mama.."sabi ko at nag-kiss sa pisngi nila...
Umakyat na ako sa bus at ngumiti sa driver...
"Good Morning Manong!"bati ko sa kanya..
Habang naglalakad ako sa aisle papuntang bandang likod ay bumabati ako sa mga schoolmates ko..
"Hi good morning!"sabi ko sa kanila at ngumiti..
"Bagong buhay na ako!
Tingnan nyo ang bagong uniform at gamit ko!"sabi ko sa kanila...
Makikita ko sa kanilang mga mukha na na-annoy sila sa attitude ko..
"Hi..Im Mitch..Friends tayo ha??Just search for Mitch Ramos Montanez and add me..
And I will accept you.." pag-o-orasyon ko habang papuntang back seat..
Nang maka-upo ako ay inihiga ko ang sarili ko sa malapad at bakanteng upuan..
Ang shayap! Parang malambot na kama!
Ok lang kung hihiga ako dito..Ako lang naman ang naka-upo dito eh...
Kinuha ko ang iPod touch at headset...
Makikinig na lang ako ng music...
Napapansin kong parang may something dito...
Hmm..Tumayo ako at nag-libot...
Tiningnan ko ang bawat seat at ang mga naka-upo dun...
At nilapitan ko ang isang malungkot na mabait ang mukha na student...
Parang natalo sa madjong ang anyo ng isang 'to ah...
"Hi ako nga pala si Mitch..Ikaw,anong pangalan mo??"tanong ko..."Hey boy! Natalo ka ba sa jai alai??"
Lumingon sya sa'kin...
"Anong kailangan mo??"tanong nya...
Aay anak ng patis..Nagbabasa pala ng bible!
"Anong kalakaran ngayon Father??"tanong ko sa kanya...
"Kilala ba kita??"tanong nya at inirapan ako..
"Oooh Oooh! Taray!"sabi ko at siniko sya..
"Kaso hindi bagay..Wag mo na uling gawin yun ha??"sabi ko at nag-tap sa balikat nya...
Inalis naman nya ang kamay ko...
"Gwapo ka man unta nya magbinayot ka man!"
Sabi ko sa bisaya..It's up to him kung naiintindihan ba nya o wala...
[Translation: "Pogi ka sana kaso bakla ka!"]
"Sige dito muna ako..May gagawin pa ako!"sabi ko at umalis na sa kinauupuan nya...
Naghanap pa ako ng ibang weirdo dito at hayun!
Sa may unahan! May ma-angas na nakapasak ang tenga ng earphone!